32

5.4K 314 97
                                    



Unedited....






Unedited

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.





Ipinaliwanag nila ang lahat kina Maddie at Neo with kasamang video nila bago ang party. Ipinaliwanag ng team galaxy sa video na lahat ng gagawin nila mamaya ay pawang drama lang at sana ay wag masamain ni Neo dahil welcome naman ito sa pamilya nila.

Naikuyom ni Maddie ang kanang kamao. Puro kasi para kay Neo ang paghingi nila ng sorry sa gagawing kalokohan pero wala talagang message para sa kanya na humihingi man lang sila ng paumanhin para sa kung ano mang gagawin.

"Huwag ka nang magtampo," sabi ni Lance Leonard na inakbayan siya. "Mahal ka naman namin e."

"Ewan ko sa inyo! I hate you!" sabi niya at siniko si LL pero natawa lang ito at iniwan na sila.

"Kainis sila!Akala mo mga perpekto!Hindi ko nagustuhan ang prank nilang panlalait at pagpapahiya sa 'yo!" gigil na sabi niya. "Paano kaya nila  nasikmurang ganyanin ka? Mga walang hiya!"

"Okay lang sa akin," sabi  ni Neo na nawala na ang pagtatampo. Sanay na siya sa ganitong sitwasyon pero ang pinakamahalaga sa kanya ay  tanggap siya ng mga ito.

"Hindi ganyan! Dapat huwag mong hayaang laitin ka nila kahit na mahirap ka! Hindi dapat na ipamukha nila ang  katotohanan sa 'yo bago ka nila tanggapin!" malakas na pagtutol ni Maddie kaya napatingin ang ibang pamilya niya sa kanila.

"M—Maddie, tama na. Okay lang sa akin," malumanay na sabi ni Neo sabay hawak sa kamay ng kasintahan. "Wala na iyon."

"Sigurado ka ba na okay lang ang panlalait na ginawa nila sa 'yo, Pangit?" nagdududang tanong ni Maddie kaya napangiwi ang ibang nakarinig at napailing na lang din.

"Oo," naiilang na sagot ni Neo. Ang mga tao kasi rito tapos na sa palabas  at panlalait pero si Maddie, mukhang walang katapusang isasampal sa kanya ang kapangitan niya.

"Bakit?" inosenteng tanong ng
dalaga sabay tikim sa wine na hawak niya.

"Wala," sagot ni Neo at binuhat si Cathy na lumapit sa kanya.

"Si Sammy?" tanong ni Maddie.

"Doon po sa mga pinsan namin, naglalaro sa labas," sagot ni Cathy at niyakap ang ama.

"Yaan na siya doon. Bakit ka bumalik? Ayaw mo na bang makipaglaro?" tanong niya kay Cathy.

"Ayaw na po. Inaaway nila ako," sumbong niya.

"Sino?" curious na tanong ni Maddie.

"Sila po."

"Mga pinsan mo lang naman 'yan sila. Sapakin mo kung sobra na," payo ni Maddie sa anak. Iyon naman ang madalas niyang ginagawa sa mga pinsan niya noon kaya takot sa kanya kahit na mga lalaki pa.

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang