30

5.7K 284 104
                                    




A/n:

Bago nyo basahin, gusto ko lang ipaalam sa inyo na hindi si Neo ang dream guy ninyo. Hindi ito gagwapo o yayaman kagaya ng inaasahan ninyo. Do you think na ang jowa ninyo ang pinakagwapo sa mundo? Accept it or not, hindi. Nasa iyo na iyon kung gusto ninyong makasama ang pagmumukhang yan habambuhay. Kailangan mo lang tanggapin na hindi lahat ng babae ay pareho ng kapalaran. Na hindi lahat tayo ay maswerteng nakatagpo ng gwapo at mayaman. Kung may mahal ka na deserve naman niyang mahalin, huwag mo siyang ikahiya. Mahiya ka kapag ang asawa mo ay wala talagang kwentang ama sa anak mo.  Tamad, sugarol, mabisyo at nanakit. P.s. Hindi lahat ng pangit ay kailangan nang mahalin. Marami ring pangit jan na manloloko at mayabang. For short, nasa tao pa rin yon. Walang pangit sa mundo? Hmm? Kayo na ang bahala sa ganyang usapin.



Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.






Unedited....








"Bakit nagiba ang kubo ninyo?" tanong ni Aron na agad sumaklolo nang tumawag ang anak na umiiyak.

"Lumindol dito kagabi kaya bumigay ang dalawang haligi niya," sagot ni Maddie.

"Lumindol ba? Bakit walang balita?" sabat ng ina na nakatingin sa sirang kubo.

"Kailangan ba may balita talaga?"

"Kapag lumindol, binabalita talaga 'yan!" sabi ni Mandy.

"Siyempre dito sa kabundukan ang lindol!"

"Kahit na! Ano 'yan? Dito lang sa inyo?" sagot ng ina.

"Oo. Malay ko ba! May radyo at TV ba kami? Di ko alam kung ano ang nangyari! Bigla na lang nawasak. Kung hindi kayo tutulong, huwag na!" inis na sabi ni Maddie.

"Doon muna kayo sa amin habang pinapaayos ang bahay," suhestiyon ni Mandy at napatingin kay Neo na nakaupo sa isang tabi na halatang hindi alam ang gagawin.

"Ayaw. Dito na lang," tanggi ni Maddie kaya napataas ang kanang kilay ng ina.

"Akala ko ba uwing-uwi ka na?"

"Inis pa rin ako sa inyo!" sabi ng dalaga.

"Eh di mainis ka. Basta ang mga apo ko doon na muna sa bahay ha. Nag-i-enjoy naman sila kahit na madalas nila kayong hinahanap."

"Okay. Basta huwag mong saktan ang mga anak namin."

"As if na nananakit ako ng bata," sabi ng ina.

"Ay, hindi po ba?" sarcastic na tanong ni Maddie kaya hinila ng ina ang buhok niya. "Aw, mommy naman! Hindi ka na nananakit. Bait mo kayang ina," pagbawi niya kahit na ang totoo ay madalas talaga siyang sabunutan ng ina at ang ama lang niya ang nagpapagitna sa kanila.

"Hindi!" sagot ni Mandy. Mabait naman siya sa mga apo at hindi niya sinasaktan ang mga ito dahil ang bait naman ng kambal at magalang pa. Kakaiba kaysa ugali ni Maddie noong bata pa. Lumalaban talaga si Maddie at kapag na saktan niya ito para disiplinahin, agad na tumatakbo kay Aron kaya ang ending ay silang mag-asawa ang nagtatalo.

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Where stories live. Discover now