26

4.8K 288 124
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.








Unedited....







"Okay ka lang?" tanong ni Anne Carmel nang pinuntahan ni Maddie sa hotel na tinutuluyan niya. "My gosh! Look at your self! Para kang pulubi!" Paano, lumang tsinelas at damit ang suot ni Maddie. Ni hindi nga ito nakapagsuklay ng maayos. "Pero maganda naman," agad na bawi niya.

"Kailangan kong magpa-DNA test ng kambal," sabi niya.

"Wow! Kakapasok mo lang tapos ganyan agad ang bungad mo? Wala bang kamustahan diyan?" Napatingin siya sa batang dala ni Maddie. "Hala, ang cute! Hello, Cathy!"

"Hello po," magalang na bati ni Cathy at nagmano kay Anne Carmel.

"Ikaw nga panlalait agad ang bungad mo!" sabi ni Maddie at naupo sa couch. Finally, nakaupo rin siya sa malambot na couch. "Cathy, mahiga ka sa kama, magpahinga ka muna tapos bibili kayo ng bagong damit at laruan ni Tita Anne Carmel later, okay?"

"Okay po," sagot ni Cathy at nahiga sa kama dahil antok na antok na talaga siya at pagod sa kakalakad. Kagabi, sa chapel lang ito natulog pero pinapapak pa rin ng lamok kaya magising-gising din.

"Sorry naman. Ang hirap kaya ng buhay ko. Pakiramdam ko naging horror na ang buhay ko dahil palaging may nakasunod sa akin. Hindi pa ako makakilos nang maayos."

"At least nakakain mo ang gusto mo!" sabi ni Maddie.

"Hmm? Ikaw nga may Neo," ani Anne Carmel. "Ayieee. Siguro ang gwapo ng ita."

"Did I tell you na pangit siya?"

"Hindi ko na mabilang," natatawang sabi ni Anne Carmel. "But you know, iba-iba tayo ng interpretasyon sa salitang gwapo. Malay mo, pogi naman siya, maitim nga lang. Sa iba kasi kapag maitim, pangit na. At mabait naman si Neo."

"Paano mo nasabing mabait?" nakataas ang kanang kilay ni Maddie.

"Kasi kung hindi, matagal ka na niyang napatay sa ugali mong 'yan."

"Gaga!" ani Maddie. "Umuwi ka na nga!"

"Kailangan mo pa ako no. Matapos kong makipagsapalaran dito? Akala ko nga harangin ako ng nga pulis eh."

"Hmm? Basta ikaw magbayad sa hospital bill ha," ani Maddie.

"Oo naman, akong bahala. Basta bayaran mo naman."

"Mukha ka talagang pera!" sabi ni Maddie. "Wait, titingnan ko lang si Neo."

"Nasa baba siya?"

"Oo. Nagpaiwan."

"Sama mo na rito sa pagbalik. Bakit mo ba kasi iniwan?"

"Bumili ng gamot. Babalik pa kami sa hospital e."

"Kumusta si Sammy?"

"Okay na. For discharge na kami. Hinihintay na lang namin ang doctor."

"Good."

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Where stories live. Discover now