23

4.7K 249 103
                                    



Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Unedited...

Malungkot na sinundan ni MJ ng tingin sina Neo at Maddie nang madaanan nila ang mga ito kasama ang kambal.

"Okay ka lang?" tanong ni Leon.

"Yes."

"Hindi mo kailangan magsinungaling, MJ. Nakikita ko sa mga mata mo ang totoo," ani Leon.

"Mali ba ako kung hindi ko sinubukang mahalin ka, Leon?" malungkot na tanong  niya at tumingin sa unahan. "Buong pagsasama natin, wala akong ipinadama sa 'yo kundi ang pagkasuklam at pagkamuhi ko. Ni minsan, hindi ko na talaga sinubukang mahalin ka o makipaglapit sa 'yo."

"Alam kong may mali rin ako, MJ. Pinilit ko pa ring magpakasal ka sa akin kahit na alam kong si Neo ang mahal mo. Inagaw kita sa kanya at higit sa lahat, pinagtangkaan pa namin ang buhay ni Neo para lang mapapayag ka."

"Ngayon hindi na niya ako mahal at masaya na siya sa iba," malungkot na sabi ni MJ na hindi na tinago kay Leon ang labis na kalungkutan. "K—Kung ipinagtanggol ko siya noon, masaya kaya kami?"

"Hindi ko rin alam ang takbo ng utak ng parents mo, MJ," sabi ni Leon at pinabilisan ang pagmaneho. Kahit na anong mamahaling gamit ang ibigay niya sa asawa, hindi pa rin nito na-aapreciate. Sadyang hindi nga mabibili ang pag-ibig.

"Sorry, Leon. Pareho lang tayong miserable ang buhay."

"Wala iyon, MJ. Alam kong kasalanan ko rin naman."

Pagdating sa bahay, agad na dumiretso si MJ sa kuwarto ng kambal. Sa ilang beses niyang nakasama ang mga ito, napamahal na sa kanya ang mga bata at wala siyang ibang hiniling kundi sana siya na lang ang nagpalaki sa mga ito. Kung sana marunong lang siyang makipaglaban noon.

"MJ?" tawag ni Leon na pumasok sa kwarto dala ang brown envelope.

"Yan na ba ang ifa-file natin?" masayang tanong niya.

"Buksan mo," sabi ni Leon kaya inabot niya ang brown envelope at naupo sa kama.

"Salamat, Leon. Palagi mo na lang akong pinapasaya," sabi niya at binuksan ang envelope saka binasa ang nasa papel tapos hindi makapaniwalang tumingala sa nakatayong asawa. "L—Leon... B—Bakit?" nauutal na tanong niya habang hawak ang annulment paper.

"Malaya ka na, MJ," mahinang sabi ni Leon.

"H—Hindi kita maintindihan."

"I'm sorry sa lahat ng kasalanan kong nagawa sa 'yo. You deserve to be happy."

"L—Leon. Teka . . . " naguguluhan pa rin siya sa desisyon ng asawa. "M—May iba ka na ba?" Hindi niya ito inaasahan.

Namulsa si Leon at pilit na ngumiti sa kanya.

"H—Hindi ba nangako kang tutulungan mo akong makuha ang mga anak ko?"

"Ipaubaya mo na sila kay Neo, MJ."

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Where stories live. Discover now