Chapter 2

4.8K 227 32
                                    





Unedited...




Kakalapag lang niya sa isang malawak na bakanteng lote sa gitna ng kapatagan. Tinulungan siya ng piloto nila na ibaba ang dalawang maleta.

"T—Teka... Saan ang sundo ko?" tanong niya.

"Baka papunta na po," sagot ng piloto ay nagmamadaling bumalik sa chopper.

"Saan ang kalsada rito? Wait!" sigaw niya nang mapansing walang kalasada maliban sa pilapil at makitid at paputik na daan sa di-kalayuan. "Hey!" sigaw niya nang pataas na ang chopper. "Teka, wait! Hoy! Gago!"

Pero nasa itaas na ang chopper kaya inis na nanewang siya at pinagmumura ang piloto.

"You're fired!" sigaw niya at gigil na binuksan ang maleta para isalpak ang simcard sa bago niyang cellphone. "What the heck?!" bulalas niya nang pagbukas sa couch ay bagong 33:10 ang cellphone kaya inisa-isa niya ang mga gamit. Suklay at pulbo na Johnsons ang nandito. Ni isang jewelry ay wala siyang nakita. Mas lalong sumakit ang ulo niya nang makitang luma ang mga shorts at damit at ang iba ay punit pa na mukhang galing sa ukay-ukay. "Is this a joke?" bulalas niya sabay tapon ng mga damit sa loob ng maleta. "I can't believe this!"

Hindi niya alam kung saang bahagi siya ng Pilipinas pero sigurado siyang nasa kabundukan siya dahil puro kakahuyan ang kanyang nakikita at ni isang bahay ay wala talaga.

Sinipa niya ang maleta sa inis at nang mapagod ay inupuan ito at ginulo ng buhok saka malakas na sumigaw. "Aaaaaah! I hate you! I really, really hate you all!"

Napatingin siya sa makitid na daan nang marinig ang mga yabag. Nakita niya ang maitim na lalaking nakasakay sa kalabaw.

Inayos niya ang sarili. Baka sakaling makatulong ito sa kanya para makabalik sa daan.

"Magandang umaga," bati niya sa lalaki nang tumigil ito sa tabi niya at bumaba sa kalabaw. "B—Baka alam mo po ang daan patungo sa highway?"

Tahimik na yumuko ito at ibinalik ang mga damit niya sa maleta.

"Hello? K—Kung gusto mo, sa 'yo na ang mga damit na 'yan, ituro mo lang ang tamang daan?" Medyo kinakabahan na talaga siya lalo na't aeta ang lalaki. Well, sa hula lang niya. Sa tantiya niya, 5'9" ang height nito dahil hindi nalalayo ang height nila. 5'6" siya kaya alam niya. Kulot ang buhok nito, pino ang pagkaitim at hindi masyadong matangos ang ilong pero hindi rin naman pango.

"Maupo ka sa karusa," sabi nito na hindi makatingin sa kanya ng diretso.

"I—Ihahatid mo ako?" tanong niya. Tumango ang aeta kaya nakahinga siya nang maluwag. Inilapag nito sa karusa ang dala niya at muling sumakay sa kalabaw.

"W—Wala bang sasakyan dito?" alanganing tanong niya dahil may bakas pa ng lupang natuyo ang karusa nitong nakakonekta sa katawan ng kalabaw.

"Wala na. Maupo ka na lang sa maleta mo para hindi ka mabudlayan," sabi ng aeta.

"M—Mabudlayan?" ulit niya pero nagkibit balikat lang ang aeta kaya naupo siya sa ibabaw ng maleta. "Gagawin ko sa cellphone na 'to?" inis na tanong niya sa sarili habang nakatitig sa Nokia 33:10 na cellphone.
Habang naglalakad ang kalabaw, napaupo siya sa isang tabi at nanlumo. Gusto niyang magreklamo pero baka katayin siya ng aeta o 'di kaya'y itapon sa kung saan. Napatingin siya sa paa nitong sumisipa sa kalabaw, puno ng putik at may sukbit pa talagang itak sa tagiliran.

(Ito po ang karusa sa mga hindi pa nakakita o nakasakay nito ctto sa photo)

(Ito po ang karusa sa mga hindi pa nakakita o nakasakay nito ctto sa photo)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Where stories live. Discover now