Nandito ako sa school ngayon hinihintay si Morgan na lumabas ng gate. Mahabang kwento pero pagkatapos ng insidenteng iyon ay sa kanila na ako tumuloy.
Mukhang uulan dahil dumidilim na ang kalangitan pero wala pa din siya. Nasaan na ba kasi ang lalaking iyon?
Kanina pang alas kwatro tapos ang klase ko pero dahil sabi niya na hintayin ko siya heto ako't nangangalay na ang mga paa.
Naghintay pa ako ng ilang saglit pero wala pa din. Alas sais na. Bahala siya uuwi na lang akong mag-isa.
Mahirap pa naman ang sasakyan dito. Ilang minuto lang may humintong sasakyan sa harap ko habang nag-aabang ako ng tricycle na pwedeng masakyan para makauwi na dahil marami pa akong homework na gagawin.
Bumaba ang bintana ng tinted na sasakyan at bumungad sakin ang nakakunot na mukha ni Morgan. Mukhang galit ito.
"Hop in. " Malamig na sambit niya. Nabigla ako sa tono ng pananalita niya. Dahil ayaw kong ako ang mapagbuntunan ng galit niya ay dali-dali naman akong sumakay. Mahirap na baka mag-away pa kami.
Tahimik ang naging biyahe namin. Walang nagsasalita at tanging paghinga lang at mga pabulong niyang mura ang naririnig. Ano kaya ang problema nito at pati manibela ay kawawa dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.
"Quit staring. "
Dali-dali akong nag-iwas ng tingin at dumungaw nalang sa tanawin sa labas. Gabi na at tanging mga puno na lang ang makikita sa dinadaanan namin.
Pagkapasok ng sasakyan sa gate nilang sobrang taas at lawak ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Sa wakas makakalabas na rin ako sa sasakyan na to. Hindi kasi maganda ang atmosphere dito sa loob. Akmang bababa na sana ako ng magsalita siya.
"Don't ever talk to Wallace again."Pabulong niyang sabi. Mahina pero rinig na rinig ko. Nagwala ang puso ko dahil sa lamyos ng pagkakasabi niya.
Napatingin ako sa kaniya. Hindi ako makapagsalita dahil sa biglaang pagbanggit niya ng pangalan ni Wallace. Ang anak ng gobernador dito sa amin. Si Wallace Felix III ang mapilit na gustong ligawan ako.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil hindi rin ako makapagsalita. Bababa na ba ako? Say something Addie.
"Please...Addie?" Namamaos ang boses niya na nmagungusap. Tila ba siya batang maaagawan ng candy.
Pero ano nga bang problema niya sa lalaking yun?
"May pupuntahan lang ako saglit. "Dagdag niya.
Balik ulit sa dati niyang awra, kunot ang noo at igting na panga. Nag-away ba sila? Tango lang ang nasagot ko saka bumaba sa sasakyan. Pagkababa ko ay siya namang mabilis na pagharurot ng sasakyan.
Parang kakapusin ata ako ng hininga dahil sa pinagsasabi ni Morgan. Paiba iba kasi ang mood ng lalaking yun. Kahapon lang makangiti wagas tas ngayon parang pasan niya ang mundo.
Pumasok na ako sa bahay nila at nakasalubong ko naman ang iilang maids na busy sa kung ano-anong gawain nila. Halos mag-iisang taon na rin ako dito. Mabait ang pamilya ni Morgan. Thankful ako kasi kahit di nila ako kilala ay kinupkop nila ako.
Wala si tita at tito ngayon dahil may inaasikaso sa Canada about sa business nila na nagkaproblema. Kaming dalawa lang ni Morgan ngayon ang nandito sa mansiyon nila kasama ang marami nilang maids.
Dumiretso na ako sa kwarto ko at nagshower. Kumakalam na ang tiyan ko. Magpapahangin muna ako sa labas. Dumating na kaya si Morgan?
Nakasalubong ko ang ilang maids hindi mapakali sa kinatatayuan. May problema ba? Nilapitan ko ang isang maid para magtanong.
"Bakit po kayo nagkakagulo? May problema po ba? "
Sasagot na sana ang katulong pero malakas na pagbagsak ang narinig namin. May nabasag.
"M-a'am s-si sir po. " Nag-aalanganing sambit niya saka umalis na sa harap ko.
Pinuntahan ko naman ang pinanggalingan ng tunog na yun.
"Get the hell out of my sight! Now! "
Rinig na rinig ko ang iyakan ng ilang kasambahay kasabay ng pagsigaw niya na rinig na rinig sa buong bahay. Ano ba kasing nangyayari sa kanya. Takot na tuloy akong lumapit.
Pero dahil baka kung napapano siya tumuloy pa rin ako. Nadatnan ko siya sa may sala na maraming galos at pasa sa mukha. Putok ang labi at gulo-gulo ang buhok at damit. Oh God!
Dali-dali akong lumapit sa tabi niya. Pagkakita niya sa akin narinig ko pa ang pagmura niya na hindi nakatakas sa pandinig ko. Galit ba siya sa akin?
"M-Morgan what's wrong? B-akit g-ganyan ang itsura mo?" Lakas loob kong tanong kahit sobrang talas ng mga matang ipinupukol niya sa akin.
Utal utal pa ako sa pagsasalita dahil nakakatakot ang itsura niya ngayon. Mukha siyang papatay ng tao at baka ako na yun. Huwag naman sana.
Hahawakan ko sana ang pisngi niya para tignan ang sugat niya na dumudugo pero hinawi niya ang kamay ko at iniiwas ang mukha sa akin.
"Nothing. Just leave. I want to be alone. "
"P-pero kailangan nating gamutin yang mga sugat mo. Let me help you please? "
Pangungumbinse ko dahil baka magkapeklat pa ang mukha niya. Tinignan naman niya ako ng masama. Kasing lamig ng yelo ang tingin niya.
Napaatras ako dahil baka masapak pa niya ako dito.
"Leave. "
"P-pero kailangan m-magamot agad iyan baka kung----"
"Leave! " Ulit niya na may halong pagbabanta.
"W-wala a-akong kasama na kumain ng dinner. Akala ko ba sabay tayo?"
Pero bago pa man ako bulyawan ulit ni Morgan umalis na ako at umakyat sa taas. Ayoko pa namang kumakain ng walang kasama.
May pasabi sabi pa siyang sabay kaming magdidinner ngayong gabi pero di naman tutuparin. Umasa pa naman ako. Well sino ba naman ako hindi ba?
Bahala siya! Sabagay baka kung ano pang masabi nung babaeng kahalikan niya kahapon sa parking lot.
After ko gumawa ng homework di ko namalayan na nakaidlip pala ako. Nagising ako nung naramdaman kong may humahawi ng buhok ko. Binuksan ko ang mata ko at nakita ko si Morgan. Namamalikmata lang ba ako?
"Kumain ka na. I brought here your dinner."
Iniiwas ko ang aking tingin dahil hindi ko matagalan ang malalalim niyang mata na parang hinahatak ako sa tuwig tititig ako.
"Hey are you mad? Look...I'm so sorry kung nasigawan kita kanina."
Sa bawat kilos niyang ganito ay unti unti atang nahuhulog ang puso ko. Pinipigilan ko ngunit mahirap lalo na at nasa iisang bubong lang kami. Hindi ko alam kung ano ba minsan ang mga pinapakita niya sa akin dahil baka ako lang ang nakakaramdam ng ganito.
"Wala na akong ganang kumain. Sabi mo sabay tayo."
Tuluyan na akong bumangon at umupo sa may paanan ng kama. Hindi naman ako nanunumbat pero sinasabi ko lang ang nakaligtaan niya. Saglit naman siyang natahimik. Tatlong minuto na walang nag-iimikan sa amin.
"Alright. "
Ginulo niya ang buhok ko saka ko nasilayan ang ngiti niya. .
"Okay let's eat together here."
Saka siya humalakhak na para bang nagbiro ako at nakakatawa ang sinabi ko. Okay lang ba siya?
BINABASA MO ANG
Dominant Lover
RomanceAddie Faye Salvacion leave their house that night to escape from the pain and hatred in her heart. It was raining, cold and dark when she heard someone's calling for help. Morgan Montero had an accident that night. That's the beginning how their liv...