Chapter 10

4K 237 62
                                    


Unedited....

Alas tres pa lang ay nagising na siya at nagluto na ng pagkain tapos tumungo sa palayan at tinapos ang inaararo. Saktong nagising ang araw nang natapos na siya kaya dali-dali na naman siyang umuwi para sunduin ang mga bata.

"Kain," sabi ni Maddie nang dumating siya.

"Sige," sagot niya at naupo sa tabi ng dalaga. "Kumusta ang tulog?" tanong niya sa mga batang nag-uulam ng Ovaltine at sa kanya ay asin.

"Mahimbing naman ang tulog nila," sabi ni Maddie. "Saan ka galing? Bakit putikan ang mga paa mo?"

"Tinapos ko ang inaararo ko dahil magtatabas kami ng tubo," sagot niya. "Napansin mo pa talaga ang putik sa mga paa ko."

"Kulay brown ang putik at kulay itim ka, malamang makikita ko talaga!" sagot ni Maddie. "Ni hindi ka man lang naghugas ng paa."

"Naghugas ako sa sapa, baka naputikan ulit habang naglalakad ako."

"Hindi pala porket maitim ka eh, hindi na makikita ang dumi," sabi ni Maddie.

"Ang aga mo namang mang-insulto," sabi ni Neo na sanay na sa bunganga ng dalaga.

"Insulto ba yun e nagsasabi lang ng totoo?"

"Ganun din yon!"

"Oh, nasaktan ka sa sinabi ko?"

"Hindi! Sanay na ako. Palibhasa ipinanganak kang maganda at maputi!"

"Thank you at nagpapasalamat ako kay Lord diyan," sagot ng dalaga na saging ang kinakain. "Pero dapat ka rin namang magpasalamat kasi kahit na ganyan ka, kumpleto ang katawan mo, malakas ka. Doon pa lang ay blessing na."

"Alam ko," sagot ni Neo at binalatan ang isang saging saka ibinigay kay Maddie. "Kumain ka nang marami."

Nang matapos kumain, pinaliguan na ni Maddie ang kambal tapos nagbihis sila at sumakay na sa karusa.

"Mabakal ta auto, tatay!" sabi ni Sammy habang nakahawak sa gilid ng karusa nang pababa na ang kalabaw.

"Huo! Tapos maistar kita sa dako dako nga balay(tapos titira tayo sa napakalaking bahay)," segunda ni Cathy.

"Mag manggaranun kita(pag yumaman tayo)," sabi ni Neo na nakaramdam na naman ng pagkabahala. Paano kapag malaman nilang si MJ ang nanay nila at doon sila sasama dahil wala siyang pera?

"Okay naman ang bahay ninyo," sabat ni Maddie. "Ang mahalaga, magkakasama kayo ng tatay ninyo!"

"Opo," pagsang-ayon ni Sammy. "Upod kami ni Tatay(magkasama kami ni tatay)."

"Tama!" sabi ni Maddie na napasulyap kay Neo na malayo ang tingin habang naglalakad hila ang kalabaw. Alam niyang hindi ito nakatulog nang maayos kagabi. "Huwag mong isipin si MJ, Neo. Takot lang nun na itakwil ng pamilya."

"Paano kung kukunin nga nila ang kambal?"

"Eh di wag mong ibigay!" sabi ni Maddie. "Hindi 'yan!"

Natahimik si Neo pero hindi na siya nagsalita pa hanggang sa nakarating sila sa kalsada.

"Ako na ang maghahatid sa mga bata, dumiretso ka na sa trabaho mo," sabi ni Maddie.

"Hatid ko na kayo. Maaga pa naman," sabi ni Neo na itinali muna ang kalabaw sa ilalim ng puno matapos tanggalin ang nakakabit na karusa.

Nang mapadaan sila sa tindahan, hinarangan sila ng tatlong lalaki.

"Neo! Classmate!" bulalas ng lalaki. "Pakilala mo naman kami sa chicks mo nga upod(kasama)," sabi ng lalaking napasulyap kay Maddie. "Taga diin ka, Miss?"

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon