29

6.2K 302 120
                                    

Unedited

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

Unedited....




Masakit man pero kailangan niyang tanggapin ang lahat na wala siyang puwang sa buhay ni Maddie at hindi niya kayang ibigay ang lahat ng kailangan ng kanilang mga anak.

Dahil sa sama ng loob sa sarili, mas minabuti niyang hayaan nang umalis ang mga ito kaysa manatili sa piling niya dahil wala naman siyang maibigay na magandang buhay sa kanila. Hindi habambuhay ay matitiis nila ang ganitong pamumuhay. Tama si Maddie, hindi nito kasalanan na naging mahirap siya at mayaman ito. Ito lang ang tanging paraan niya para maibigay ang magandang buhay sa mag-ina niya.

Kanina pa umalis ang chopper kaya sigurado siyang nasa Maynila na ang mga ito kaya naglakad siya pabalik sa bahay niya. Para siyang nakalutang habang naglalakad at hindi maramdaman ang sarili. Nawala na ang lahat sa kanya: ang mga magulang, ang matalik na kaibigang si Bawbaw at ngayon naman ay mag-ina niya.

Pinulot niya ang palakol at gigil na biniyak ang malaking sanga ng kahoy hanggang sa magkapira-piraso at madurog ito at nang mapagod ay napaluhod saka humagulgol sa pag-iyak. Kasalanan naman niya. Hindi niya dapat na pinagsabihan si Maddie ng ganoon kahit na pagod na siya. Nasabi lang naman niya na sana hindi na ito ang ina ng kambal dahil alam niyang ilalayo nito sa kanya ang mga anak. Si MJ, dito lang sa Negros at anumang oras ay masisilip niya ang mga anak pero si Maddie, nasa Maynila at ano ang magagawa niya? Ni pamasahe sa barko ay wala siyang pambili. Ano ang gagawin niya sa Maynila kung dito pa nga lang sa probinsya, wala nang tumatanggap sa kanya?

Pinahidan niya ang mga luha at tumayo saka nakayukong naglakad papasok ng bahay. Ang tahimik. Hindi kagaya noon na malayo pa siya, sinasalubong na siya ng mga anak at hinahanapan ng pasalubong.

Naupo siya sa isang tabi at humagulgol sa pag-iyak. Kung mayaman lang sana siya. Kung kaya lang sana niyang buhayin ang mag-ina niya eh 'di sana kaya niyang ipaglaban ang mga ito.

Mahirap makalaban si Maddie dahil isang salita pa lang niya, milyon na ang sinasabi nito kaya mas minabuti niyang manahimik na lang kanina.

Tutal mag-isa lang naman siya kaya sumigaw siya nang malakas at umiyak nang umiyak.

"M—Maddie," umiiyak na usal niya. "S—Sammy, Cathy!" Napasabunot siya sa buhok at pinagsusuntok ang dingding hanggang sa mabutas ito. "Aaaah! K—Kung mayaman lang sana ako!" desperadong sabi niya at naikuyom ang dumudugong kamao. Magsusumikap siya. Mag-iipon ng pera para may maibigay sa anak niya sa susunod nilang pagkikita. Maliit man ang kikitain pero mag-iipon siya para sa susunod na pagkikita, may maibigay na siya. Pero paano kapag hindi na ipakita ni Maddie ang mga anak at nakahanap na ang mga ito ng bagong ama? Muli siyang sumigaw para pakawalan ang sama ng loob at bigat sa dibdib.

"Ngaa Ginoo?(Bakit, Lord?") tanong niya sa Diyos. "Ano ang sala ko nga amo ne ang naging kabuhi ko? Ngaa?  (Ano ang kasalanan ko at naging ganito ang buhay ko? Bakit?)"

Hindi siya nagrereklamo sa buhay pero darating pala sa buhay ng isang tao na kahit gaano ka kakontento at kahigpit ang pananalig mo sa Diyos, mawawalan ka ng pag-asa. Na matatanong mo Siya kung bakit nangyari ang lahat ng ito at kung bakit naging ganito ang plano niya sa 'yo.

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt