Kabanata 16

967 20 0
                                    


Sinundo ako ni Morgan sa room namin ng uwian na. Actually he waited me for almost 2 hours. Kaya masayang masaya ako dahil bumabalik na kami sa dati.

Kapit na kapit ako sa braso niya dahil hindi talaga maiwasan ang mga linta at hipon na nagkalat.

I'm being a clingy girlfriend. I've changed a lot. Hindi naman ako ganito dati. Ni ayaw ko nga na magkaholding hands kami kapag naglalakad.

"Clingy pft-" Narinig ko ang mahinang bulong ni Morgan na mukhang ipinarinig naman sa akin. Medyo nahiya ako sa sinabi niya dahil totoo naman. I'm being too clingy. Mukhang pigil na pigil pa sa tawa. I know he's enjoying everything.

8pm na pero marami pa rin ang estudyanteng nagkalat sa school.

May isang babae ang lumapit sa amin. Ngiting-ngiti siya na hinarap si Morgan and kissed him on cheek. What the--

"Hi Morgan! Namiss kita." Dinambahan niya ulit ng yakap ang lokong to na ngiting-ngiti rin. Ay wow lang! Hindi ba nila nararamdaman ang presence ko? Specially this girl na parang wala lang ako at kung makayakap kay Morgan ay hangin lamang ako dito.

Napaubo ako para naman maalala rin ng lalaking ito na narito ako sa tabi niya pero kung umasta parang wala lang ako. Goodness! He's flirting in front of me!

Bumaling ang tingin nila saglit sa akin. Naningkit ang mata nung babae at si Morgan naman ay abot tenga ang ngiti.

Nilingon lang ako saglit pero balik chika ulit sila. Ay aba! Hiyang-hiya naman ako dahil mukhang nakakaistorbo yata ako. Inalis ko ang braso ko na nakapulupot kanina kay Morgan. Nagulat siya at tinignan ako ng 'what are you doing look'. Inirapan ko lang siya at ngumuso.

I heard him chuckle kaya napatingala ako sa kaniya na ngayon ay namumula na ang mga labi dahil sa kakagat niya. Mukhang pigil na pigil sa pagtawa ang mokong.

Makaalis na nga lang. Mauna na lang ako sa parking lot. Hintayin ko na lang siya dun dahil mukhang namiss nila ang isa't isa. Nakakainis. Ayokong magalit at magselos dahil ayokong mag-away ulit kami pero ang hirap.

Feeling ko tumaas nanaman ang dugo ko papunta sa ulo ko. Aalis na ako baka hindi ako makapagpigil. Baka masabunutan ko ang babaeng kung makahalik at makayakap kay Morgan ay parang ayaw ng pakawalan.

Parang kanina nakakapit lang ako sa braso ni Morgan pero ang babaeng to yakap na yakap talaga. Nagmumukha akong display.

Kanina pa ako todo irap sa babaeng to. Hindi rin naman ako nakikita dahil nakafocus lang ang mukha niya kay Morgan.

"Brena meet Addie, my girl. Addie this is Brena, my cousin."

Matagal akong natulala at prinoseso ang sinabi ni Morgan. Cousin?

What? Pinsan niya ang isang yan? Seriously? And I'm acting a jelly girl here. Geez. Nakakahiya.

Nagkatinginan kami ng pinsan niya at ngumiti siya sa akin ng pagkalaki laki at inabot ang kamay ko.

"Hi Addie! Nice to meet you. Sorry di kita masiyadong napansin. Namiss ko lang ng sobra tong pinsan ko."

Ngumiti rin ako pero alanganin. Yung parang natatae na nakangiti. Ganun na ganun ang itsura ko.

Mukhang masayahin ang pinsan niya at mabait dahil niyakap niya din ako. Tuwang tuwa siya.

"You are pretty. Ikaw pala yung laging ipinagmamayabang sa amin ni Morgan. I'm glad to finally see you. Alam mo ba na------"

"We need to go Brena." Pinandilatan niya si Brena saka ako hinawakan sa kamay. Mukhang ayaw niyang marinig ko ang sasabihin ni Brena.

"Okay see you next time Morgan. Bibisita ako minsan sa bahay niyo. Take care! Bye Addie." Kumaway-kaway pa siya pagkatapos kaming yakapin ni Morgan. Sweet lang pala talaga siya.

Pinagselosan ko pa ang pinsan niya. Goodness gusto ko ng lumubog sa lupa. Nakakahiya ang pinag-iisip ko kanina.

"You know what? You're being to jelly." Pinisil niya ang ilong ko at tumatawa nanaman.

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Hinarap ko siya at nakapamewang na dinuro siya.

"You know what? You're being too close with girls. You're teasing me kanina pang umaga. Alam mo yun? Gustong-gusto ko ng manapak pero pinigilan ko ang sarili ko. Yeah I'm jealous and so what? Kanina bat kasi hindi mo agad sinabi na pinsan mo pala si Brena? Tinawanan mo pa ako. You enjoyed everything. Ayokong magselos dahil ayaw ko ulit na magkaproblema tayo. Kakaayos lang natin pero---pero h-heto nanaman ako. S-sorry kasi waahhhh---why am I crying?"

Nakakainis bakit kasi bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Pinahid ko ang mga ito. Nakayuko lang ako dahil ayokong makita niya ang itsura ko. I'm such a cry baby.

"I'm sorry okay? Nagselos lang din ako last time sa inyo ni Sean. Kung ano-ano ang inisip ko. You're hugging each other that time. It's hard for me to calm myself if I'm angry specially if you are involved. Hindi mo rin sa akin sinabi na may natatanggap ka palang letters. You should've tell me. Another problem is that Wallace. Gulong-gulo na din ako that time. Pinaghinalaan mo pa ako. Trust is the most precious thing in a relationship. You don't trust me kaya nasaktan ako ng sobra dun. I'm sorry stop crying okay? Okay na tayo and yun ang importante. Babawi ako. I love you."

He hugged me and planted a kiss on my forehead. Tumahan na din ako sa pag-iyak. Nanatili kaming ganun. Sana ganito na lang palagi. Yakap-yakap namin ang isa't isa. Yung walang problema.

Pagkarating namin sa parking lot ay agad kaming pumasok sa sasakyan niya. He gave me a bouquet of flowers and chocolates. I kissed him on cheeks at pumasok na sasakyan.

We drove away from school and go home already. We are both hungry. I'm so happy. Okay na okay na kami. Hawak-hawak niya ang kamay ko sa pagdadrive. Kanina ko pa inaalis pero ayaw niya. Baka kasi mabangga kami sa pinaggagawa niya.

But I find it so sweet. Holding hands in the car. Inihinto pa niya saglit ang sasakyan para lang humalik siya sa pisngi ko and say I love you. Di ba? Sinong hindi kikiligin. Pulang pula na nga yata ako.

Sinalubong kami ng mga maids na may ngiti sa kanilang labi. Bumaling ang mga mata nila sa kamay namin ni Morgan na nakaakbay sa akin. Masaya sila dahil nakita nilang okay na kami.

Alam kasi nilang medyo nagkalabuan kami this past few days. Ni hindi na nga kami nagpapansinan kapag nagkikita kami. Kapag kakain ako hindi siya pupunta sa hapag. At kapag sasabay na ako ay aalis agad siya kahit nakakailang subo palang siya.

Hirap suyuin ng lolo niyo. Ilang gabi din akong iyak ng iyak at walang gana na kumain.

Ipinaghanda agad nila kami para makakain na ng dinner. Pagkatapos ay umakyat na kami sa taas para magpalit ng damit.

Kinuha ko ang ibinigay niyang flowers at inamoy-amoy. May nakita akong letter kaya binuklat ko.

'Happy monthsary baby. I love you."

Parang nabagsakan ako ng malaking bato sa nabasa ko.

Monthsary namin? Ngayon?

Stupid Addie! Bakit hindi mo alam? Bakit hindi mo naalala?

Naguilty tuloy ako dahil hindi ko man lang siya nabati. It's our special day pero nganga ako.

Kaya pala may paflowers and chocolates.

Babawi na lang ako bukas.

Pinuntahan ko siya sa kwarto niya para sana batiin siya pero nakatulog na pala siya. Lumapit ako at hinalikan siya sa labi.

"Good night Morgan. Happy monthsary." Bulong ko. Aalis na sana ako pero isang kamay ang humila sa akin at inipit ako sa mga bisig niya.

Isinubsob niya ang ulo niya sa leeg ko. Nagsitaasan ang balahibo ko dahil nakiliti ako.

Akala ko ba tulog na 'to?

"Morgan?"

"Hmmn?" Mukhang antok na antok na siya. Inaamoy amoy niya ang leeg ko kaya halos lagutan na ako ng hininga.

"Happy one month of love pala. Sorry I almost forgot. Babawi ako tomorrow. Matulog ka na." Tuluyan na sana akong aalis pero mas hinigpitan niya ang yakap sa akin.

"5 minutes please?"

Nang malalim na ang tulog niya saka lang ako umalis. Actually hindi 5 minutes. Umabot pa ata ng 20 minutes dahil tinitigan ko pa ang mukha niya.

Dominant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon