4

3.7K 217 60
                                    













Unedited...






"Pwede ba akong makabali kahit na one pipti lang?" tanong ni Neo na kinapalan na ang mukha sa among laking Maynila.

"Bali ng?"

"Sahod? Kahit na isang daan lang?"

"Babali ka?" bulalas ng boss niya na nakapamewang. "Hindi ka pa nga nakabayad ng dalawang daan mo, babali ka na naman? Aba, abuso ka na, Neo!"

"Boss, wala na kasing makain ang anak ko kaya nagbabakasakali lang," sagot niya. "Pagbabayaran ko naman."

"Eh di humanap ka ng paraan!  Huwag puro utang ha!" sabi nito. Lumabas ang asawa ni Leon sa sasakyan at lumapit sa kanila.

"May problema ba?" tanong ni Mary Joy Ormega.

"Wala. Bumalik ka na sa sasakyan, MJ!" sagot ni Leon.

"Ano ang kailangan mo, Neo?" tanong ni Mj na hindi pinansin ang asawa.

"Babali siya ng sahod!" sabi ni Neo. "Alam naman niyang sa katapusan pa ang sahuran."

Napayuko si Neo. Ang dami kasi ng kasamahan nilang nakikinig na nasa itaas ng truck na kinakargahan nila ng tubo.

"Magkano ba ang kailangan mo?" tanong ni MJ.

"Huwag na ho," sagot ni Neo at tinalikuran ang mag-asawa.

"Kita mo, tinalikuran tayo! Bastos talaga!" sabi ni Leon. "Kala mo kung sino! Ati lang naman!"

Dumiretso si Neo sa gitna ng tubuhan at binuhat ang isang tumpok saka dinala sa truck na may hagdan. Dahil sa inis, sa trabaho niya inilabas ang sama ng loob.

"Pila kinahanglan mo? (Magkano ba ang kailangan mo?)" tanong ng matandang kasama niya nang ilapag niya ang tubong buhat.

"Huwag na ho." Alam niyang kailangan din nito ng pera dahil may sakit ang asawa nito at kailangan pa nilang bumili ng antibiotic.

"Sabihin mo. May isang daan ako rito," sabi ng matanda at dinukot ang plastic sa bulsa tapos binuksan at kinuha ang isang daan. "Ito na, nakatago ko ito. Babayaran mo naman ako e."

"Pero—"

"Sinuptan ko na para pamakal ka pansit ka asawa ko. Nakabakal na ko bulong, dali lang, ngaa indi mo sila upod? (Ipon ko 'yan para pambili ng pansit sa birthday ng asawa ko. Nakabili na ako ng gamot niya kaya huwag kang mag-alala. Ang mahalaga ay may maipakain ka sa kambal mo. Teka, bakit hindi sila nakasama?")

"Salamat po, Tatang. May kasama sila sa bahay ngayon,(may upod sila sa balay)" sagot niya at inabot ang isang daan. Nahihiya man siya, hindi naman niya matanggihan dahil wala talaga siyang pera.

"(Okay lang, sin-o man bi mabuligay kundi kita man lang) Okay lang, sino ba naman ang magtutulungan kundi tayo-tayo lang," sagot ng matanda.

Pinahidan ni Neo ang tumatagaktak na pawis saka bumaba sa truck at muling naghakot ng tumbok na tubo. Nang matapos nilang ikarga ang lahat, nauna siyang umuwi. Dumaan muna siya sa tiyangge at bumili ng tuyo, asin at dilis.

Sa isang daan niya, dalawang piso na lang ang natira kaya napabuntonghininga siya. Napatingin siya sa hair clip na may disenyong butterfly. Napangiwi siya dahil tig 20 ang isa at dalawa pa ang anak niya.

"Gusto mo?" tanong ng tindera.

"Wala kwarta(walang pera)" sagot niya.

"Silhig eh(walis tingting)"sagot ng tindera.

"Dalawang walis tingting, bigay ko na sa kambal mo."

"Tuod(Totoo)? San-o mo kinahanglan ang silhig(Kailan mo kailangan ang walis tingting)?"

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Where stories live. Discover now