19

5.5K 252 45
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.







A/n:

Please note na kapag sina Neo at kasama niya sa trabaho nag-uusap o ang mga bata, ilonggo po yan. Kaso tamad na akong magtranslate. Kapagod magsulat. Hahaha.










Unedited....

"Sammy, halika!" malambing na tawag ni MJ kay Sammy pero napasiksik ang kambal sa gilid ng pader habang nagyayakapan. "Tingnan ninyo oh, may bago akong laruan."

"No!" madiing sabi ni Sammy. "Uuwi na kami kay Tatay!"

"Kay Neo?" ani MJ. "Malayo ang bahay ninyo tapos wala pa kayong laruan. Hindi ba ninyo gusto itong kuwarto ninyo? Look, may mga laruan oh. Tapos puno pa ng mga bagong damit ang cabinet ninyo."

Umiling ang kambal na nakatingin lang sa kanya.

"Ako ang nanay ninyo," aniya na malapit nang maubos ang pasensya pero wala siyang balak na sumuko para lang makuha ang loob ng mga bata.

"Si Nanay Maddie," sagot ni Sammy kaya nagulat si MJ.

"Si Maddie?" bulalas niya at umiling. "Ako. Ako ang totoo ninyong ina."

"G—Gusto ko nang umuwi! Si Tatay!" umiiyak na sabi ni Cathy dahil gabi na at wala pa rin ang ama. "Sabi niya balikan niya kami."

"Matulog muna kayo para paggising ninyo, nandito na si Neo," sabi ni MJ. "Gusto ninyo tabi tayo?"

"Si Nanay Maddie lang!" sagot ni Sammy. "Sabi mo babalik si Tatay pero bakit wala pa siya?"

Okay naman ang kambal kanina. Naglalaro at kinakain ang lahat ng gusto pero nang hapon na, hinanap na nila ang ama dahil ayaw magpaiwan kanina pero pinangakuan nilang babalikan din ni Neo.

"Maghintay kayo. Matulog muna kayo, okay? Please lang!"

"U—Uwi ako kay Tatay!" sabi ni Cathy at nilakasan ang pag-iyak.

"MJ?" tawag ni Leon nang pumasok sa kwarto. "Hindi pa ba yan sila natutulog?"

Napabuntonghininga si MJ at pinagmasdan ang kambal saka lumabas at lumipat sa silid nilang mag-asawa.

"Bakit hindi mo na lang kaya sila iuwi at hayaan na lang kay Neo?" tanong ni Leon matapos isara ang pinto at inakbayan siya. "Huwag mo nang ipilit ang sarili mo sa ayaw sa 'yo."

"M—Mali ang pagtalikod ko sa kanila. S—Sana hindi ko na sila ibinigay kay Neo," sabi niya at pinahiran ang mga luha. "N—Nasasaktan ako sa tuwing maisip kong hindi ko sila pinansin. Naguguluhan ako pero ngayong i—ibang ina ang hinahanap nila, mas lalo akong nagsisisi kung bakit ko sila iniwan."

"MJ, hindi mo na maibalik ang nakaraan dahil tapos na iyon at—"

"Kasalanan mo 'to eh! Kung hindi mo ako pinilit na ibigay ang mga anak ko kay Neo, eh di sana masaya kaming mag-ina!" paninisi niya kay Leon.

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Where stories live. Discover now