Kabanata 15

996 21 0
                                    


Naging malamig si Morgan ng ilang araw. Pagkatapos nang nangyari between us when Sean talked to me. The start of the misunderstanding happened.

Ilang beses ko siyang tinangkang kausapin pero ni tapunan ako ng tingin ay hindi niya magawa. Ilang beses ko na din siyang nakita na laging kasama si Jamilla. Gusto kong magtampo at awayin siya pero ano nga bang magagawa ko ngayon?

Kung gusto niyang magkaayos kami sana man lang pakinggan niya ako. Pero parang wala siyang balak. Ang sakit dahil hindi ko siya lubos na maintindihan. Nagconclude agad siya na hindi man lang inalam ang katotohanan. Is this way of his revenge? Because of the trust thing? Geez.

If he got jealous with Sean then nagselos nga siya naiintindihan ko naman. Kaya lang magulo sa part na iniiwasan niya ako. Masakit na ayaw niya akong pakinggan.

Todo effort ako para mapansin niya at para mapatawad niya ako kung ano man ang ikinasama ng loob niya pero wala pa din. Sa bahay hanggang sa school I tried but sad to say nonsense lahat ng pinaggagawa ko.

Nandito ako ngayon sa kwarto niya and waiting for him to be home. 10 pm na pero wala pa din siya. Kanina pa ako nag-aalala dahil maaga naman siyang umuuwi kadalasan pero ngayon wala pa din siya.

Malakas pa naman ang ulan baka kung napaano na siya sa daan.

Hindi naman siya naglolock ng door niya kaya malaya akong nakapasok sa kwarto niya. Inilibot ko ang paningin ko habang nakaupo ako sa kama.

Napadako ang tingin ko sa isang picture frame. Napangiti ako dahil family picture nila yun. I miss tito and tita. Kailan kaya sila makakauwi?

May larawan pa akong nakita at hindi ko maiwasang maluha dahil imahe ko ang isa. Stolen ang pagkakuha at mukhang sa library ito. I really appreciate it. Sa ngayon kasi hindi ko maiwasang malungkot.

Namimiss ko na si Morgan. Sana naman magkaayos na kami.

Pinunasan ko ang mga luha ko and tried to smile. Mahal namin ang isa't - isa. We should understand and make every mistake a lesson. Kung kailangan ako ang mag-adjust ng sobra ay gagawin ko.

I heard footsteps kaya napaayos ako ng upo. Siya na siguro yan. Bumukas ang pintuan. Basang basa siya. Naamoy ko agad ang matapang na amoy ng alak na nanggagaling sa kaniya.

Tumayo ako para kuhanan siya ng towel. Lumapit ako sa kaniya na nakaupo sa may paanan ng kama niya. Nakatungo ito at alam kong hilo ito dahil sa alak.

Inilapat ko ang towel sa mukha niya. Wala siyang reaksyon at kibo kaya ipinagpatuloy ko lang. Pumwesto ako sa gilid para mas mapunasan ko siya ng mabuti.

"Why are you here?" He asked coldly. Nabigla ako sa pagsalita niya kaya napaatras ako konti. Tiningala niya ako gamit ang walang expression niyang mukha.

"I-I'm w-waiting for you." I stuttered. Hindi ko kaya ang mga titig niya kaya iniiwas ko ang mga mata ko.

"You're supposed to be sleeping." Kinuha niya ang towel sa kamay ko at siya na ang nagpunas sa sarili niya. Tahimik lang ako sa harap niya. Gustong-gusto kong magsalita pero walang lumalabas na salita.

Bakit ba nangyayari ito? Malaki ba ang nagawang kasalanan ko? Nasaktan ko ba siya ng todo para pahirapan niya ako ng ganito? Because I can't understand!

Nag-iinit na ang gilid ng mga mata ko. A tear fell bago pa man ako makatalikod sa kaniya. Impit na napahikbi ako. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko at hindi ko na magawang gumalaw.

Narinig ko ang mura niya at halatang inis na siya kaya mas lalo akong naiyak. I'm too emotional. Shit Addie!

Marahas kong pinunasan ang mga luha ko.

Dominant LoverWhere stories live. Discover now