21

4.8K 250 57
                                    


Happy birthday Lyn Claudith Soria





Unedited...

"Oh, nandito na pala si Ganda!" sabi ni Aleng Berta nang makita si Maddie.

"Magandang umaga po," magalang na bati ni Maddie sa mga babaeng nakaupo sa tapat ng bahay ni Aleng Berta at nagkakayod ng mais.

"Sigurado ka ba?" nag-aalalang tanong ni Neo.

"Oo naman," sagot ni Maddie. "Iwan mo na ako."

"Maddie, hindi mo kailangan—"

"Gusto kong magtrabaho, Neo! Gusto kong makabili ng damit sa mga anak ko!" sagot ni Maddie kaya napabuntonghininga si Neo.

"Sige, iwan na kita. Basta kapag hindi mo kaya, umuwi ka ha."

Tumango si Maddie at napatingin kay Neo na tumalikod.

"Boyfriend ba talaga niya si Negro?" narinig ni Maddie na tanong ng isang dalagita sa kaibigan.

"Malay ko. Imposible, no? Ang gwapa-gwapa niya tapos nagpatol lang kay Negro? Kung ako hahanap ako ng amerikano," sagot ng kaibigan nito.

"Hoy, pangit!" malakas na sigaw ni Maddie at hinabol si Neo.

"Uurong ka na ba?" tanong ni Neo na hinintay si Maddie. "Tara, uwi—" Napatigil siya sa pagsalita nang halikan siya ni Maddie sa mga labi.

"Mag-araro kang mabuti sa palayan ng iba pero huwag yung palayan na iba ang binhi, maliwanag?" ma otoridad na sabi ni Maddie.

"S—Sige..." sabi ni Neo dahil nahihiya sa mga nakatingin sa kanila. Puro pa naman babae.

"Pag ang uling namumula, ano tawag don, Neo?"

"Alis na ako," paalam ni Neo na dali-daling tumungo sa trabaho.
Naglakad pabalik si Maddie at nagpaturo kung paano gagawin ang pagkayod ng mais. Sa umpisa, sobrang nahihirapan siya dahil ang kamay niya ang nakakayod niya pero nang hindi magtagal ay nauha niya ang ritmo sa trabaho.

Masakit lang ang likod niya at gusto na niyang tumigil pero sa tuwing naalala niya ang kambal, nagkakaroon siya ng lakas ng loob n magtrabaho. Masama ang loob niya sa pamilya dahil hindi sana naghihirap ang kambal kung may pera lang siya o nagagamit ang pinag-aralan.

Makapal man ang mukha pero kinausap niya si Aleng Berta kung pwede siyang bumali ng pang tatlong araw. Mabait naman ang matanda kaya pina-cash advance siya.

"Maraming salamat po. Habambuhay kong tanawin na utang na loob ito," naiiyak na pasalamat niya at dali-daling tumungo sa tindahan bago pa sumara. Binili niya ang dalawang pink na bestida at ang paborito nilang tinapay na ube at naglakad pauwi sa bahay nila.

"Maddie!" tawag ni Neo nang makasalubong niya ito.

"Hey! Saan ka pupunta?"

"Susunduin ka. Pagabi na e," nag-aalalang sagot ni Neo.

"Bumili lang ako ng damit," sabi ni Maddie at pinakita ang dalawang bestida.

"Magkano 'yan?"

"300 dalawa," sagot niya at niyakap ang supot. Ito na siguro ang pinakamura pero pinakabuluhang damit na nabili niya.

"Marami naman silang damit. Hindi mo na kailangang bumili pa."

"Si MJ ang bumili!" ani Maddie na kahit na naghihirap, ang taas pa rin ng pride niya.

"Sige." Hawak-kamay silang umuwi sa bahay. Agad na sinalubong sila ng mga bata. Sobrang tuwang-tuwa ang mga ito nang isukat ang damit. Niyakap pa nila si Maddie at hinalikan sa magkabilang pisngi.

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon