24

5.3K 271 83
                                    

UNEDITED...

"Maddie?" tawag ni Neo pero tulala pa rin si Maddie. Mula nang iwan ito ng ina kahapon, nagmukmok na sa isang tabi at hindi na makausap kahit pa ng kambal. Magdamag itong umiiyak pero ayaw naman nitong magkwento.

Bumalik si Neo sa kusina at nagluto ng tinolang manok. Papapaya, dahon ng sili at dahon ng labog ang ginamit niyang pampaasim.

"Tatay? Akin na lang ang atay?" tanong ni Sammy.

"Kay tatay 'yan eh!" sabi ni Cathy. Basta atay at balumbalunan, sa ama na talaga nila iyon dahi isa lang naman pero madalas na hinahati ni Neo sa kambal.

"Tatay? Ayaw kaming kausapin ni Nanay Maddie," sumbong ni Sammy.

"Hayaan na muna ninyo," sabi ni Neo kahit na labis na nag-aalala para sa dalaga. Kumain naman ito kanina ng dalawang pirasong nilagang kamote.

"Kapag kumulo ang tubig, tawagin ninyo ako ha. Wag ninyong paglaruan ang apoy," bilin ni Neo at kinuha ang itak saka lumapit sa puno ng niyog. Alam niyang paborito ito ni Maddie na inumin kaya kukuha siya.

Nang matapos umakyat, biniyak niya ang niyog at inilipat sa pitsel.

"Tatay! Kumukulo na," sabi ni Cathy na patakbong lumapit sa kanya. Kinuha niya ang itak at iniwan muna ang buko.

"Sammy!" tawag niya nang makitang nilalagay ni Sammy ang karne ng manok sa kaldero.

"Kumukulo na, Tatay!" sabi ni Sammy kaya hinayaan na niya ang anak sa ginagawa.

"Ingat pa rin kayo ha. Baka mapaso kayo, wala tayong pambili ng gamot," pananakot niya at napasulyap kay Maddie na umiiyak na naman habang nakaupo na sa karusa.

"Halikayo, sama kayo sa akin," yaya niya sa kambal dahil baka ano pa ang gagawin ng mga ito sa dapog o saingan nila.

Naupo sa isang tabi ang kambal habang tinatanggal ng kutsara ang laman ng bukong nabiyak na niya. Tinitingnan-tingnan naman niya minsan ang apoy dahil nakikita mula sa pwesto nila. Nang matapos sila ay bumalik sila sa bahay at inihalo na niya ang papaya. Nang half-cook na ay nilagay niya ang dahon ng sili at dinagdagan ng kaunting dahon ng labog para medyo umasim pa.

Inihanda ng mga bata ang kanin sa sahig.

"Tawagin na ninyo si Maddie, kakain na tayo." Utos ni Neo sa kambal. Si Cathy na ang lumabas at nang bumalik ay dala na nito si Maddie.
Nilagyan ng binata ng kanin at ulam ang plato ni Maddie tapos inabot dito.

"Kain ka, Maddie. Mainit pa 'yan," sabi ni Neo at agad na iniwas ang mga mata ng mapatingin si Maddie sa kanya pero blangko ang mukha.

"Kain na kayong dalawa," baling niya sa mga anak.

"Tatay, gusto ko atay!" Napatingin si Maddie kay Sammy nang hiningi nito ang atay.

"Ako rin!" sabi ni Cathy.

"Sige. Hati kayo ha," pagpayag ni Neo at kinuha ang atay at hinati sa kambal.

"Yehey!" tuwang-tuwa na sabi ni Sammy.

Pinagmasdan ni Maddie ang mag-amang maganang kumakain. Minsan lang silang makakain ng manok. Ang unang katay nila ay noong kaarawan ng mga bata at ngayon.

Tinanong siya kanina ni Neo kung ano ang uulamin nila pero hindi niya sinagot kaya nagkatay na lang ito ng manok.

Pinahidan niya ang mga luhang tumulo at inabot ang plato saka kumain ng inihanda ng mag-ama.

"Bakit ka umiiyak?" inosenteng tanong ni Cathy at inilagay sa plato niya ang kapirasong atay. "Sa 'yo na lang po."

Mas lalo siyang humikbi nang mapatingin kay Cathy.

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Where stories live. Discover now