Chapter 3

4.1K 227 51
                                    



Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.



Unedited...

Napilitan siyang pumasok sa bahay nang pinapak na ng lamok ang kanyang balat.

"Waaah!" tili niya nang mabali ang isang sahig na kawayan at nahulog ang kanan niyang paa. "Ouch!"

"Sorry!" paumanhin ni Neo saka tinulungan itong mahatak ang paa. Nahulat ang lalaki nang malakas na umiyak ang dalaga.

"Am I dreaming?" luhaang tanong nito pero hindi makaintindi si Neo kaya iniwan niya ang dalaga at sinindihan ang isang mitsa at tinulungan ang mga anak sa paglatag ng banig paglalagay ng kulambo. Wala silang kama. Pag-akyat ng hagdan ay sahig na na kinakainan nila sa araw at hinihigaan sa gabi. Sa labas sila nagluluto. Inilagay lang niya ang ibang sinibak na kahoy sa gilid dahil baka uulan mamayang gabi at kailangan na niyang makabenta ng kahoy bukas para may pambili ng pagkain nilang mag-ama.

"Buhay pa naman ako pero nasa impyerno na ako!" reklamo ng dalaga habang yakap ang tuhod at hindi pa rin matigil ang mga luha. "Hoy pangit!" tawag niya kay Neo kaya lumingon ang binata. "Pupunta ka ba sa bayan bukas? Baka gusto mo akong tulungan? Tawagan mo lang ang kaibigan ko."

Memorized niya ang telepono ng matalik na kaibigan pero hindi ang cellphone number nito. Kinuha niya ang lapis at papel sa tabi niya at sinulat ang telephone number. "Pag tumawag ka, pakisabing hinahanap mo si Anne Carmel Roquite. Pakisabing nandito ako at puntahan niya ako. Teka, saan ba tayo?" Ngayon lang niya natanong kung saan siya napadpad.

"Negros," sagot ni Neo.

"Negros?" bulalas ni Maddie na hindi makapaniwala. "Ay kayudipota!"

"Baba mo!(bunganga mo)," saway ni Neo dahil nakikinig ang mga bata.

"Seryoso?" Kanina pa nga niya napapansin ang tono ng pananalita ni Neo. "Baka may kakilala kang mga Montemayor? Kamag-anak namin sila. Pakisabi naman na kailangan ko ang tulong nila," pakiusap niya.

"Hindi kita matutulungan."

"Fuck!" pagmumura na naman ni Maddie. "Hoy, pangit! Paano mo nakilala ang pamilya ko? Magkano ang bayad nila sa 'yo? Magkano ba ang kailangan mo at uuwi na ako."

"Kanina ka pa! Kung manlait ka sa akin, uli na lang 'to!"(umuwi ka na lang).

"Hindi ka ba pangit?" tanong ng dalaga. "Look, ayaw kong makipagplastikan, okay? Kung ano ang nakikita ko ay sinasabi ko, maliwanag?"

"Gwapa pero suplada!"

Narinig niyang sabi ng isa sa kambal kaya nilingon niya ang dalawa at pinandilatan. Agad na nahiga ang kambal at nagtalukbong ng kumot.

"Matulog ka na," sabi ni Neo. "Tumabi ka sa mga bata at dito na ako sa gilid."

"Ayaw ko nga! Matigas ang higaan! Hello, 'di ka ba makabili ng foam? May tig 20k lang naman."

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang