chapter 20

5.4K 251 43
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Unedited....





Palagi na lang na ipinaglalaban ni Neo pero wala naman siyang magawa sa tuwing kukunin ni MJ ang mga bata. Ang problema lang ay alam na nilang umuwi kaya madalas na isang gabi lang ang mga ito tapos kinaumagahan, nandiyan na ang kambal sa tabi niya pero iba ngayon. Dalawang gabi nang hindi umuuwi ang mga bata kaya heto siya, nasa tapat ng bahay nina MJ at inuusisa kung kailangan nasaan na ang mga bata pero ni isang katulong ay walang humarap sa kanya.

"Uwi na tayo!" yaya ni Maddie na nakaupo sa malaking bato sa gilid ng kalsada. "Wala kang mapapala riyan! Mukhang itinakas na nila ang kambal!"

"Subukan lang nila at magkamatayan na!" inis na sabi ng binata.

"Neo, anong ginagawa mo riyan?" tanong ni Aleng Minda na napadaan dahil nagbenta ng kangkong sa bayan.

"Tinitingnan ko lang ang mga bata," sagot ni Neo.

"Umalis sila noong isang araw, nakasakay sa kotse," pagbalita ng matanda.

"Ano?" bulalas ni Neo kaya napatayo si Maddie.

"Saan nila dinala ang kambal?" galit na tanong ni Maddie. Hindi sila sinabihan ni MJ kaya ang kaninang relax na utak ay nagwala na. Paano kung itinago o inilayo na nga ng mag-asawa ang kambal?

"Oh ayan," sabi ni Aleng Minda nang marinig ang paparating na sasakyan.

Malayo pa pero sinalubong na ni Neo. Sana nasa loob ang mga anak niya dahil kung wala, baka mabaliw siya.

"Tatay!" malakas na hiyaw ni Sammy na nakadungaw sa bintana.

"Anak!" sigaw ni Neo pero napaatras nang matalsikan ng putik nang dumaan ang sasakyan. Sinundan niya ang sasakyan hanggang sa gate pero agad na isinara ng katulong ang gate nang makapasok ang kotse.

"Sammy! Cathy! Anak!" tawag niya.

"Tatay!" patakbong lumapit si Sammy sa kanila bitbit ang malaking manika. "Tingnan mo o! Maganda ang bagong manika ko!" masayang sabi ni Sammy. "Tapos kumain kami sa Jollibee at nag-swimming sa malaking pool! Tatay, sumakay pa kami sa bangka!"

"G-Ganoon ba?" sabi ni Neo na hindi makapasok sa saradong gate. Pilit na binubuksan ni Sammy ang gate pero naka-lock.

"Pasok kayo!" tawag ni MJ na nilapitan si Sammy.

"T-Tatay!" umiiyak na tawag ni Cathy habang patakbo sa ama. "U-Uwi na ako!"

"Cathy, pasok ka sa bahay," sabi ni MJ. "Di ba gusto mo ang manika mo? Kunin mo roon, laro kayo ni Sammy."

"Ayaw!" tanggi ni Cathy at sinusubukang buksan ang gate.

"Wala sa usapan natin na dalhin mo sa kung saan ang mga bata," sabi ni Maddie.

"Bakit? Hindi ba pwedeng ipasyal ko sila o igala?" tanong ni MJ. "At sino ka para pagbawalan ako? Karapatan ko iyon bilang ina nila at hindi ko na kailangan pang magpaalam sa kanila."

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Where stories live. Discover now