Kabanata 3

2.6K 49 3
                                    


Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sinusundan ko lang yung pusa kanina kasi nawili ako sa kulay niyang puti lahat at may itim lang sa may ilong nito pero kung saan saan na ako napadpad. Masyado na yata akong napalayo sa mansyon. Kagubatan kasi ang likod ng bahay nina Morgan.

Padilim na at hindi ko kabisado ang lugar na ito. Matatayog ang mga puno at naglalakihang ugat na ang nakikita ko sa paligid.

Hinagilap ko ang aking phone sa uniform ko pero wala ito para makatawag sana ako sa bahay. Hindi pa pala ako nakapalit ng damit magmula nung nakauwi ako. Sang lupalop na ba ako nakarating?

Naiiyak na ako sa sobrang kaba. Paano ako makakauwi nito kung wala man lang akong ilaw para makita ang daan. Sumigaw ako ng sumigaw baka sakaling may makarinig sa akin.

Kung ano anong imahen na ang naglalaro sa isip ko. Nanginginig na din ako at tagaktak na ang pawis ko.

Naninikip na ang dibdib ko at nanlalabo na ang paningin ko. Papikit na ako ng may marinig akong sumigaw. Help...

"Addie! "

Morgan ikaw ba yan?

"Oh shit! Addie are you okay?"

"Morgan? "

Itinutok niya sa akin ang ilaw na galing sa phone niya. Bumungad sa akin ang madilim at kunot noong mukha niya. Tagaktak ang pawis at nakauniform din tulad ko. It means galing din siyang school.

Yinakap ko siya na ikinagulat niya. Nag-unahan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"You're safe now. Don't worry I'm here. Look at me. "

Malamig at nakakapangilabot ang tinig niya. Hindi ko alam kung tatahanan na ba ako dahil sa mga binigkas niyang salita o matatakot dahil sa way ng pagkakasabi niya.

Pinihit niya ako paharap sa kaniya kaya lang nahihiya akong titigan siya.

"Hey I said look at me. " Maawtoridad at puno ng diin niyang sabi.

Tumingala ako at nagkasalubong ang mga mata namin. Kita ko ang bakas ng pag-alala sa mga mata niya na agad ding nawala. And now he's looking at me intently. Seriousness is all over on his face. Kapag ganito siya. Natatakot ako.

"Why the hell did you go here? Did you know that it is fvcking dangerous here? Damn it Addie!"

And now he's bursting in anger na kanina pa niya ata pinipigilan. Napatagilid at napapikit ako dahil sa gulat kong baka sampalin niya ako bigla.

Ngayon galit na galit siya dahil kitang kita ko ang igting niyang panga kahit madilim, sa sobrang katangahan ko. Bakit ba kasi ako nagpadala sa pusa. Minsan talaga tanga ako eh.

"I'm s-sorry. Sinusundan ko kasi yung pusa the----"

"Are you really that stupid? Chasing a cat in the woods? "

"Hindi naman sa ganun hindi ko lang nama----"

And again he cut me off before I could explain my side.

"Damn it! Alam mo ba kung gaano ako nag-alala? Ni hindi ko na tinapos yung importanteng presentation ko sana kanina at umuwi para hanapin ka? "

Sobrang talim ng ipinupukol niyang tingin ngayon. His raging eyes. I'm dead.

Nagragasa ang mga luha ko. Shit Addie! Stop those tears!

He's always like this whenever I tried explaining. Takip ang dalawang tenga at laging naninigaw. Kaya naman di ko mapigilang manginig dahil sa takot. Lumayo ako konti at tumalikod. Pinahid ko ang mga luhang nag uunahan sa pag-agos at kinalma ang sarili ko.

Nakakainis talaga. Kung hindi ba naman kasi ako tanga. Sumandal ako sa ugat ng isang puno pero di ko nakita na may kahoy palang nakausli sa tabi nito kaya naman napahiyaw ako sa hapdi. Tumusok ito sa kaliwa kong braso.

Umandar nanaman ang katangahan ko. Dali-dali namang lumapit sa kinaroroonan ko si Morgan at agad inilawan ang sugat ko. Napapikit na lang ako ng makitang madaming dugo ang umaagos.

May dinampot siya sa bulsa niya isang panyo at langhap na langhap ko ang pangbabaeng amoy galing sa bagay na yun. Tumaas ata ang dugo ko papuntang ulo at agad-agad na winaglit ang braso kong hawak hawak niya.

"Hey, what's wrong? Let me treat your wound." Akmang hahawakan na naman niya ang braso ko pero winaglit ko ulit at saka siya sinamaan ng tingin. Nakakapang init ng ulo talaga. Biglang sumagi sa isip ko ang babaeng kasama niya nung isang araw.

"Addie? Let me help you. Look, I'm sorry kung nasigawan kita. Nag-alala lang ako. Give me your hand."

Inilahad ko na ang braso ko dahil ramdam ko ang lungkot at alala sa tinig niya. Naguilty tuloy ako. Alam kong wala akong karapatang magselos dahil walang kami!

Hinintay naming mag-umaga dahil wala nang battery yung phone ni Morgan para makita sana namin ang daan. Masyadong delikado lalo't gabi. May mga mabangis pa naman ata na hayop dito.

Kasalukuyan kaming naglalakad pabalik ng mansyon nila at ni isa walang umiimik sa amin.

Nang makalabas kami ng gubat ay saka lang siya nagsalita and it left me speechless.

"Don't be stupid again. Wag tatanga tanga okay? Sige at may date pa ako." Sige pigilan niyo ako susugurin ko ang siraulong lalaki na yun. Nag english na nga tinagalog pa. Insulto talaga.

May date? Letse! Asa ka pa girl.

Magmula ngayon hindi na kita gusto nyemas! Paasa kang Morgan ka! Sige dun ka sa babae mo. Makikita mo pag ako nagkaboyfriend.

Nagngingitngit ako sa inis na pumasok ng bahay at akalain mo yun? Nandito pala ang mga barkada niya. And take note may mga babae pang dala.

Hinanap ng mata ko yung babae niya at nandun na sa pool naghaharutan silang dalawa. Magpakasawa kayo!

"Hey Addie! Come join us." Anyaya sa akin ni Ford one of Morgan's friend pero tumanggi ako at dire-diretsong pumasok sa kwarto ko upang magbihis.

Wala akong pasok ngayon dahil Thursday. Ewan ko lang sa mga barkada niya at umagang umaga nandito kina Morgan. Nagcutting ba yung mga yun?

Nagbabad ako ng isang oras sa bath tub saka nagbihis na dahil kanina pa kumakatok si Aling Nena kakain na daw. Kanina pa din tumutunog ang sikmura ko na kagabi pa walang laman.

Pababa na ako sa hagdan ng marinig ko ang malalakas nilang tawanan. Sana all masaya!

Habang papalapit ako sa kusina ay siyang paglakas ng mga boses. Bumungad sa akin ang pitong lalaki na kumakain sa dining table.

Ford, Rhys, Caliber, Kristoff, Rain, Paul at hindi ko kakilalang lalaki. Ngayon ko lang siya nakita.

"Oh Addie! Lika sabay ka na sa amin na kumain." Anyaya ni Rain na ngiting ngiti. May pagkababaero pa naman ang isang to. Makatingin akala mo mangangain eh.

"Come Ad ipaghahain kita babe!" Sabi naman ni Caliber na kumindat pa. Sarap tsinelasin ang loko. Tinatapik tapik pa ang katabing upuan na parang nagpapaupo ng aso.

"Who's her?" Nagpanting ang tenga ko dahil sa baritong boses na yun. Malalim at parang napakamisteryoso ng tinig.

Base sa boses niya na hindi familiar siya ang pangpito sa barkada ni Morgan na ngayon ko lang nakita.

"Ah siya yung savior ni Morgan bro yung nakwento namin sa'yo dati. Dito na siya nagsstay since naglayas siya." At tumawa pa si Kristoff akala mo isang joke ang sinabi niya. Naglayas...oh I see.

"Okay, by the way where's Morgan?" Sambit niya na kanina ko pa gustong isatinig dahil wala siya dito ngayon sa kusina.

Nginuso naman ni Paul ang likuran ko at saktong parating ang prinsepe kasama ang prinsesa niya.

"S-sige kain lang kayo. Kukunin ko lang yung phone ko." pagdadahilan ko at patakbo akong lumabas ng mansyon nila at nagtungo sa paborito kong lugar. Ang hardin nila.

Di ko kayang makisalamuha lalo na kung naglalandian ang dalawa.

Dominant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon