Kabanata 17

886 16 0
                                    


Sabay kaming naglulunch ngayon ni Morgan. Inaya ko siya to celebrate our monthsary na dapat kahapon sana.

Magkaharap kaming kumakain ngayon then suddenly umingay ang paligid. Naramdaman ko na lang na may mga tao palang nakatayo sa gilid namin.

Girls are looking at us rather in our direction. Drooling over these boys around us. Nandito ang mga barkada ni Morgan. Nagsimula na naman ang bulungan at tilian.

"Wazzup bro! I miss you." Pagtingin ko si Caliber ang nagsalita at umakting pa na yayakap sana kay Morgan pero sinamaan niya ito ng tingin.

"Hey Addiee, namiss mo ba ako?" Baling naman sa akin ni Kristoff sabay kindat.

"Fvck you Lorzano!" Sinamaan ko ng tingin si Morgan dahil sa tabas ng bibig niya.

"Oh nandiyan ka pala bro? Haha kidding. Namiss lang... Oo na titigil na masyado kang high blood hayst!" Parang bata na maktol ni Kristoff matapos siyang ambaan ng suntok.

Weird. Yan lang ang masasabi ko sa kanila. Nagsama ang mga babaero, manloloko at mambobola. Kilala sila dahil sa kaliwa't kanan nilang mga babae. For sure kinakama din. Gross.

Nakipagfist bump sina Rain, Rhys at Ford.

"Teka bakit wala si Paul?" Lahat sila napatingin sa akin dahil sa tanong ko.

"Nandito naman ako bakit siya pa ang hinahanap mo?" -Caliber

"Morgan wala ka pala kay Paul siya ang hanap hahahaha." -Kristoff

"You two idiot shut up!" Halatang iritang-irita na si Morgan dahil sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan niya.

What's wrong for asking where Paul is? Really? Ano bang mga pinag-iisip ng mga to. Sadyang may sira na ata ang mga ulo.

"Whoa chill bro. Nagtatae kasi kaya umuwi sa bahay nila."

"Kadiri nga nagpapasama pa kanina ang gago. Ayoko nga baka mahawa pa ako."

"Gunggong! Nakakahawa ba yun? Baka yang kabobohan mo ang nakakahawa. Lumayo-layo ka nga sa akin." Singhal ni Caliber kay Rhys.

"Mga bro ayaw niyo bang maupo? Bahala kayo. Addie penge ng fries ha? Painom na din hehe."

Bago pa ako makaangal ay agad ng nakadampot si Rain ng pagkain saka ininom ang mango shake ko. Umupo siya sa isang bakante sa gilid ko at nilantakan na ang pagkain.

Kitang-kita ko ang kunot na noo at ang paggalaw ng mga panga ni Morgan.

"Umalis na kayo. You're disturbing us!" May diin na sabi ni Morgan sa mga barkada niya na kakaupo lamang pero kanina pa dumadampot ng pagkain sa mesa namin. Pero parang wala silang narinig.

Ngayon naman ay minamasahe na niya ang braso at nag-uunat na ng kamay. He's ready to punch them. Kasi naman moment namin ito at heto sila nangugulo. Kinain na ang mga pagkain namin. Seriously? Ang pagkakaalam ko mayaman silang lahat. Bakit kaya hindi sila mag-order ng sarili nila.

"You won't leave? I'll count on 5 kapag nakikita ko pa ang pagmumukha niyo sorry na lang pero mawawala na ang lahi niyo."

Pagkasabi ni Morgan yun agad silang nagtayuan nang walang kibo at nagsisikuhan pa. Wala silang imik na umalis.

Bumalik si Caliber.

"Hehe nauhaw pa ako." Umalis din siya agad ng makuha na ang apple juice ni Morgan. Wow ha?

A badboy indeed. Astigin pala tong boyfriend ko. I giggle at that thought.

"What's funny? Damn those guys sinayang ang oras natin."

"I like your friends in a weird way."

Nagpakawala pa ako ng malakas na tawa kasi tawang tawa talaga ako sa mga kaibigan niya. Akalain mo yun? As in takot lahat sila kay Morgan? Seriously?

Pauwi na sana kami Morgan pero naisipan naming manood ng sine. Pumunta kaming mall dahil wala na daw pasok ng hapon dahil may emergency meeting sa school ng hapon at matatagalan yun. Kasama lahat ng professors bawat department.

Bumili agad kami ng ticket at isang horror comedy film ang napili namin.

Nagrestroom muna ako dahil naiihi na ako at para makapag-ayos din konti ng mukha.

Pagbalik ko sa may bench malapit sa bilihan ng ticket ay may hawak-hawak na siyang popcorn and drinks. Pumasok na kami after at naghanap ng mauupuan. Wala pang masyadong tao. Napili namin yung sa may medyo bandang likod. Hindi naman sa pinakalikod pero mga 4 rows bago yung sa likuran. Nasa gitna ang pwesto namin.

We took a selfie together. I opened also my phone and take him a stolen picture. I post it on my ig. Caption 'A date with my man'

Unti-unting napuno ang sinehan. Nagsimula na ang movie kaya nagfocus na din ako sa panonood. Hawak hawak ni Morgan ang kamay ko. Kanina pa ako kilig na kilig dahil sa mga pinaggagawa niya. Panay ang nakaw niya ng halik.

"Tungunu naman bro! Tumigil ka ngang hinayupak ka kakalbuhin na talaga kita."

Bakit parang narinig ko ang boses ni Rain? Meron ba sila dito?

"Waaaaahhhh aswang mga bro! Aswang yung babae! Gaahhhh-----" Is that Caliber? Hmn.

"Gunggong tumahimik ka nga ang ingay ingay mo!" Si Paul? Huwag naman sana sila yan. Kanina sa cafeteria, ngayon pati dito sa sinehan? Sinusundan ba kami ng mga to?

"Nyeta nakakahiya kayo! Hayst!" Siguradong si Rhys yung nagsalita. Meron nga sila dito.

Dahil madilim hindi ko maaninag kung nasaan sila. Sa paglinga linga ko naaninag ko ang mukha ni Sean na matagal ko ng hindi nakikita. Nandito siya? Pero hindi ko naman makita sina Caliber sa pwesto niya. Ibig sabihin mag-isa lang siya?

Napapansin ko din kasi na wala siya lagi kapag nariyan ang barkada nina Morgan. Siguro matapos ang insedenteng yun ay umiwas na siya at nagpakalayo-layo. They are friends at naaawa ako kay Sean. Hindi pa rin kaya sila okay? Sabagay Sean is a new friend to them kasi. s

Isa ding katanungan at blanko sa akin kung bakit kilala niya ako. Lalo na ang pagkatao ko. Sean sino ka ba?

Nasa dulo siya sa pinakagilid sa may left. Luminga ako sa right side at nandoon pala sina Rain. Tutok na tutok sila sa panonood.

"What's wrong?" Napatingin ako kay Morgan na kunot ang noong nakabaling sa pinapanood niya.

"W-wala."

Hindi ba niya narinig sina Paul kanina? Impossible naman dahil ang lakas ng mga boses nila. Sinasaway nga ng ibang nanonood kanina. Or maybe he ignored them. He's concentrating on the movie.

Lumingon ako ulit sa pwesto ni Sean pero wala na siya dun. Huh? Namamalikmata lang ba ako?

Isang nakahoodie na lalaki ang titig na titig ngayon sa akin? Oo sigurado akong sa akin dahil masyadong abala ang lahat sa panonood. He plastered a smirk bago inalis ang mga mata sa akin. Creepy. Who's that guy? Oo alam kong lalaki siya dahil sa adams apple niya. Kahit madilim kita ko pa rin dahil sa liwanang na nanggagaling sa big screen na tumatama kahit papaano.

Ibinalik ko ang tingin ko sa pinapanood at nagfocus na lang dun. Napatawa ako kasabay ng pagtawa ng karamihan dahil sa scene kung saan yung mga magbabarkadang lalaki ay nagkatakutan at nagturuan kung sino nga ba ang aswang. May nakaihi pa sa shorts at may tawag na tawag pa sa kaniyang mommy.

Maganda yung movie dahil nakakaentertain ng sobra. Kahit papaano tumawa ako ng malakas haha.

"Morgan? Addie? Oh what a coincidence narito pala kayo." Paglabas namin sa sinehan ay nagulat na lang kami ng may umakbay sa amin. Napahiwalay pa ako kay Morgan. Ang bigat ng braso ni Caliber.

"Caliber bitaw!" Asik ni Morgan.

"Chill bro. Ganda nung movie no?"

"Tinanong mo pa ikaw nga itong sigaw ng sigaw. Kaakawalang gana yang mukha mo. Tara na nga." Nakasimangot na sambit ni Kristoff.

Matapos nilang magpaalam ay dumiretso muna kami ni Morgan sa Penshoppe dahil bibili raw siya ng damit.

Umuwi rin kami agad at nagpahinga na dahil May pasok nanaman kinabukasan.

Dominant LoverWhere stories live. Discover now