Kabanata 23

756 15 0
                                    


Mugtong mugto ang mata kong pumasok. Kahit gumamit na ako ng concealer wala pa din. Malinaw na malinaw ang itim sa ilalim ng mata ko.

Vacant ko ngayon kaya magpupunta muna ako sa library. And to my surprise I saw Wallace together with his fiancee. Frustration is on his face.

Nakaupo sila sa gilid. Mukhang kinukulit siya ni Margarret. Tahimik na nagbabasa si Wallace pero kitang kita ko kung paano niya sinusundot sundot si Wallace at panay ang dada niya.

Nagtap ako ng ID ko at dumiretso sa may likod. Sa hindi masyadong kita at iilan lang ang nagpupunta. Nasa klase pa rin kaya si Morgan?

Napabuntong hininga ako saka binuklat ang librong hiniram ko. Pero walang pumapasok sa isip ko.

Galit nanaman sa akin si Morgan.This is so frustrating. Puro na lang kami away. Parang kailan lang nung huling nag-away kami. Heto nanaman at hindi niya ako pinapansin.

Mukhang aabot ng isang buwan bago ulit kami magkakabati. Mas malala ang galit niya ngayon. Iniwan nga ako kanina. Hindi na niya ako inantay at pumasok ng maaga. Iniiwasan ako.

Napabuntong hininga ulit ako.

"Lalim nun ah." May biglang bumulong sa tenga ko kaya napasigaw ako.

"Shhhhh."

Naknang nanay mo oh! Hawak hawak ko ang dibdib ko. Tinignan ko ng masama ang walang modong lalaki na ngayon ay nagpipigil na ng tawa.

"Papatayin kita." I hissed to Sean.

"Oh relax. Ako lang to." Saka siya humahagikgik na lumapit sa pwesto ko.

Agad akong tumayo at lumayo sa kaniya. Inikot ko ang paningin ko dahil baka may nakatingin sa amin. Baka mas lalo nanamang magalit si Gian kapag malaman niya to. He's so possessive. Ayaw niyang may humahawak at miski kumakausap sa aking lalaki.

"Anong kailangan mo nerd?"

"Ouchie." Humawak siya sa dibdib at umakting na parang nasasaktan. Oh what a childish act of him.

"Wala man lang ba munang kiss diyan?" Nakanguso at nakapikit niyang sabi. Yuck! Ang landi neto pansin ko lang. Mas naging isip bata. Akala ko nagmatured na to pero akala ko lang pala.

"Yan saksak mo sa bunganga mo." Tinampal ko ang nguso niya gamit ang palad ko. Nakakarindi.

"Ang sama mo sa'kin. Hindi mo na ata ako lab?" Ay naknang nanay mo oh! Hijo jusmiyo!

"What are you doing?" Irita kong singhal sa kaniya. Sa totoo lang kanina ko pa siya gustong gusto na sigawan saka iuntog ang ulo para magising siya.

"Sorry na. Vacant ko kasi. Nakita kitang pumasok kanina kaya nilapitan kita."

"Alis wala ako sa mood ngayon. Baka may makakita s------"

Naputol ang sasabihin ko ng may biglang umakbay sa likod ko.

"Oh look who's here. Bro! Nandito ka pala." Umakbay si Caliber sa akin sabay fist bump kay Sean.

"Namiss kita. Pengeng kiss." Ay bakla kang tinamaan oh! Sa harap ko pa talaga. Ayan nanaman siya sa kakanguso.

"Sean alam kong nakakabakla ang kagwapuhan ko pero di ako pumapatol sa lalaki." Anak ng tokwa. Parehong mahangin.

Sana nagtali ako ng buhok kanina para hindi tinatangay ang mahaba kong buhok.

"T-teka nga! Ang ingay niyo." Tinignan ko sila ng masama pareho baka mamaya mapagalitan kami sa kakadada nila.

Pilit kong inalis ang kamay ni Caliber pero ayaw niyang tanggalin. Aba't anlandi ng kamay neto. Isumbong ko nga mamaya kay Morgan. Bugbog abot neto.

Dominant LoverWhere stories live. Discover now