Kabanata 37

930 23 1
                                    

Rain's POV

"Pre tama na. Balik na tayo sa hotel." Sabi ni Caliber sa gilid ko pero hindi ko siya pinakinggan. We're here at the bar drinking.

"Tangina talaga." I murmured.

"Hoy sa ka pupunta?"

Umalis ako sa bar at hinanap si Morgan. Gusto ko siyang suntukin sa mukha. Gago ampota. Kaibigan na rin ang turing ko kay Addie kaya ayaw ko siyang masaktan.

Kanina ko lang nalaman ang lahat. Kung hindi pa nadulas sa bibig ni Caliber hindi ko pa malalaman ang lahat. Bakit hindi ko alam? Mga gago! Kung sila kayang lokohin si Addie ako hindi. I'm not going to tolerate that bastard.

Lakad takbo ang ginawa ko. Umakyat akong floor ng kwarto nila. Sakto kalalabas ni Zoey. The fuck. Hindi maayos ang damit nito at ang kalat ng lipstick sa labi niya.

"Hi Rain." Kaway niyang ngingisi-ngisi saka umalis. Bakit ba kasi bumalik pa yang babae na yan. Morgan is so stupid. Zoey cheated on her in the past pero look at that bastard tinanggap pa din. Tapos ginamit pa si Addie.

Si Morgan naman ang lumabas sa kwarto. Parang wala ito sa katinuan. Agad ko siyang sinuntok sa mukha kaya napaatras siya papasok ng kwarto. Sinunggaban ko ulit ng suntok kaya putok ang labi niya.

"Ano bang problema mo?" Pasigaw niyang sabi saka siya tumayo at pinunasan ang dugo sa labi. Napangiwi siya sa sakit.

"Tarantado ka pala eh! Asan si Addie?"

"Oh bakit mo hinahanap?"

"Gago!" Isang suntok ulit ang iginawad ko sa kabilang pisngi niya.

"What the hell Rain!"

"Morgan kaibigan kita pero ayaw ko ng ginawa mo kay Addie. Bakit hindi ko alam? Ako lang ba ang walang alam? Mga gago kayo parang di tayo magkakaibigan ah?"

Lumapit siya sa akin at sinuntok din ako sa mukha. Ang sakit pota. Ang pula ng mata niya at parang kagagaling lang sa pag-iyak. Ngayon ko lang din napansin na dumudugo ang kamay niya. Basag basag ang gamit nila dito sa loob.

Bigla akong kinabahan kay Addie. Nasaan nga ba siya? Gabi na.

Napahilot ako sa sentido ko. Kung wala akong mahanap na matinong sagot sa kanya. Pwes hahanapin ko na lang si Addie. The person is hurt baka ano pa ang gawin sa sarili niya.

I grab the doorknob at bago pa ako makalabas ay nagsalita siya.

"You like her didn't you?" Napangisi ako sa sinabi niya.

"Kaya hindi niyo pinaalam sa'kin ang lahat?"

"You like Addie. Totoo nga." Ngumiti siya saka humalakhak ng pagak.

Bago ko pa siya masuntok uli ay lumabas na ako. I tried to call her pero cannot be reach ang phone niya. Shit! Where are you Addie?

Nagtatanong tanong ako sa mga nakakasalubong ko pero wala akong nakuhang sagot. Naisip kong puntahan ang resto, bar, at garden pero wala.

Napatingin ako sa dagat at sa buwan na maliwanag. Di kaya? Damn it.

"Addie? Addie where are you?" Lumapit ako sa dalampasigan at pinagpatuloy ang paghahanap. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Naiiyak na din ako sa pag-aalala.

Yes, totoo ang sinabi ni Morgan. I like Addie. I like her so much. Nung dumating siya sa buhay ni Morgan, when I first saw her she got my attention. Ang simple niya pero maganda at mabait. I secretly had a big crush on her not until ayun na nga sinabi ni Morgan na he will court her. Nung una nagtaka din ako eh. Pero go with the flow na lang ako noon.

Dominant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon