Kabanata 21

815 21 0
                                    


"Sean." Naisatinig ko ng makita ko siya sa tabi ko. Maaga ang uwi namin ngayon at sinabi ko kay Morgan na mauna na ako dahil hanggang 8 pm pa ang klase niya. 4:30 pm palang kaya I decided to walk.

Nabigla ako sa biglang pagsulpot niya. Ramdam kong may nakasunod kanina pero I didn't expect na siya ang sumusunod sa akin.

"Hi Addie. Bakit ka naglalakad?" Casual lang ang pagtanong niya. Sumulyap ako sa kaniya at kita ko ang dalawang dimples niya dahil malapad ang ngiti niya ngayon.

Medyo nag-alangan pa ako dahil hindi ako sigurado kung mapagkakatiwalaan ko ba siya. May alam siya na hindi ko alam and yun ang nagtutulak sa akin ngayon na pakisamahan siya. I think may mga bagay na siya lang ang makakasagot.

"Ah wala lang mas gusto ko lang maglakad ngayon. Ikaw bakit ka nandito?"

Pumitas ako ng dahon sa isang halaman. Nakasanayan ko na ito. Yung kawawang dahon na unti-unti kong pinipitas habang naglalakad.

"Dito rin kasi ang daan ko. At gusto ko ding maglakad gaya mo."

Hindi ako nakumbinse sa sinabi niya kaya napaarko ang kilay ko.

He chuckled kaya mas lalong kununot ang noo ko.

"You don't believe me. Maniwala ka dito rin ang daan papunta sa bahay namin. Gusto mo bang ihatid na kita?" Napakamot siya sa ulo niya na tila nahihiya sa mga salitang binigkas niya.

"No thanks."

Gustong-gusto kong tanungin yung nangyari sa bahay nina Morgan nung nagkagulo.

"Masyadong seloso ang boyfriend mo. Muntik na akong madala sa morgue." Tumawa ulit siya. Napangiti din ako dahil sa huling sinabi niya. Nakakatakot nga talaga si Morgan kapag nagalit.

"And about dun sa sinabi ko sa'yo. Hindi mo talaga ako naaalala?"

Kahit anong isip ko hindi ko talaga maalala ang mukha niya. Hindi rin siya familiar sa akin.

"Hindi. Explain everything to me please?"

Nag-alangan pa ako sa sinabi ko. Naiilang pa rin kasi akong kausap ko siya ngayon.

"Ah!" Napatid ako buti na lang at nahawakan niya agad ang kamay ko kaya hindi ako dumiretso sa semento ang mukha ko. "Thanks."

"Careful baka mamaya sa akin ka mahulog."

Nagtataka naman akong napalingon sa kaniya.

"Joke lang." Saka ulit siya tumawa na napapakamot sa batok niya. What's with him?

"Faye it's me your Sean, Sean Harisson Vasquez. You call me Harri way back then."

Then a scene suddenly pop on my head.

"Harri come on faster baka pagalitan ako ni mommy!"

"Hindi yan. Nagpaalamn naman tayo. And you're with me so there is no problem with that."

Natatawang sagot nung batang lalaki. Parang tamad na tamad maglakad. Samantalang yung babae na ang alam ko ay ako na nakabusangot na ang mukha at sapilitang hinahatak ang kamay nung batang lalaki.

"Harri naman eh! Baka nandun na ang kuya mo. I want to see him!"

Nag-iba ang kaninang busangot na mukha ng bata at parang excited ito. Ang laki ng ngiti niya.

"Do you really like my brother? I'm way better than him."

"Yes I really really like him. Duh! You? You are ugly. Remove your glasses mukha kang matanda."

Inalis niya ang salamin nung batang lalaki at saka tumakbo na paalis. Naiyak naman ang batang lalaki dahil nanlalabo ang mata niya dahil wala yung salamin niya.

Dominant LoverWhere stories live. Discover now