Chapter 7

3.7K 213 31
                                    






Unedited...

"Bente lang," sagot ni Neo na bitbit ang limang walis tingting na gawa ng mga anak.

"Mahal naman!" nakapamewang na sabi ng ale. "Dalawa trenta na."

"Mura na nga ang bente," sabi ni Neo.

"Wala nang bibili niyan sa 'yo, boy!" sabi ng anak nitong nakasampay sa balikat ang hinubad na baro tapos nakaupo sa tapat ng bahay habang umiinom ng softdrinks. "Kahit iikot mo pa 'yan sa buong Negros, walang bibili niyan dahil marami naman sng niyog diyan na gagawin nila."

Dalawang oras nang umiikot si Neo pero wala pa ring bumibili sa kanya. Nakaramdam na nga siya ng uhaw pero tinitiis lang niya.

"S—Sige, dalawa trenta na lang," alanganing pagpayag niya kaya tuwang-tuwa ang ginang na puno ng pekeng alahas ang katawan.

Umalis si Neo. Nang malayo na siya, napatingin siya sa hawak na pera. 30 lang ang kita niya sa pinaghirapan ng mga anak niya. Kalahating kilo ng bigas lang ang mabili niya rito.

"Oh, Neo! Ano na? Buti at dala mo na ang walis tingting!" sabi ng nasa tindahan na bibilhan niya ng hairclip ng mga anak.

"Ito na ang dalawang walis tingting," sabi niya at ibinigay sa ginang. "Nandiyan pa ba ang hair clip?"

"Oo naman, tinago ko talaga para sa 'yo. Teka, may dalawang walis tingting ka pa?"

"Matumal e. Dalawa lang ang naibenta ko," sagot niya na napakamot sa ulo.

"Mabuti at nagdala ka ng extra. Bibilhin ko na ang dalawa. May project ang mga anak ko ng floorwax ang walis tingting. Itong dalawa naman, gagamitin ko rito sa bahay."

"Talaga?" bulalas ni Neo. "Salamat."

"Walang anuman. Palitan ko na lang ng tatlong kilong bigas 'yan."

"Naku, sobra-sobra na."

"Ano ka ba! Syempre tulong ko na rin. Teka, may mga pinaglumaan palang damit ang apo ko. May mga dumi lang pero maganda pa naman. Baka kasya sa kambal mo," sabi nito at kinuha sa bahay ang supot na may damit tapos ibinigay kay Neo. "Pasensya ka na. Sana magustuhan ng mga anak mo. May tshirt din diyan na galing sa mister ko, baka kasya sa 'yo."

"Maraming salamat po talaga," pasalamat ni Neo kay Michelle Fernandez. Dito siya madalas na umuutang at mura lang din ang paninda nito. Madalas din siyang binibigyan ng para sa anak niya at minsan pinapautang pa siya. Buti pa 'to si Michelle, kahit na nakakaahon na dahil nakapag-abroad ang anak at nagkaroon ng maliit na negosyong tindahan, hindi pa rin nakakalimutang tumulong sa iba.

"Walang anuman," sabi ni Michelle na naaawa sa kalagayan ni Neo. "Ano pala ang sabi ng ina ng kambal? Nag-uusap pa kayo?"

"Ayaw ko na pong pag-usapan," sabi ni Neo.

"Hayaan mo na, may karma rin 'yan sa kanya!" sabi ni Michelle.

"Sige lang, kaya ko namang buhayin ang kambal, payat nga lang," pabirong sabi niya.

"Tama. Huwag ka nang umasa roon! Kapag makakaahon kayo sa kahirapan, mare-realize rin niya ang mali niya. Pag-artistahin mo ang mga anak mo, sayang ang gaganda pa naman."

Ngumiti si Neo at nagpaalam na. Kailangan pa niyang umuwi nang maaga.

Pumunta siya sa palengke para sana ipagbili ng notebook ang anak niya dahil unang araw ng pasukan bukas nang may humarang na sasakyan sa kanya. Bumaba ang isang lalaking kasing edad lang niya at ibibigay ang malaking karton sa kanya. Naalala niya ang pagmumukha nito, isa ito sa bodyguards ng pamilya ni Maddie noong kinausap siya.

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Where stories live. Discover now