Chapter 6

3.5K 217 65
                                    







Unedited...






Maaga pa siyang umalis. Tulog pa nga ang tatlong babae nang tumungo siya sa kanilang apo. Sabado ngayon, araw ng sahod kaya kailangan niyag agahan para makapamili pa ng uulamin ng mga anak.

Magbabayad din siya ng isang daan kay Tatay.

"Magandang umaga," magalang na bati niya sa amo na naglilinis ng sasakyan.

"Alas siyete pa ang sahod ninyo!" sabi ni Leon.

"May lakad kasi ako," sagot niya.

"Hindi ako nagbibigay ng maaga. Maghintay ka!"

"Nandiyan naman ang pera," sabi ni Mary Joy na lumabas nang makita si Neo. "Ibigay mo na lang para hindi na siya maghintay."

"May ginagawa ako."

"Ako na ang magbibigay," sabi ni MJ na bumalik sa loob ng bahay.

"May iba ka na bang pagtrabahuhan?" tanong ni Leon at pinatay ang hose ng tubig. "Marami na ang trabahador namin kaya magtatanggal ako ng mga tauhan."

"Maghahanap pa lang," sagot ni Neo. Alam naman niyang kung may tatanggalin man ito, siya ang nangunguna sa listahan. Hindi lang siya nito natatanggal dahil matagal na tauhan ng ama ni Leon ang ama niya noon.

"Umpisahan mo na dahil hindi ko gusto ang trabaho mo. Ang layo mo sa ama mo. Kapag magtrabaho ka, napaka-bara-bara!"

"Hahanap ako," sabi ni Neo na naikuyom ang kamao. Palagi na lang siyang iniinsulto nito pero wala naman siyang magagawa dahil kailangan niya ng hanapbuhay. Wala naman kasi siyang pinag-aralan kaya walang tatanggap sa kanya. Kung may pinag-aralan lang sana siya, eh di sana matagal na siyang nakaalis sa impyernong hacienda nila.

Iniwan siya ni Leon at pumasok ito sa loob ng bahay kaya naupo siya sa upuang nasa tabi ng sasakyan nito. Dalawa ang sasakyan nila. Isang UV (sport utility vehicle) na kulay pula at isang itim na kotse. May dalawa rin silang truck na kinakargahan ng tubo at palay pero nasa bodega naka-parking.

"Neo," tawag ni MJ na lumabas ng bahay at may dalang supot. "Heto na ang sahod mo."

"Salamat," pasalamat ni Neo at kinuha ang sobre saka binuksan. Nagulat siya nang tatlong libo ang laman. "Seven fifty lang ang sahod ko," sabi niya at kinuha ang sakto sa sahod niya.

"Huwag mong isauli!" agap ni Mj.

"Kukunin ko lang ang pinaghirapan ko," sabi ni Neo na inabot ang 2250 pesos kay Mj.

"Neo, please. Para naman 'yan sa kambal," pakiusap ni MJ.

"Hindi ko kailangan ang pera ng asawa mo."

"Pera ko 'yan, may negosyo ako at hindi 'yan galing kay Leon, please, tanggapin mo na."

Umiling si Neo at hinawakan ang palad ni MJ saka inilagay ang sobra sa sahod niya.

"Salamat pero uuwi na ako," pasalamat ni Neo.

"Kahit itong laruan man lang, pakiabot sa kanilang dalawa," pakiusap ni MJ na inabot ang supot kay Neo. "Please."

"Pasensya na, hindi nila kailangan ang laruan."

"Hanggang kailan ka magmamatigas, Neo?" pikong tanong ni MJ pero tuloy-tuloy na lumabas si Neo sa bakuran ng mga Ormega.

Nang makasalubong niya si Tatang, inabot niya ang isang daan dito tapos dumiretso sa tindahan at binayaran ang 350 na utang kaya 200 pesos na lang ang natira sa pera niya.

Bumili siya ng tatlong kilong bigas, asin, toyo, mantika, gas para sa lampara nila, tatlong ice candy at puto tapos umuwi na.

Napabuntonghininga na lang siya nang makitang 20 pesos na lang ang pera niya at pang ilang araw lang ang nabili niya lalo na't kasama pa nila si Maddie kaya malamang, uutang na naman siya sa susunod na araw.

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Where stories live. Discover now