Kabanata 13

999 22 0
                                    


Pagkatapos kong kumain sinulyapan ko siya na abala na sa pagtitipa ng phone.

Another phone huh? Siguro diyan siya nakikipaglandian at nakikipag-usap sa babaeng yun.

What a nice day!

Nang maramdaman niyang nakatingin ako sa kaniya ay umupo na siya ng matuwid at tumingin sa akin. At last! Akala ko manhid na ang isang to.

"Tapos ka na pala."

"Di ba halata?"

Lumaki ang dalawa niyang mata. Sarap tusukin.

"Addie what's your problem?"

I glared at him once again. Masakit pala sa mata ang pag-irap. At mas masakit makita ang mukha niya. Kapag ako nasagad ewan ko na lang.

But for now I need an explanation. Siguraduhin niya lang na valid ang mga reasons niya. Malaman laman ko lang na may iba siyang kinikita makakalbo ko siya.

"Playing innocent." I mumbled ewan ko kung narinig niya.

"Baby in my room." Yeah whatever!

"Okay. Dahil talagang mag-uusap tayo."

Nauna na akong naglakad paakyat habang sinusundan niya ako. Mabilis ang bawat apak ko.

Pagkarating sa harap ng kwarto niya binuksan ko agad at saka dumiretso sa may veranda niya.

I need to calm myself first. Yung lamig at haplos ng hangin ang agad sumalubong sa akin. Ang ganda din ng view dito. Makikita yung lawa na pinapalibutan ng maraming puno. Ang ganda ng ilaw na siyang nagbibigay liwanag. Makapunta nga minsan doon.

"Baby. I miss you." Isang mainit at mahigpit na yakap ang naramdaman ko.

Yeah I miss him too. Ngayon lang kasi kami ulit magkausap at magkasama ng ganito kalapit. Ilang linggo din kasi kaming busy parehas sa school.

Hindi ko kailangan ng lambing niya ngayon. Ganito rin kaya siya kay Jamilla?

Iwinaksi ko ang mga braso niyang nakayakap sa akin at saka ko siya hinarap. Batid sa mukha niya ang lungkot at pagkalito.

"Hey." Untag Niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko pero tinabig ko.

Paano niya nga ba  malalaman kung bakit ako nagkakaganito kung hindi ko sasabihin. I let out a heavy sigh saka siya tinitigan sa mga mata niya.

Damn those eyes! Parang minamagnet ako at hino-hypnotize. Bumaling ako sa ibang direksyon. Kaya ko to.

Calm down Addie.

"Who is Jamilla?"

Sa ngayon nakaharap na ako sa kaniya. Kitang kita ko kung paano siya natigilan pagkabanggit ko sa pangalan ni Jamilla. So there's something between them huh?

"J-Jamilla? My classmate of course..."

"And?"

"Kabarkada ko, namin barkada namin nina Caliber. What's wrong? Kinausap ka ba niya? Anong sabi niya?"

Inilabas ko ang phone niya. Hinanap ko ang conversation nila ni Jamilla then I threw it to him na muntikan ng mahulog.

"What is this? W-wait...Addie it's not what you think."

"Then sabihin mo ano ang dapat kong isipin? You are cheating and ano? Mananahimik lang ako ganun ba?"

"Kaibigan ko siya for petes sake! There's nothing between us."

May kinuha siya sa bulsa niya at ipinakita ang isang phone niya na hawak kanina.

Dominant LoverWhere stories live. Discover now