25

5.4K 284 104
                                    











Unedited...







"Gets mo?" tanong ni Maddie matapos ipaliwanag kay Neo ang lahat.

"Ah," ani Neo kaya tumaas ang kanang kilay ni Maddie.

"Nakuha mo o hindi?" aniya na tumaas na ang boses.

"H—Hindi ko kasi maintindihan ang ibang sinabi mo," sagot ni Neo at napakamot sa ulo. Bago sa kanya ang nga salitang sinabi ni Maddie kaya hindi talaga niya maintindihan.

"Seryoso ka, Neo?"

Tumango ang binata pero nagulat nang malakas na hinampas siya ng dalaga sa kanang balikat.

"Ang haba ng sinabi ko, wala kang naintindihan?" bulyaw ni Maddie at muling hinampas si Neo sa balikat.

"Ano 'yong cell ba 'yon?" tanong ni Neo. "Aray!" daing niya nang sapakin na siya ng dalaga.

"Walanghiya ka! Nakakatamad kang kausap!" inis na sabi ni Maddie. "Ang egg ko ay pinreserved sa egg bank kasi magkakaroon daw ng malaking chance na hindi na ako magkaanak! Tapos nalaman ko ngayon na nawawala ng egg cell ko dahil nagkamali raw ang egg bank at naihalo nga sa iyo! Dapat kay MJ na egg cell pero akin ang nagamit nila, gets mo?"

"Saan galing ang egg cell mo?" curious na tanong ni Neo.

"Malamang sa ovary ko!" ani Maddie sabay turo sa tiyan. "Dito sa loob ng katawan ko! Gets mo?"

"Bakit mo itinago sa bangko? Hindi ba mapipisa 'yon?" inosenteng tanong ni Neo kaya napapikit si Maddie para mawala ang pagkapikon niya.

"Kasi nga mababaog ako! Baog nga ako eh!"

"Tapos?" tanong ni Neo pero napaurong sa inuupuan nang muling hampasin ni Maddie sa braso.

"Tapos ang sperm mo at egg ko ay nagkita at nabuo ang baby. Nyeta! Yung paliwanag na lang sa 'yo noon ni MJ nung nagpagawa siya ng baby sa 'yo! Yun yun pero sa halip na sa kanya, ang egg ko ang ibinigay nila!" sabi ni Maddie. Wala pang confirmation sa pamilya pero umaasa talaga siya na iyon nga ang totoo. Isa pa, hindi magsasayang ng oras ang pamilya kung hindi naman niya kaano-ano itong kambal.

"Hindi ko naman alam yun eh," ani Neo. Pumayag lang siya kay MJ noon pero hindi na ipinaliwanag ni MJ ang proseso. Basta nagbigay lang siya ng sperm cell niya tapos magiging baby na raw iyon. Baka iyon nga ang tinutukoy ni Maddie.

"Kakagigil kaaaaaa!" hiyaw ni Maddie malapit sa tainga ni Neo sabay kurot sa tagiliran ng binata.

"Aray! Ang sakit ng kuko mo!" reklamo ng binata pero nanginginig pa talaga ang mga kamay nito habang kinukurot ang balat niya.

"Kakainis ka eh! Basta anak natin ang kambal! Ako ang ina ng dalawa at hindi si MJ!" sabi niya at binitiwan ang balat ni Neo pero gigil na hinampas niya ulit sa balikat. "Bakit ba ang slow mo, Neo? Paano kita ipakilala sa pamilya ko kung ganito ka kabobo?"

Napangiwi si Neo. Mayaman talaga sina Maddie dahil nakita niyang may helikopter ang pamilya nito tapos kumikinang pa ang suot na alahas ng pamilya nito.

"Nahihiya ako, Maddie. Alam mo namang mahirap lang ako."

"Walang problema sa pagiging mahirap mo, Neo!" seryosong sabi ng dalaga at pinagmasdan ang kasintahan mula ulo hanggang paa. "Ang problema talaga natin ay 'yang pagmumukha mo."

Napangiwi si Neo. Hindi kasi nagbibiro si Maddie at problema pa talaga ang mukha sabay tingin sa kawalan. "Tapos 'yang porma mo at kabobohan mo. Nakakahiya ka talagang ipakilala sa kanila, you know?"

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon