chapter 8

3.8K 219 42
                                    

Unedited...


"Paano kakasya yang isang isda sa atin?" tanong ni Maddie nang pagbaba ay iniinit na ni Neo ang inasal na isdang nahuli kahapon.

"Maligo na kayo ng mga bata dahil maaga pa tayong aalis," sabi ni Neo at naglaga ng saging sa isang kaldero para may baunin mamaya ang mga bata.

"Nagugutom na ako!" reklamo niya at napatingin sa kambal na bumaba sa hagdan bitbit ang luma at butas na tuwalya.

"Sige na, sundan mo na sila sa balon dahil baka mahulog sila," sabi ni Neo kaya padabog na sinundan ng dalaga ang kambal.

"Iwan mo na lang ang mga damit ninyo, labhan ko mamaya," bilin ni Neo. Siya ang tigalaba ng damit nila maliban sa panty at bra ni Maddie. Hindi kasi marunong maglaba ang dalaga at panay ang reklamo nito kaya siya na ang naglaba. Okay lang, baka bayad na rin siguro ng mga magulang nito ang pagpaaral sa mga anak niya.

Ginutay-gutay niya ang isda at tinanggal ang tinik nito tapos inilagay sa malaking mangkok at nilagyan ng mainit na tubig, asin, sibuyas, kamatis at tatlong siling labuyo. Sakto lang nang pauwi na ang tatlo kaya inihanda na niya ang pagkainan nila.

"Ano 'yan?" tanong ni Maddie sa ulam nila. Una niyang nakita ang pulang siling labuyo.

"Linagpang nga turagsoy," sagot ni Neo. "Mahilig ka ba sa maanghang?"

"Medyo."

Naupo na sila tapos si Sammy na ang nagdasal. Kumain na rin si Maddie pero napatigil siya nang mapansing nakatitig si Neo sa kanya habang ngingiti-ngiti kaya tinaasan niya ng kilay.

"Ano na naman ang ngingiti-ngiti mo riyan?" tanong niya.

"Masaya lang ako dahil marami ang nakain mo at mukhang nagustuhan mo," sagot ni Neo at inabot sa kanya ang mangkok. "Kain ka pa."

Inirapan siya ni Maddie. Akala ng dalaga, hindi kakasya sa kanila ang isang isda dahil kapag kumain sila, tig-iisa o dalawang bangus pa nga sila pero sa sabaw pa lang, solve na siya.

"Maliligo lang ako, magbihis na kayo," bilin ni Neo dahil maglalaba pa siya kaya pinabihisan na ni Maddie ang mga bata at nagsuot ng maganda niyang damit tapos sapatos.

Masayang isinuot ng kambal ang uniporme. Habang nakaupo sa mahabang upuan sa labas ng bahay, pinagmasdan ni Maddie ang kambal na masayang nag-uusap at pinapakita ang laman ng bag. Nasuklay ng maayos ang buhok nila at bago ang hairclip nilang hugis paru-paro. Kung titingnang maigi, parang barbie ng kambal. Ang haba ng pilik-mata nila at mapupungay pa ang mga mata. May peklat lang sa tuhod at binti dahil nadadapa o 'di kaya'y kinakagat ng lamok.

"Bihis na pala kayo," sabi ni Neo na bitbit ang baldeng may nilabhan niya. Napangiwi siya sa suot ni Maddie. Para itong dadalo ng party at ang ganda pa ng pulang sapatos nito. "Sure ka na ganyan ang isusuot mo?"

"Bakit?" tanong ni Maddie. "Wala na akong isusuot e."

"K—Kasi..." napakamot si Neo sa ulo. Napakaelegante nito tingnan. Baka pag-usapan lang ito ng mga tao tapos malaman na siya ang kasama ni Maddie. "Sige..."

"May make-up kit ka rito?"

"Makeup kit?"

"Nevermind!" sabi ni Maddie na ne liptint, wala man lang siya sa maleta.  Inilugay niya ang mahabang buhok.

Nang matapos si Neo na magsampay ng nilabhan, lumapit na ito sa kalabaw. Tumakbo ang mga bata at sumakay sa karusa tapos si Maddie rin. Habang naglalakad ang kalabaw, napabuntonghininga si Maddie. Ang dating limousine na sundo, kalabaw na lang ngayon. Paano kung makita siya ng mga pinsan o kaibigan? Malamang pagtawanan talaga siya.

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Where stories live. Discover now