Kabanata 39

929 19 2
                                    

"Morgan ano ba!"

Patuloy lang siya sa paghila sa akin hanggang sa marating namin ang likod ng building nila. Inis na inis ako dahil bigla na lang niya akong kinaladkad dito. Nagkagulo sa canteen dahil sinuntok niya si Kane. My gosh. Nakakahiya sa tao.

"Addie let me ex---"

Naputol siya sa pagsasalita ng mag-ring ang phone niya. Naestatwa siya at di alam kung sasagutin o hindi. Baka si Zoey yan at hinahanap nanaman siya.

"Sagutin mo."

"Si Caliber lang."

"Di mo pa nga nakikita kung sino."

"Addie give me another chance please?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. Agad ko naman itong iwinaksi at lumayo sa kaniya. Naiinis ako.

Kanina pa kumakalam ang tiyan. Ni hindi man lang ako pinatapos na kumain.

"Kung yan lang ang sasabihin mo I need to go."

"Damn it Addie!"

Sumiklab ang galit sa akin. Di ko napigilan ang kamay ko at dumapo ito sa kaliwang pisngi niya. Malakas iyon at rinig na rinig ng pagkakasampal ko sa kaniya.

Nagsimula na ding tumulo ang luha ko. Hindi ko naman inasahan na mangyayari to sa amin. Kung sana naging totoo siya, kung sana maaga palang sinabi na niya!

"Fuck you Morgan! Ang sakit-sakit ng ginawa mo sa akin! Akala mo ganun lang kadali magpatawad huh? Kung hindi ko nalaman, wala ka na talagang balak umamin? Morgan minahal kita, naging totoo ako sa'yo. All those nights na lagi akong nag-ooverthink wala lang nagawa. Hindi mo napawi ang mga iyon dahil mas dinadagdagan mo lang sa bawat araw na lumilipas. I hate you!"

"Damn I'm sorry." Lumapit siya sa akin at yinakap ako ng mahigpit. "I'll be honest from now on. Just give me another chance. Di ko kayang mawala ka." His voice cracked.

"Zoey and I had a past relationship. Wallace is the reason Zoey left me. They cheated on me. That's the reason kaya malaki ang galit ko kay Wallace. Bago nangyari ang aksidente sa akin, kung paano tayo nagkakilala...Zoey and I broke up. I was devastated and got drunk. Lasing na lasing ako nun akala ko mamamatay na ako. But then you came, an unexpected meeting. You are my savior baby."

"Months have past at napansin kong nagiging close kayo ni Wallace. Nagalit ako dahil baka gamitin ka lang niya or lokohin. Nalaman ko ding wala na sila ni Zoey matagal na. Then one night sa isang bar...m-may shit I'm sorry."

"Go on." Kahit alam kong masakit ang sasabihin niya based sa reaction niya I manage to utter those words.

"May nangyari samin ni Zoey. I was drunk. Hindi ko alam kung kailan siya bumalik ang alam ko lang nasa isang hotel room na kami. Mahal na mahal ko si Zoey, so I grab that opportunity para balikan niya ako. She said na ako ang mahal niya. I was desperate na bumalik siya nun."

Napahagulgol ako sa mga sinabi niya. Mas may sasakit pa pala. Tangina ang sakit.

"I'm so sorry. Should I continue?"

Tumango lang ako. Basa na din ang uniform niya sa luha ko.

"Dahil nagkasakit ang mom niya ay bumalik siya ng Canada. Naiwan ako and I got bored. Until one day, mas umusbong ang galit ko kay Wallace lalo na kapag kasama ka niya. And I hate that. So niligawan kita dahil alam kong in love sa'yo ang gago. I can't afford na mapunta ka sa kaniya. For revenge lang lahat ng iyon nung una, and I got satisfied kapag nakikita kong galit na galit si Wallace kapag magkasama tayo. He's in love with you. My plan is perfect dahil ayaw ko ulit na makuha niya ang gusto niya na dapat sa akin." Nagulat ako sa sinabi niya. Wallace is in love with me? No way.

Dominant LoverWhere stories live. Discover now