chapter 11

4.3K 248 56
                                    










Unedited...








"Kumakain ka nito?" tanong ni Neo nang ilapag ang alogbati na may kamatis at okra.

"May choice ba ako? Eh di tikman!" sabi ni Maddie na inirapan siya tapos naglagay ng sabaw sa kanin. "Kapag sumakit ang tiyan ko, bahala kang magbayad ng hospital bills!" Isa pa sa pino-problema niya ay ang CR nila. Butas lang kasi sa lupa at kailangan niyang pumatong sa kawayan para makapagdumi doon sa maliit na butas tapos may langaw pa sa ilalim. Okay, nandidiri siya pero wala talaga siyang choice. Para siyang nasa survival Philippines.

"Namumunga na ang mga gulay kong itinanim, pwede na nating mabenta ang iba," masayang sabi ni Neo nang makitang sumisibol na ang bunga ng mga pananim. May binhin siya at kapag namunga ay kumukuha ulit siya ng para gawing binhi para hindi mawala ang pananim.

"Eh di mabuti. Tapos bili tayo ng masarap na ulam, longganisa," sabi ni Maddie.

"Kumusta pala sa school? Nagkausap na ba kayo ng naging kaaway mo?"

"Hindi ko pinapansin!" sabi ni Maddie. "Hayaan mo sila! Hindi naman sila nakakatulong. Buti sana kung kapag kausapin nila ako ay nay makuha akong pera sa kanila. Hindi ko ikamatay ang walang pobreng kumakausap sa akin, no!"

Tinawagan niya si Anne Carmel, wala pa raw itong balita sa pamilya niya dahil kahit ito ay ayaw kausapin nina Mandy at Aron.

"Pagkatapos pala ninyong kumain, akyat tayo sa bundok."

"Tapos?"

"Mamasyal lang sa kapatid ni Nanay," sagot ni Neo at nilagay sa supot ang tatlong noodles na binili sa tindahan.

"Malayo ba?"

"Malapit lang," sagot ni Neo. "Magbaon kayo ng damit, doon tayo matutulog dahil baka gabihin na tayo."

"Alam ba nilang pupunta tayo?"

"Bumaba ang pinsan ko kahapon kaya sinabi kong papasyal tayo."

Naligo si Maddie kasabay ng mga bata. Pinakuskos niya ang likod kay Sammy gamit ang magaspang na bato na nakuha sa ilog para matanggal ang libag o dumi. Hindi na siya nauubusan ng shampoo dahil binibilhan siya ni Neo pero tinitipid pa rin niya dahil hati silang tatlo.

Nang matapos na silang maligo ay sabay na umakyat sa bundok. Habang nasa daan, nanguha si Neo ng labong o tambo para may maluto sa tanghalian.

Sina Maddie naman ay panay ang kain ng bayabas habang naglalakad tapos tinuturuan pa nitong kumanta ng bahay-kubo ang kambal.

"No, I don't want!" sabi ni Sammy kaya napalingon si Neo.

"You don't want, okay!" sabi ni Maddie na kinain ang hawak na bayabas pero napatigil nang magkasalubong ang mga mata nila ni Neo. "Ba't ganyan ka kapag makatingin?"

"Salamat sa pagtuturo sa mga anak ko."

"Madali lang silang turuan pero minsan slow rin, nagmana yata sa 'yo," sagot ng dalaga at sumunod na kay Neo. Mabagal silang maglakad kaya palagi silang nahuhuli pero hinihintay naman sila ni Neo.

"Matagal pa ba?"

"Apat na oras ang lakad pero dahil may kabagalan tayo, anim na oras tayo bago makakarating."

"What?" bulalas ni Maddie na pawis na pawis na dahil sa matirik na daan at paakyat pa.

"Okay lang, sulit naman," sabi ni Neo na ipinagpatuloy ang paglalakad at hindi na pinansin ang reklamo ni Maddie at panay pa ito mura kapag nadudulas.

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz