17

5.1K 258 64
                                    


Unedited....



Unedited

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Iiwan ba kami ni Tatay?" tanong ni Sammy habang nag-aayos ng higaan si Maddie.

"Bakit mo natanong 'yan?" tanong niya na napatingin sa lamparang malapit nang sumuko ang ilaw.

"Narinig ko ang sabi ni MJ, kukunin daw niya kami," sagot ni Sammy.

"Hindi yon totoo," sabi ni Maddie at hinaplos ang buhok ni Sammy. Naupo siya sa banig. Naupo rin sa lap niya si Sammy at niyakap siya. "Tita Maddie, ayaw ko po. G—Gusto kay Tatay lang."

"H—Hindi ka nila kukunin, pangako," sabi niya na napatingin kay Neo n lumabas sa bahay. "Matulog na tayo. Cathy, tama na 'yan ha. Bukas na ulit magsulat."

Lumapit si Sammy at nahiga sa puwesto nito. Nang makatulog ang mga bata, pinatay ni Maddie ang ilaw pero hindi pa rin bumabalik si Neo kaya dahan-dahan siyang bumangon at maingat na lumabas sa bahay.

"Neo?" tawag niya. Bilog naman ang buwan kaya nakikita niya ang paligid. Kaso may part lang na madilim dahil sa makapal na dahon ng mga puno. "Nasaan ka?"

Naupo siya sa mahabang upuang upuan at pinagmasdan ang bilog na buwan at mapayapang kalangitan. Parang kailan lang, sa kama pa siya nakahiga pero ngayon sa banig na.

Naiihi na siya kaya tumayo siya at tumungo sa CR nilang nasa likod bahay at lumang sako ang naging dingding nito.

"Waah!" tili niya nang mapadaan sa punong balete nang may makitang anino. Kumaripas siya ng takbo pabalik sa bahay.

"Maddie, ako 'to!" tawag ni Neo kaya napatigil siya sa pagtakpo at lumingon. Lumabas si Neo sa puno ng balete kaya napahawak siya sa dibdib at nilapitan ang binata.

"Walanghiya ka! Maitim ka na nga, nagtago ka pa sa dilim! Tingin mo, makikita kita?" bulyaw niya at hinampas ang binata sa dibdib pero tumigil siya nang walang reaksiyon ang binata at parang mas gusto pa nitong sinasaktan siya. "Okay ka lang ba, Neo?"

"Paano na kapag kunin nila ang mga anak ko, Maddie?" malungkot na tanong ni Neo. "Hindi ko na ba sila makikita? Paano kung ilayo nila sila sa akin?"

"Napakawalang puso naman nila kapag gawin nila iyon!" sabi niya. Naupo siya sa mahabang upuan. Tumabi sa kanya si Neo at ilang beses na napabuntonghininga. "Alam mo, huwag mo nang isipin iyon."

"Paanong hindi ko iisipin eh, anumang oras ay pwede nilang makuha ang kambal sa akin at wala akong kalaban-laban."

"Kung sana patas ang hustisya," ani Maddie at napahawak sa balikat dahil may kumagat na lamok.

Napatingin siya sa kamay ni Neo na nakapatong sa kamay niya.

"Maraming salamat, Maddie."

"Huwag ka ngang ganyan! Ayaw ko sa mga taong duwag at tanga!" sabi ni Maddie at hinila ang kamay. "Matanong nga kita, Neo! Mahal mo pa ba si MJ?"

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Where stories live. Discover now