Kabanata 4

2.2K 54 1
                                    


Gabi na at nandito pa rin ang mga kaibigan ni Morgan. May night swimming ata sila. Nasa garden ako ulit dahil dito lang ang lugar kung saan maginhawa sa pakiramdam. Rinig na rinig ko ang tawanan at hiyawan nila sa loob. Naalala ko tuloy yung dati kong buhay. Masaya kasama ang mga mahal ko sa buhay.

Marami na ang nagbago at ni hindi ko halos maisip kung paano ako napadpad dito. It's almost perfect kung hindi lang nakigulo si Hannah. Ang babaeng nakatago ang sungay.

Hindi ko ipagkakaila na miss ko na ang pamilya ko. Masakit pa rin ang lahat. Hindi ko namalayan na humihikbi na pala ako. Pinahid ko agad ang mga luhang nag-uunahan sa pagdaloy sa aking mukha.

Paalis na ako nang may isang bulto ng tao ang bumungad sa harap ko umupo. Nagulat ako kaya agad akong napaatras at natisod sa isang paso kaya natumba ako.

Ang hapdi ng braso ko. Pagtingin ko may dugo ng umaagos. Napadaing na lang ako.

May humawak sa braso ko dahilan para iangat ko ang mukha ko sa kung sino mang tao ang nandito. Kinabahan ako dahil sa takot na may nakapasok na masamang tao dito.

Bumungad sa akin ang mukha ni Wallace. Sa gulat ay napasigaw ako. Agad niyang tinakpan ang bibig ko.

Yung puso ko kanina na ang bilis ng tibok mas bumilis pa ata ngayon dahil sa hininga niyang humahaplos sa leeg ko. Ang bango ano kaya gamit nito?

"Don't scream." Bulong niya saka ako unti-unting iniharap sa kaniya.

"Why are you here? Alam mo bang delikado dito lalo na't-----

"I know miss. Antapang ko di ba?" He chuckled habang yumuyugyog ang balikat. Aba ayos din ang isang to puring puri sa sarili.

"Umuwi ka na sa inyo baka makita ka pa ni Morgan." And speaking of him. Narinig kong tinatawag niya ang pangalan ko. We're dead.

"You're so cute talaga." Aba't ang loko kinurot pa ang pisngi ko.

"Anong gagawin natin? Hindi ka niya pwedeng makita." Pabulong kong sambit. Nginitian lang ako ng lalaking to. May saltik na ata.

"Addie! Addie are you there?" Palapit na ng palapit ang tinig ni Morgan at kung hindi pa kami makapagtago ay makikita na kami.

Buti na lang at kinabig agad ako ni Wallace at padapa kaming gumulong papunta sa may mga nagtataasang dahon ng halaman. Madilim at...

"Ahh----

Dahil sa gulat na sobrang lapit ng mukha niya sa akin ay muntikan nanaman akong mapasigaw. Buti at natakpan niya agad.

"Why are you always screaming? I'd prefer you to scream my name instead." Hinampas ko ang dibdib niya ng pagkalakas lakas. Ang maniac talaga. Bakit ba kasi nakarating to dito? Dito pa talaga kung saan nakatira si Morgan. Naghahanap ata talaga ng away. Susmee.

"Addie? Shit!" Kitang kita namin si Morgan dito na frustrated ang itsura. Tipong ang gulo na ng buhok kakahawak. Mura din ng mura. Asan ba ang babae nito at ako ang hinahanap? Di na lang mag-enjoy sa tabi ng babaeng kalandian niya.

Nakita niya yung nabasag na vase. "Damn." Malutong na mura ulit ang pinakawalan niya bago umalis na tarantang taranta ang itsura. What's with that guy?

Pero, teka baka nagagalit yun dahil hindi niya ako makita. Kailangan ko ng bumalik sa loob. Shit parang may mangyayaring hindi maganda.

"Look Wallace I need to go. Umuwi ka na din sa inyo." Tumayo na ako at nagpagpag ng shorts ko.

"Wait Addie. I have a favor to ask please? Just this one. Kaya ako naparito dahil I need you." Hawak hawak niya ngayon ang kamay ko at diretso ang tingin sa mga mata ko.

"O-okay b-bilisan mo ano yun? " Oh what a stupid girl why are you stuttering. Bakit ba kasi ang lapit ng mukha niya naiilang tuloy ako.

"I have this friend kasi na pinagkautangan ko. Malaking halaga yun. If dad didn't cut my cards and allowance sana nabayaran ko agad."

"Wag ka na magkwento. Sabihin mo na agad." I hissed. Feeling ko kasi nagkakagulo na sa loob.

"Will you be the model for the next week Fashion Show in school for my friend's work? I'm begging you Addie. Just this one. They need you and I need you." What? To be a model seriously? Why me? At ano yun pamalit utang ako?

Sinapak ko siya sa ulo kaya napadaing siya. Kainis kasi.

"Are you crazy? Madami diyang iba baka mapahiya lang kayo kapag ako ang isinali niyo. I need to go inside."

"Addie just this one please? Gagawin ko ang lahat ng gusto mo or libre ko na ang lunch mo this whole sem. Isusuot mo lang yung design ng kaibigan ko."

Napaisip naman ako. Okay sige gagawin mo ang lahat huh?

"Okay."

"Thank you babe." Niyakap niya ako ng napakahigpit. Randam ko ang lakas ng pintig ng puso niya at nahihiya akong napalayo dahil feeling ko mas malakas yung akin. Addie! Ano ba huwag kang ganyan.

"I need to go na. Ingat sa pag-uwi." Kumaripas na ako ng takbo papasok sa mansiyon. Nasa bungad pa lang ako ng sala ng sinalubong ako ng isang maid na halatang halata ang takot at pagkataranta sa mukha.

"M-ma'am Addie buti naman ho at narito na ho kayo. Si sir Morgan kasi kanina pa kayo pinapahanap sa amin at galit na galit ho siya kasi hindi po kayo makita."

"Manang nasaan po siya?" Lagot talaga ako nito. Ang hirap pa namang suyuin nun pag galit. Hays mukhang masisigawan nanaman ako.

"Nasa kwarto niya po ma'am. Umalis na din ang mga barkada niya dahil nagwawala na po siya kanina." Oh no this is really bad.

"Sige salamat ho." Dali dali na akong umalis at nang malapit na ako sa kwarto niya ay dahan dahan lang akong lumapit. May narinig akong kausap niya sa phone at panay ang mura niya. Mamamatay na ba ako?

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok. "M-Morgan."

Wala pa atang tatlong segundo bumukas na ang pinto at agad niya akong niyakap ng sobrang higpit.

"Where have you been huh?" Ramdam ko ang bilis ng paghinga niya.

"S-sa tabi lang. B-bakit?" Buti naman at hindi sigaw ang ibinungad niya sa akin. What's with him? Is he that worried? Hindi ko lang magets kung bakit siya ganito.

"Saang tabi yan? At hindi kita mahanap kanina? I heard something in the garden kanina kaya akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo."

Hindi ko alam na ganito pala ang reaksyon niya pag nawawala ako. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung ano ang ibig sabihin nito. Kaliwa't kanan ang babae niya. I don't understand his actions. Kaya nadadagdagan ang pag-asa ko dahil sa mga kilos niyang ganito. Tama bang umasa ako?

Don't get me wrong pero naguguluhan talaga ako kung ano ang mga pinapakita niya.

"G-galit ka ba? Sorry."

"No. Kinabahan lang ako. Tara na sa baba hindi ka pa daw kumakain." And with that akay-akay niya ang kamay ko palabas ng room niya at sinabayan niya akong kumain.

Dominant LoverWhere stories live. Discover now