Kabanata 6

1.9K 40 0
                                    


Antok na antok akong kumakain ngayon. Mag-isa lang aka sa hapag. Ang sabi ni Aling Aly nauna na raw kanina si Morgan. Halata namang iniiwasan niya ako. Isang linggo na ang nakalipas.

Tinapos ko agad ang almusal ko at naghanda na ring pumasok sa school. Papasok na ako sa room ng may humila sakin sa kamay at diniin sa may pader.

"M-Morgan..." Pabulong kong sambit sa pangalan niya.

"Let's talk after class 5pm. Back of your building." Sabi niya then umalis na sa harap ko at nakapamulsang naglakad palayo.

Pumasok ako sa sa klase na lutang at lumabas ako ng room na walang pumasok sa utak ko.

Nagvibrate ang phone ko. Baka si Morgan na ito. Napangiti naman ako sa kadahilanang pinansin niya ako kanina at gusto niya akong makausap.

I opened the message...

"Addie, I'm with Trish right now. Umuwi ka na lang. Sorry."

Huh? Yung kaninang ngiti ko napawi bigla dahil sa text niya. Okay, uuwi na lang ako dahil mukhang magsasaya pa sila ng Trish niya. Pshh kainis.

Umuwi akong masama ang loob. Nakakainis talaga!

Sige dun ka sa babae mo!

Pagkasara ko ng pinto ng room ko ay bumuhos ang luha ko. Kanina pa mabigat ang pakiramdam ko.

Nakakainis ka Morgan!

Nagising ako nung maramdaman kong may humahawi sa buhok ko. Nakatulugan ko na yata ang pag-iyak ko kanina.

"Addie." Sinalubong ako ng paos na boses ni Morgan.

Nanumbalik ang inis na nararamdaman ko dahil hindi niya ako sinipot kanina. Siguro ansaya saya nila nung Trish na yun. I'm wondering kung hanggang halik lang ang ginagawa nila. Malalandi pshh.

Nagtaklob ako ng kumot at tinalikuran siya. Alam kong mugto ang mata ko dahil ramdam ko na parang naging singkit ang dalawa kong mata. Kalahating oras yata akong umiyak.

"Get out." Malamig kong sabi. Ayokong makita niya akong ganito.

Nakita na nga diba?

Also ayokong makita ang pagmumukha niya ngayon.

Babaero ka talagang lalaki!

Narinig ko ang mahabang buntong hininga niya pagkatapos ay narinig ko ang pabukas at pagsara ng pinto. 

Unti-unti kong inangat ang kumot. Wala na siya kaya dali-dali akong nagpuntang cr. Yung mukha ko ang pangit. Buhok na gulo-gulo at matang namumula. Naghilamos at nag-ayos ng sarili.

Nakarinig ako ng katok kaya bumalik ulit ako sa pagkakahiga at nagtalukbong.

Bumalik ba siya?

Narinig ko ang pagbukas at sarado ng pinto.

"Addie get up. Eat your dinner."

"Hindi ako gutom." Walang gano kong sabi. Kahit na ng totoo kanina pa kumakalam ang sikmura ko.

"Kailangan ko pa bang ulitin? Babangon ka o kakaladkarin kita? Choose." Ako pa tinakot niya. Parang gusto kong manapak ngayon. Nanggigigil talaga ako.

"I don't care. Dun ka sa babae mo bwisit!"

Pahamak na bibig talaga. Para tuloy akong girlfriend na nagseselos. Do I look that way? Nakakahiya ka Addie! Wala naman akong karapatan di ba?

Narinig ko ang pagtawa niya na halatang pigil na pigil.

Inalis ko ang kumot na bumabalot sa akin at masama kong tinignan ang siraulong nasa harap ko ngayon.

"Eat now." Seryoso na ulit siya.

Masama ko siyang tinignan at kung nakakamatay lang talagang tumigin kanina pa to pinaglalamayan. Siraulong to nagawa pang tumawa.

"Ge lapag mo lang diyan. Makakaalis  ka na."

Umayos na ako ng upo at kinuha sa mini table ko ang dala niyang dinner ko.

"No I'm not leaving. Di ako aalis na rito na hindi ko nasisiguradong kumain ka talaga."

Balakajan.

"Stop this shits Morgan. Umuwi nga akong mag-isa kanina na wala ka. Kaya ko ring kumain mag-isa na wala ka."

Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Shhh stop crying. I-I'm sorry." Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Geez Addie!

Nakayakap pa rin siya sa akin habang marahan niyang dinadapuan ang buhok ko ng halik.

Ito na rin siguro ang pagkakataon kong humingi ng tawad. Muntik ko ng makalimutan may kasalanan pa pala ako. Naunahan ako ng selos letse.

"I miss you... " Nanindig ang mga balahibo ko sa leeg sa sinabi niya. At sa hininga niyang tumama sa leeg ko. Shit Morgan! Marupok ako please lang.

"...baby." Dugtong niya na mas ikinalakas ng pintig ng puso ko. Did he just called me baby? Gusto atang magwala ng puso ko ngayon. 

Iniharap niya ako sa kaniya at nag-iinit sobra ang pisngi ko kaya lam kong pulang pula na ako.

"I'll explain." Sabay naming sambit.

"S-sige ikaw muna." Sabi ko. Tumango naman siya.

"I'm sorry. Hiniram kasi ni Trish kanina yung phone ko. Then nakalimutan kong kunin sa kaniya. Hinanap ko siya kaya lang nakauwi na raw sabi ng mga classmates ko. Naalala ko ang usapan natin so I didn't bother to get my phone. Hinanap kita pero wala ka na dun sa place. I thought may nangyari nang masama sa'yo. Nung nasa parking lot na ako dun palang isinauli ni Trish yung phone. Bumalik raw siya kasi nakalimutan niyang ibalik. Itetext sana kita then nakita ko yung message saying na magkasama kami ni Trish. Nainis ako kasi pinakialaman niya ang phone ko. Kaya ka umuwi dahil dun." Sa tagal tagal naming magkasama ito na ang pinakamahabang sinabi niya. Himala!

"Okay. Then sino yung Trish? Bat ang close niyo ata na pati phone pinapahiram mo."

"Uh classmate?" Ay taeng to. Bat parang hindi sure?

"Babaero ka talaga! Babae mo nanaman no? Lumayo layo ka nga sa akin at nag-iinit nanaman ang ulo ko."

"Nagseselos ka ba?" Ngiting-ngiting tanong niya. Aba!

Tinulak ko siya pero di nagpatinag ang loko. Mas sinubsob pa ang ulo sa leeg ko tsaka inamoy amoy. Nakikiliti ako.

"Bwisit! Dami dami mong babae!"

Humalakhak siya ng pagkalakas lakas habang hawak hawak ang tiyan niya. Anong nakakatawa?

Kinuha ko yung unan at hinampas siya ng pagkalakas-lakas. Naout balance siya kaya nahulog siya sa sahig. Nagulat ako nung may narinig akong nauntog sa sahig ng malakas.

"M-Morgan!"

Dominant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon