22

4.2K 217 31
                                    





Unedited...





"Nanay?" tawag ni Sammy kay Maddie at naupo sa tabi niya. "Bili tayong ice candy."

"Sige. Dito ka lang," bilin niya.

"Sama." Tumayo rin si Sammy at sumama kay Maddie. "Gusto ko rin po ng Skyflakes."

"Sige. Ate, dalawang ice candy at Skyflakes," sabi ni Maddie at inabot ang bayad.

Nang makuha ang binili, tumakbo si Sammy patungo kay Cathy na nakikipaglaro sa kaklase para ibinigay ang ice candy at Skyflakes.

Napangiti si Maddie at bumalik sa inuupuan niya. Bumalik si Sammy at muling naupo sa tabi niya.

"Nanay? Susunduin ba tayo ni Tatay?"

"Oo, sabi naman niya," sagot ni Maddie at kinuha ang suklay saka sinuklay ang maalong buhok ni Sammy. "Ang ganda ng buhok mo."

"Siyempre po, maganda ang buhok mo, nanay." Inosenteng sabi ni Sammy at tumingala kay Maddie. "Sabi ng mga kaklase ko, ang ganda-ganda mo raw po."

"Talaga?"

"Opo."

"Hmm? Salamat naman. Dapat lang na maging maganda tayo."

"Opo."

"Sammy, pasok na tayo!" tawag ni Cathy kaya iniwan na muna siya ni Sammy.

Napatingin si Maddie sa cellphone niya. Wala pa ring tawag si Anne Carmel para balitaan siya kung ano ba talaga ang nangyayari at bakit pati pagiging abogada niya ay hinaharangan ng pamilya?

Naramdaman niya ang dugong bumulwak sa kanya pero may napkin naman siya. Noon pa man, irregular na talaga ang menstrual period niya. Minsan ilang buwan pa bago ulit siya nagkakaroon at kapag dumating naman ay mahigit 7 days. Napalunok siya ng laway. Ang hirap pigilan ng mga luha. Matagal na siyang nawalan ng pag-asa. Noong una, binalewala lang niya iyon at tinanggap ang sakit at ang isiping hindi na siya magkakaanak pa. Hindi naman mahalaga ang bata sa kanya e. Kaya nga nung sinabing 0% na ang chance na magdalang-tao pa siya, hindi siya apektado. Kahit ang mga Lacson ay ginawa na ang lahat ng paraan pero hindi na iyon nabago ang katotohanang baog siya. Hanggang ngayon, wala pa ring exact na gamot sa PCOS . May siniswerteng nawawala na lang kusa pero mayroon ding nananatili. Ang iba ay nauwi sa cancer lalo na kapag pabayaan ang cyst at ang iba ay nakapagdalang-tao pa. May naging kaklase siyang may polycystic ovary syndrome o mas kilala sa tawag na  PCOS pero ngayon ay may dalawang anak na. Ang problema sa kanya, ang egg cell niya ang hindi nagma-mature.

Maraming babaeng takot sa PCOS pero nadadaan naman sa healthy lifestyle kaya malaki ang chance na mabuntis pero isa siya sa mga hindi pinalakad at walang pera at siyensya na makakapagpagaling sa pagiging infertile niya ngayon. Himala? Kailangan pa ba niyang umasa roon.

Malungkot na inabangan niya ang kambal hanggang sa dumating si Neo para sunduin sila.

Habang nakasakay sa karusa, panay ang pagkanta ng dalawa. Kalong naman ni Maddie ang dalawang kilong bigas na binili ni Neo at pinagmasdan ang binatang hinihila ang kalabaw.

Pagdating sa bahay, hinayaan muna nilang maglaro ang kambal sa labas ng bahay.

"May problema ba? Tara, labas tayo," yaya ni Neo nang pumasok matapos isalang ang sinaing.

"Neo, may aaminin ako sa 'yo," seryosong saad ng dalaga. Kailangan ni Neo na malaman ang lahat bago pa siya maunahan ng iba.

"Ano 'yon? May problema ka ba, Maddie?"

"N—Neo..." usal niya at humagulgol sa pag-iyak kaya agad na naupo si Neo sa lapag at hinimas ang likod niya.

"Maddie, ano ang nangyari? May masama ka bang nararamdaman."

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Where stories live. Discover now