31

6K 323 141
                                    

Unedited

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Unedited....




Dahil sa pamimilit ni Maddie, napapayag niya si Neo na lumuwas ng Maynila.

"Huwag ka nang matakot, Neo, mababait naman ang pamilya ko," sabi ni Maddie na pumipili kung alin ang isusuot. Dito na sila dumiretso sa condo niya para malayo sa ibang pamilya. "Teka, huwag kayong malikot," saway niya sa mga batang nagtatalon sa ibabaw ng kama.

"Ang lambot ng kama mo, Nanay!" manghang sabi ni Sammy at pinulot ang unan saka pinalo sa balikat ni Cathy. Kumuha rin ang isa kaya nagpapaluan sila.

"Masira ang unan!" saway ni Neo sa kambal.

"Okay lang," sabat ni Maddie na natutuwa sa mga anak. "Nagustuhan ba ninyo ang mga pinamili kong damit?"

"Opo!" masiglang sagot ni Cathy.

"Good!" sabi niya at napasulyap sa kulay pink na bestidang isusuot ng kambal mamaya. Kagaya ng mga Villafuerte, lahi rin sila ng kambal at ang saya niya dahil biniyayaan siya ng kambal.

"Nanay? Ang ganda po ng shoes namin," sabi ni Sammy na nilapitan ang sapatos saka isinukat.

"Marami pa akong bibilhin sa inyo sa susunod na araw. Magsho-shopping tayo!" sabi niya dahil mukhang naging maluwag na nga ang pamilya sa kanya lalo na sa pera. Sinubukan niyang bumili ng damit kanina at nagpasalamat siyang nagagamit na niya ang credit card.

"Mamaya pa ba ang party? Hapon na," nag-aalalang tanong ni Neo.

"Alas sais ang umpisa pero dahil Philippine time, seven na 'yan mag-start," sabi ni Maddie na napasulyap sa wall clock. Alas kuwatro na kaya inaasahan na niyang nasa baba na ang hairstylist nila at hindi nga siya nagkamali, saktong may nag-doorbell. Sabay na tumakbo ang mga bata at sila na ang nagbukas ng pintuan.

"Hello, Maddie!" masayang bati ng bading na kakilala kasama ang tatlo nitong assistants.

"Hi!" tipid na sagot ni Maddie at nakipagbeso-beso sa mga ito.

"Oh, siya ba si Neo?" tanong ni Jeff na pinasadahan ng tingin si Neo.

"Pakiayusan siya at pakipili na lang ng babagay sa kanya," sabi ni Maddie.

"Kami ang bahala!" maarteng sabi ni Jeff. Sa sala si Neo at sa kuwarto naman si Maddie. Siya na ang bahalang mag-ayos sa mga bata mamaya pagkatapos niya.

"I'm sure gagwapo si Neo mamaya," sabi ni Jeff.

"Siguraduhin n'yo lang. Mahal ang bayad sa inyo!" sabi ni Maddie.

"Oo naman. Mas pogi pa siya kay Regé-Jean Page na bida sa Bridgerton!" maarteng sabi ni Jeff na nag-aayos na ng gamit.

"Sino 'yon?" tanong ni Maddie.

"Black beauty. Pogi 'yon at ang hot!" kinikilig na sabi ni Jeff. "Basta!"

"Ewan ko sa 'yo!" sabi ni Maddie at inirapan ang bakla saka hinayaan na kung ano ang gagawin nito sa kanya. Matapos ang isang oras, tinawag niya ang mga bata at binihisan. Siya na rin ang nag-ayos ng buhok nila at nilagyan ng kulay puting ponytail tapos nilagyan ng kaunting lipgloss.

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon