Kabanata 36

874 21 0
                                    


"Let's end this Morgan." Pagkapasok ng kwarto ay dineretsa ko na siya. Napatigil siya sa pintuan. Hindi agad nakagalaw at tila prinoseso pa ang sinabi ko.

It took a lot of courage para masabi ko ang mga katagang iyon. Nang nakarecover siya sa pagkabigla ay nilapitan niya agad ako. Nakaupo ako sa kama. Pilit pinapakalma ang sarili.

I need to do this. Walang mangyayari sa relasyon namin kung puro na lang away at walang usapan na nagaganap. Pagod na akong umintindi. My anxiety is getting worst day by day.

"Addie ano bang sinasabi mo?" Maang sabi niya. Tumawa siya pero halatang sarkastiko. Pumeywang siya sa harap ko at tila binabasa ang bawat galaw ko.

"Let's break up. I'm tired with your shits! I'm tired with this relationship. I'm tired with you. Let's end this." I tried not to crack my voice. Gusto kong bawiin ang sinabi ko pero kapag ginawa ko iyon mahihirapan na akong lumayo.

"Addie can you hear yourself? What's gotten into you? Pag-usapan natin. Wag kang magpadalos-dalos. Baby please?" Halatang nagpipigil siya ng galit sa sinabi ko. Umupo siya sa tabi ko. Ginulo niya ang buhok at nagsimulang magtaas baba ang balikat. He's breathing heavily.

"Narinig mo ang sinabi ko Morgan. Pagod na ako kaya tapusin na natin ito. Hindi mo ba naintindihan? Morgan sawa na ako! Sawa na ako sa'yo! Sawa na ako sa relasyon na ito! Naiintindihan mo?" Pasigaw na ang pagkakasabi ko at napatayo ako. Napahilamos ako sa mukha at tumingala. Naluluha na ako.

"Bakit?"

"Bakit mo tinatanong sa akin kung bakit? Alam mo ang rason! Nagpakaselfish mo! I hate you! I give you a lot of chances Morgan to tell me the truth pero anong ginawa mo? Wala! You make me a fool! Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan pa ba kita. You have so many secrets na hindi ko alam. I got jealous and hurt too! Hindi lang ikaw ang nasasaktan. I'm freaking hurt too Morgan!" Napahagulgol na ako after kong sabihin ang mga katagang iyan. Sumalampak ako sa sahig. Masakit, sobrang sakit. Pero kailangan kong gawin kahit labag sa sarili ko.

We can't grow up kung mananatili kami sa relasyon na pagmamahalan lang ang meron. Yes we love each other but that doesn't enough for a relationship to keep forever. Marami pa kaming dapat matutunan. 

Love is not enough.

"Addie ano ba! I'm also tired with everything! Akala mo ba madali para sakin to? I'm fvcking confused too! Damn it."

Nabigla ako sa naging sagot ni Morgan. Natutop ko ang bibig ko. Pagod din siya? Pero pagod din ako! I can't understand him. Tangina.

"Morgan! Tangina naman eh! Pagod? Saan? Sa akin?" Mas napahagulgol ako. Basta ang alam ko gusto ko nang sumabog. Punong-puno na ako. I'm dying with my anxiety! Paranoid na dn ako.

"Oo sa'yo Addie! Nakakapagod ka ding intindihin alam mo yun? Nagkita nanaman kayo ng Wallace na yun! Why can't you understand that I hate him!"

Natigil ako sa sinabi niya. Well totoo naman. Pero magulo pa sa ngayon dahil di ko naman alam na may kambal si Wallace.

"I need your explanation Morgan! Hindi ang panunumbat mo." I'm breathing heavily. Sapo-sapo naman niya ang kaniyang noo.

"I-I am confused." Halos pabulong niyang sabi.

"Dahil ba kay Zoey? Kaya ka nagkakaganyan?" I laughed with sarcasm. Saka ako tumalikod sa kaniya.

"This will be the end Morgan. Pagbalik natin aalis na ako sa inyo."

Umiiyak akong lumabas ng hotel room. Tangina ang sakit. Akala ko kahit ngayon man lang malaman ko sana ang katotohanan pero nabigo ako. Panunumbat lang niya ang marinig ko at ang masakit pa he's confused. For that girl Zoey? So ano ako sa tingin niya patatas?

Nakakainis!

Tanga din kasi ako eh. Bakit ba kasi ako nahulog sa babaero na yun. Naniwala naman akong mahal na mahal niya ako. It's just his inferiority towards Wallace kaya siguro he pursue me. He did that for revenge. Pero bakit? Kasi gusto ako ni Wallace? Nababaliw na ako!

Nakasalubong ko yung Zoey. Humahagulgol pa din ako at lalagpasan sana siya pero hinatak niya ang braso ko.

"Stay away from Morgan, you slut." Sabi niya saka ako tinulak kaya napadapa ako sa sahig. What a bitch.

"Mahal mo? Sige iyo na! Mga walanghiya kayo. Kailan niyo pa ako ginagago?" Inayos ko ang sarili ko at tumayo. Lumapit ako sa kanya saka ngumisi. Gusto-gusto ko na siyang sabunutan.

Inikutan ko siya saka hinaplos ang buhok niya. Kating-kati na ang kamay ko. Pero I tried to compose myself.

"Ako ang mahal ni Morgan. Ginawa lang niya yun dahil ex ko si Wallace. Hindi ka niya minahal dahil sa una palang palabas lang ang lahat. You're just a toy for him. Nothing more, nothing less. Ask Wallace may nakaraan kami, kaya galit na galit si Morgan sa kaniya. Girl huwag kang umasa na mahal ka niya, sa itsura mong yan? Duh! Ni hindi ka nga marunong mag-ayos. Ang baduy." Sabi niya na puno ng pang-uuyam. Sobrang sakit ng mga binitiwan niyang salita. So iyon ang totoo? Mga hayop naman pala sila eh! Paniwalang-paniwala ako sa palabas nila. Ang gagaling!

"Sa'yo ko pa talaga malalaman. Pinagmukha niyo akong tanga para lang sa mga drama niyo! Pero alam kong minahal din ako ni Morgan...kahit konti." Halos pabulong ko nang sinabi ang huling kataga. Hindi ko lang matanggap na niloko ako. Na ginamit lang ako! Kasi ang sakit-sakit. Hindi ko deserve ang panloloko nilang ginawa.

"Girl para sabihin ko. He didn't love you kahit konti. Laruan ka lang. You know Morgan maraming babae sa paligid niya, isa ka lang sa mga kagaya nila. Ako pa rin ang mahal niya, don't compare yourself to me kasi ako minahal and you? Hindi ka niya minahal." She said then walk away with a smile on her face.

Sa mga sinabi niya napaluhod na lang ako. Nanghina ako sa mga nalaman ko. Kaya ba hindi niya masabi-sabi ang rason niya dahil pinaglalaruan lang ako? Kaya ba wala siyang mareason out dahil wala naman siyang i-explain kasi puro panggagago lang ang lahat!

Lumabas ako ng hotel at dumiretso sa dalampasigan. Naglakad ako sa tubig, maalon at mahangin din. Nabasa na yung dress na suot ko, nakalimutan kong nakasleeveless pala ako. Pero di ko inalintana ang lamig. Ang nasa isip ko lang sa oras na ito ay ang maglaho na lang bigla dito. Parang wala akong mukhang ihaharap, na parang ang tanga-tanga ko sa paningin ng lahat. Umasa ako sa wala. Alam rin ba nina Caliber ito? Siguro? Oo malamang kasi barkada sila eh. Ano ba ako? Di naman nila ako kaano-ano at kilala. Kaibigan rin ba ang tingin nila sa akin? O pinakitunguhan lang para hindi masira ang plano ni Morgan?

Naglakad pa ako sa mas malalim. Pumikit ako at dinamdam ang alon na pabalik-balik. Para akong dinuduyan nito. Madilim na din at ang ganda ng buwan. Tinignan ko ang paligid ko. Walang tao. Sa malayo-layo ako nagpunta para makapag-isip-isip kaya wala talagang tao sa part na ito. Alas nueve na rin siguro ng gabi.

Napahawak ako sa pala-pulsuhan ko. Shit! Yung bracelet ko nawawala. Bigay pa naman ni daddy yun. Bakit ko ba kasi sinuot kanina!

Kinapa ko ang dress ko baka sakaling naisabit pero wala. Regalo ni dad yun nung 13 years old ako. May sentimental value sakin iyon dahil muntikan na akong mamatay that age ko. And saktong nagising ako noon sa birthday ko. It's a miracle for us, for me. Iyon ang regalo ni dad with my initials and miracle  na word. May opal stone yun and pinagawa ni dad for me. Hindi pwedeng mawala iyon! Mas naiyak ako kasi baka dito sa dagat ko nawala. Imposibleng mahahanap ko pa kasi baka tinangay na ng alon. Pero ita-try ko baka sakaling makapa ko pa.

Lumublob ako sa tubig at nangapa-ngapa. Pero isang malakas na hampas ng alon ang tumama sa akin. Ang alam ko lang ay nawawalan na ako ng hininga. I tried to swim pero kinakapos ako ng hininga. Namamanhid ang buong katawan ko. Mamamatay na ba ako? Ito na nga siguro ang katapusan ko. What a sad death for me. If miracles do happen, siguro pwede pang maulit na maligtas uli ako like what happened when I was 13 years old.

I miss you mom and dad. I love you.

Dominant LoverWhere stories live. Discover now