chapter 9

3.6K 222 48
                                    










Unedited...






Sumilip si Maddie sa bintana. Nasa gitna ang kambal na pinapakanta ng guro. Alam niyang may talento ang mga bata kaya masaya siya at napansin iyon ng guro.

"Very good! Palakpakan natin ang kambal!" puri ng guro kaya napangiti sina Cathy at Sammy at hawak-kamay na naupo sa upuan.

"Miss?" tawag ng isang nanay na nilapitan siya. "Matagal pa ba ang uwian nila?"

"Sampung minuto na lang yata," sagot ng dalaga at bumalik sa inuupuan kanina.

"Hi, kaano-ano mo si Neo?" tanong ni ng batang-ina na kanina pa naiinip.

"Nagbabakasyon ako sa kanila at dahil nababagot ako sa bahay, naisipan kong ihatid ang kambal," sagot niya at matamis na nginitian ang kausap. "Ano pala ang pangalan mo?"

"Nova Salazar," sagot ng babae.

"Ah, ang bata mo pa nanganak," sabi ni Maddie.

"Napuruhan eh," sabi nito.

"Okay lang 'yan. By the way, ilang taon pala sina Neo at MJ bago siya nabuntis?" usisa niya.

"Ah, matagal na yata. Parang noong highschool si MJ, sila na yata. Ewan. Bata pa kasi ako noon pero naririnig ko nang magkasintahan na sila kasi nagtatrabaho si Neo sa kanila pero haka-haka lang naman iyon ng mga tao dahil madalas silang nagsasamang mamasyal sa burol tapos naliligo sa ilog," kwento nito. Tama lang pala ang nilapitan niya at madaldal din si Nova.

"Tapos? Bakit sila naghiwalay? Balita ko ayaw ng parents ni Nova sa kanya?" usisa ulit niya.

"Tama. Tutol talaga ang mga magulang ni Ma'am MJ dahil mayaman sila tapos kilala mo naman si Neo, wala talagang maipagmayabang kaya nang ligawan si Ma'am Nova ni Sir Leon, pinilit yata siya ng mga magulang na sagutin tapos ipinakasal na sila pero ang balita eh, mahal talaga ni Ma'am MJ si Neo kahit na ita ito. Pogi naman si Neo, negro nga lang."

"Ah, tapos binuntis ni Neo si MJ? Paano ninyo nalaman na siya ang ama eh may asawa na si MJ?"

"Balita namin, tuloy-tuloy pa rin ang relasyon ng dalawa at nang mabuntis si Ma'am MJ, wala namang problema kay Sir Leon. Todo suporta pa nga ito pero nang lumabas na ang kambal, pina-DNA test yata nila tapos ayun, nalaman na si Neo pala talaga ang ama kaya pinilit ni Sir Leon si Ma'am MJ na ibigay kay Neo ang kambal. Pinapili raw yata siya kung sina Neo o si Sir Leon? Tapos kapag piliin niya sina Neo at kambal, mawawalan siya ng mana," mahabang kwento nito na hinihingal pa.

"Sure ka ba? Baka kwento-kwento lang yan ha," sabi ni Maddie na gustong makasigurado.

"Oo naman. Yaya ni Ma'am MJ si Nanay, 'no! Kaya alam ko pero atin-atin lang 'to ha. Baka mamaya may ibang makakaalam."

"Mukha ba akong tsismosa?" tanong ni Maddie na nakataas ang kilay. Gusto na sana niyang itaboy si Nova pero pinigilan niya ang sarili. Baka may impormasyon pa siyang makukuha rito.

"Hindi naman. Ang ganda mo nga eh," sabi ni Nova. "Kamag-anak mo si Neo?"

"Kaibigan siya ng kaibigan ng kaibigan ko," tamad na sagot ng dalaga.

"Gulo," sabi ni Nova. "Pero ang ganda ng kambal, 'no? Buti at hindi nakasunod kay Neo na aeta. Sakto lang 'yong kutis at kulay nila. Ang cute pa nga e. Naku, tiyak na magsisisi si Ma'am MJ kung bakit niya tinalikuran ang kambal."

"Ne walang awa ang pamilya nila!" sabi ni Maddie. Kung sa kanila lang, tiyak na magwawala ang pamilya niya kapag malamang may anak sila sa labas. Family-centered sila na namana pa nila sa Lola Patch nila. Hindi pwedeng basta mo na lang iiwan ang asawa't mga anak mo dahil magwawala si Patch.

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Where stories live. Discover now