Chapter 15

4.5K 246 50
                                    










Unedited...












Kakalagay lang niya ng napkin. Diring-diri pa nga siya sa CR ng mga bata dahil basa pa ang sahig at ang baho pa ng ihi dahil hindi nabuhusan ng tubig pero wala naman siyang choice. Isa pa, mas nakakadiri ang CR nila ni Neo na kinutkot lang na lupa.

Tinago niya sa bag ang sobra sa napkin. Buti na lang dahil may natira pa siyang pera sa binenta na sapatos. Bumalik siya sa tindahan at bumili ng softdrinks tapos dalawang Hansel milk flavor.

Saktong recess time na ng mga bata kaya nilapitan niya ang kambal na nakaupo sa swing at kumakain ng baong nilagang kamoteng kahoy.

"Oh," sabi niya at ibinigay sa kambal ang biniling Hansel. "Tig-iisa kayo."

"Salamat," pasalamat ni Sammy af binuksan ang Hansel tapos tinikman ang isa. "Hmmm? Ang sarap po nito!" bulalas niya kaya napataas ang kanang kilay ng dalaga. "Tilawi bala, Cathy!(Tikman mo, Cathy!)."

"Oo nga!" pagsang-ayon ni Cathy nang matikman ang isang piraso ng Hansel tapos dinilaan ang palaman.

"Hey!" aniya kaya napatingin ang kambal sa kanya. "Hindi pa kayo nakakain nito?"

Inosenteng napalingon ang kambal at umiling.

"Oh, softdrinks, baka mabilaukan kayo!" sabi niya na tig-isang softdrinks ang dalawa. "Ano bang klaseng buhay at talagang iniwan kayo ng nanay ninyo! Dapat tulungan ka nila eh!"

Nang matapos ang recess time, bumalik na ang mga bata sa classroom.

"Hi," bati ng isang nanay na naupo sa tabi niya. "Ikaw ba ang bagong girlfriend ni Neo?"

"Bakit mo natanong?"

"Wala lang. Para kasi kayong mag-asawa. Isa pa, kailangan ng mga bata ang nanay kaya naisip namin na baka mag-asawa na kayo ni Neo."

"Bahala kayo sa iisipin ninyo!" naiinis na sabi niya. Kahit na anong paliwanag ang gawin niya, hindi naman maniniwala ang mga ito sa kanila. Isa pa, hindi siya sanay na ipaliwanag ang buhay sa iba.

"Sana lang hindi na maghabola ang ina ng mga bata. Matagal na kaming naaawa sa kambal lalo na kay Neo," sabi nito. "Alam mo bang tuwang-tuwa pa sina MJ at Leon noon nang nagdadalang-tao ito pero nang malaman ni Leon na hindi sa kanya ang kambal, parang basahang tinapon na lang kay Neo."

"Paano niya nalaman?" tanong niya.

"Pina-DNA test daw ni Leon dahil nagdududa na siya sa ikinikilos ni MJ sa tuwing magtatrabaho si Neo sa kanila," sabi nito na daig pa ang pinakamatinik na reporter sa buong mundo. "Pero kung mukha lang, sobrang ganda mo talaga. Pasensya ka na ha, pero marami ngang hindi makapaniwala na patulan mo si Neo e."

"At isa ka na roon," sabi ni Maddie.

"Masipag naman si Neo. Hindi lang maiwasan na alam mo na, husgahan dahil sa pagiging ita at mahirap. Ang sipag niyan noon, naging kaklase ko noong grade 1 pa ako. Ang problema, wala talaga siyang papel at lapis tapos hindi pa makakagawa ng project dahil walang pambili ng kartolina at colored paper."

Ang daming kwento ng babae sa kanya hanggang sa uwian na.

Nang palabas na sila ng gate, sinalubong sila ni MJ kaya napatigil si Maddie.

"Ikaw na naman?" inis na tanong niya.

"Iwan mo ang mga bata sa akin."

"Ayaw ko nga!"

"Ako ang ina nila kaya may karapatan ako sa kanya!"

"Ano ba ang problema mo?" inis na tanong niya.

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Where stories live. Discover now