Kabanata 31

830 19 0
                                    

WARNING: SPG

"Girls tara na!"

"Mauna na kayong anim. Addie pahiramin kita ng two piece sobra naman ang dala ko tsaka di ko pa naman nagagamit." Umiling ako sa kay Devie. I don't want to wear too much revealing. Tsaka nahihiya ako.

"Ano ka ba girl! Nasa beach tayo kaya dapat lang na magtwo piece ka. Show your curves and beautiful body. Sayang naman kapag itinatago mo lang. Huwag ka mahiya. Minsan lang ito."

Sa huli ay nasa cr na kami at nagdadalawang isip pa ako kung lalabas ba. I'm wearing a red two piece. Maganda naman sa totoo lang ang shape ng katawan ko kasi mimemaintain ko, tsaka nasa proper diet ako kaya lang di lang ako sanay magmula ng mapadpad ako dito. Mahilig naman ako magsuot nito noon lalo na at mahilig ako sa dagat. Iyon nga lang ay parang nag-iba na ang mga pananaw at limitado na ang mga kilos ko ngayon kumpara noon.

My mom always tell me in the past na dapat raw na maganda ang pangangangatawan ng babae para magustuhan ng isang lalaki. Dahil uso pa ang crush crush noon ayun ang payo niya sa akin dahil nga may gusto ako sa kuya ni Sean noon. She teach me how to be a lady. Nakakamiss tuloy sila. I almost cry thinking of my parents. Kamusta kaya sila? Nakakahiya kay Devie kung ngayon pa ako magdrama.

Lumabas ako sa cr ng room nina Devie. Devie's on her phone kaya umupo muna ako sa kama. Inantay ko siya hanggang sa matapos siya sa pakikipag-usap.

"You look great Addie! Gosh bakit ka nahiya kanina eh ang ganda-ganda pala ng katawan mo. You have the perfect body. Anong sikreto mo girl?"

Nahiya ako sa mga pinagsasabi ni Devie na papuri sa katawan ko na hanggang sa paglabas namin ay nagpapaturo siya kung ano ang ginagawa ko para ma-maintain ang katawan ko at kung ano-ano pa. Hindi ko naman lubos akalain na sobra siyang mamamangha sa katawan ko. I took that as a complimemt kaya sa huli ay tinawanan ko lang siya at sinabi ang mga ginagawa ko.

Yung confidence ko ay tumaas na. I love wearing two piece way back then, nahiya lang ako ngayon kasi May mg kasama ako. Pagkababa namin sa lobby ng hotel ay kaliwa't kanan ang napapalingon sa amin. Siniko siko ako ni Devie.

"Girl you are a head turner."

"Ano ka ba Devie kung ano-ano ang pinagsasabi mo. Ikaw kaya sobrang ganda mo, I think the guys there admire you." Nguso ko sa mga kalalakihan na napapalingon at nagbubulungan.

Natawa na lang kami pareho hanggang sa makarating kami sa may dagat. It's 4pm in the afternoon dahil mainit raw masyado kanina. Late na rin kasi nagising ang karamihan kaya ang bagsak ay ngayong hapon lang kami nakalabas ng hotel.

Kumaway ang girls. Kasalukuyang nakaupo na sa buhangin at ang iba ay nasa dagat na at nagtatampisaw. Some of them are busy taking pictures.

Ang mga boys ay naglalaro ng volleyball. Natigil sila ng dumating kami. Agad na nakita ng dalawang mata ko si Morgan na mukhang irita nanaman. What's wrong with this guy again? Hindi pa rin kami nagkakausap, maybe later. I don't want to spoil this moment. Basta ang gusto ko lang ay magpakasaya. Tama na muna ang nangyari kagabi.

Tinaas ko ang shades na suot ko gaya ni Devie. Ngayon mas kita ko na ang boys na titig na titig sa amin. Or mas tama yatang sabihin na sa akin?

"Addie?" Siningkitan pa ako ng mata ni Paul. Napaismid na lang ako sa reaksyon niya. .

"Ad! Oh my sunshine, rainbow and sky!" Nakanganga namang segunda ni Caliber na makatingin para akong pagkain na nakahanda sa harap niya. Yan nanaman siya sa pagiging babaero niya.

"Ganda ng curves! Hanep." Sabay pito ni Rain na sinamaan ko agad ng tingin. Napatawa naman si Devie sa tabi ko at binulungan ako na mas tumaas daw ang inggit niya sa katawan ko. Tumawa naman ako sa sinabi niya. Kaloka ang babaeng ito. Maganda rin kaya ang shape ng katawan niya.

Dominant LoverWhere stories live. Discover now