Kabanata 9

1.4K 24 0
                                    


Bumaba ako for dinner dahil kinatok ako ni Aling Nena. Nadatnan ko si Morgan na nakaupo na. Nang makita niya ako ay napako na ang titig sa akin. Sumulyap ako sa kaniya at nahihiyang ngumiti.

Naalala ko nanaman ang nangyari kanina. Ni hindi ko siya matignan sa mata. Lumapit na ako at umupo sa tapat niya. Nagsandok ako ng kanin ko at ulam. Nilantakan ko agad ang tinola. My favorite.

Nagsimula na akong kumain pero siya hindi pa rin gumagalaw.

"Morgan ayaw mo ba ng ulam?" Pambasag ko sa katahimikan. Parang nagising naman siya sa pagkatulala at nagsandok na din.

Sumulyap muna siya sa akin bago sumubo.

"About what happened I'm sorry." He said then let out a heavy sigh. Nagsisi ba talaga? O ayaw niya lang sa akin?

Shit ano ba itong pinagsasabi ko. Compared to his girls mas lamang ang mga yun kung itsura at pangangatawan ang usapan.

Siguro nga hindi ako ganun kaakit-akit para patulan niya. What the hell! Di ba dapat masaya ako kasi nandito pa rin ang pinakakaingatan ko?

"It's okay I'm not that sexy and pretty just like your girls. So bat mo nga ba ako papatulan?" I bitterly uttered. Shit! Ano bang sinabi ko?

Umangat ang sulok ng labi niya sa sinabi ko. Aba't ano ang nginingisi-ngisi ng isang to. May nakakatuwa ba?

"Don't worry kahit wala ka sa harap at likod I still like you." Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyan ay saka siya humagalpak ng tawa. 

Argh! Iniinis ba ako neto? Dahil sa gigil ko. Yung manok durog na durog na. Sarap tusukin ng tinidor!

"What's funny? And what the hell? Anong wala ako sa harap at liko--- don't tell me you're referring to my---oh God! Papatayin kitang lalaki ka!" After realizing what's he was pointing about me umakyat na ata lahat ng dugo ko sa mukha.

Nakita niya nga pala kanina at nahawakan. Wala na atang mas nakakahiya bukod sa nakita at nahawakan na niya, ininsulto pa niya. My blood is boiling up!

Tumayo ako at saka siya hinabol na kumakaripas na ng takbo. Wala akong pakialam kung kumakain pa lang kami. Basta ang gusto ko ingudngud ang bunganga nang lalaking yun! He's really pestering me! Bwisit kaya pala titig na titig ang loko.

Sumisigaw siya ng stop pero tumatawa pa rin naman. Walangya. Tutusukin ko itlog mo!

Wala na atang mas ikakahiya ang araw na to.

"Talagang tumatawa ka pa! Come on! Tutusukin ko yang itlog mo!" Ni hindi ko na alintana ang mga kasambahay na nanonood. Napatid ako sa hagdan. Ang sakit. Mangiyak ngiyak na ako ng pinilit kong tumayo pero napapaupo lang ako. Muntikan na nga din akong gumulong pababa ng staircase.

Lumapit agad ang mga katulong sa akin. At si Morgan? Hindi ko alam kung saan na nagpunta. Baka nagtatakbo na yun palabas ng bahay.

"M-ma'am ayos lang ho ba kayo?"

"What do you think? Argh ang sakit!" Feeling ko mamamaga ito. Tumama kasi yung paa ko sa may edge nung hagdan.

Dahil sa inis ko nasungitan ko na din ang ibang katulong. At nasaan na ba ang lalaking yun? Nagtatatakbo pa rin ba paikot ng bahay?

"Daniel buhatin mo na si ma'am papuntang kwarto niya."

Lumapit ang binatang driver namin at binuhat na ako papuntang room ko. Huwag na huwag lang lalapit ang Morgan na yun. Masama ang timpla ko. Meron pa naman ako ngayon.

So kung natuloy kanina yung dapat...pwede ba kapag meron?

Shit Addie! Ang dumi na ng isip mo.

"Daniel patawag na lang si manang Rose para tulungan ako sa paa ko. Salamat."

"Sige ho ma'am."

Lumabas na siya kaya humiga muna ako sa kama. I'm very tired plus sumasakit pa ang puson ko. Nakatulog ako kaya pagkagising ko nagamot na ang paa ko. Masakit pa rin ng igalaw ko.

Makakapasok pa ba ako nito bukas?

Tinignan ko ang phone at 10 pm na. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko para matulog ulit nang may kumatok sa pintuan. Malakas ang pakiramdam ko na si Morgan iyan.

"Baby can I? I'm so sorry."

Nagtulog-tulugan na lang ako. Bukas naman ang door ng room ko. Bahala siya. Hindi na lang ako umimik. Pero kung papasok siya opportunity ko na yun para batukan at sapakin siya.

Narinig ko ang paglangingit ng pinto at ang pagbukas at sarado nito. I can hear his footsteps.

"Tulog ka na ba?"

Bahala ka diyan dumada ka mag-isa.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa paanan ng kama ko at ang buntong hininga niya.

"I'm so sorry sa nangyari kanina, napahamak ka pa tuloy. I just wanna tell you na ikaw lang naman wala ng iba. You are the prettiest and the sexiest in my eyes. Ang sarap mo kasing asarin ayan tuloy. Napasobra ata ako. I'll never do that again."

Then he leaned and kiss my forehead.

Bumangon ako na masakit pa din ang paa pero nailalakad ko naman. Makakapasok pa din ako sa school. Yun nga lang iika-ika.

Nagbihis na ako at bumaba sa kusina para kumain. Nandoon na si Morgan na kumakain. Pagkakita niya sa akin sinulyapan niya agad ang paa ko.

"Are you okay now? Can you walk?" Alam kong nag-aalala siya dahil sa nangyari. But I'm okay now. Hindi ko naman ikakamatay ito. Gusto ko sanang sabihin na 'kita mo naman di ba? Are you blind?' Pero hindi ko na itinuloy.

I just nodded then sat down para magbreakfast na din. Binilisan ko na ang pagkain.

"Let's go? Sabay ka na sa akin para maalalayan kita." He is a bit hesitant to ask me pero tumango na lang ako to assure him na okay lang at okay kami.

Kinuha niya ang bag ko at inalalayan na ako palabas. Pinagbuksan niya ako ng pintuan.

Tahimik lang kami sa sasakyan. Minsan nahuhuli ko siyang tumitingin sa akin lalo na kapag nakared ang stop light.

"Let's eat lunch together?" He asked me ng makarating na kami sa parking lot ng school.

"Okay, I'll just text you."

Lalabas na sana ako pero pinigilan niya ako. He grabbed my arms then he hug me tightly. Leaning his head to my left shoulder.

"Baby, are you mad at me? I'm sorry. Don't be mad please?" Para siyang bata na nagmamakaawa sa nanay niya para bigyan ng pera. I find it cute! Syempre magpapabebe muna ako.

"K" Yan lang ang sinabi ko. Maasar ka please! Pero deep inside kinikilig na ako. Sa baby pa lang niya gusto ko na siyang halikan sa labi at kurutin ang pisngi niya.

"Babawi ako." Saka niya ako pinakawalan at hinalikan ng mabilis sa labi.

Parang robot naman akong tumango tango lang. Umang umaga susmaryosep Morgan! You're making me crazy again.

Inihatid niya ako sa tapat ng room namin. This is the first time. Of course hindi mawawala ang mga titig nila.

Yung mga kaklase kong chismosa't chismoso ang bumungad. Girls are drooling with Morgan kaya agad agad ko siyang itinaboy.

Akin yan! Kaya huwag niyong pagpantasyahan.

Puro papuri naman ang narinig ko about kay Morgan pagkapasok ko. Na he is hot, handsome, mayaman, cool, gentleman, smart and a husband ideal.

Yes he is pero akin lang yan. Grabe naman mga kaklase kong babae parang wala lang ako. Girlfriend here! Ay hindi pa pala. Nililigawan is here! Nakakainis lang kasi.

Masagot na nga ang lalaking yun para mamarkahan ko na siya at wala ng aagaw pa.

Dominant LoverWhere stories live. Discover now