Kabanata 5

2.2K 52 4
                                    


Ipinagpasalamat ko na hindi na nangulit si Morgan kagabi. Pagkatapos niyang punain yung sugat ko na hindi ko man lang naaalala. Ipinagkibit balikat lang niya at ginamot saka ako hinatid sa room ko to take some rest.

Kinabukasan naman wala akong pasok kasi Sunday. Nagstay lang ako sa bahay at gumawa ng nga reports ko at homework na walang katapusan.

Bumaba lang ako para magdinner nung tinawag ako ni Aling Aly dahil pinapatawag daw ako ni Morgan.

Pagkababa ko dalawang pares ng mata ang sumalubong sa akin. Malalim at tila naninimbang.

Umupo ako sa tapat niya at nagsandok ng kanin at ng ulam. Bawat kilos ko nakaabang siya at pinapanood ako. Ang akward tuloy. Hindi ko alam kung susubo na ba ako. Galit nanaman ba siya? Nalaman niya kaya yung totoong nangyari kagabi?

Itinaas ko ang tingin ko at sakto nga ang hinala ko. Nakatitig siya ngayon at hindi ko mabasa kung ano ang mga nasa mata niya. He's staring me emotionless. Nasa ganoong posisyon kami at nagtititigan ng may magsalita sa likod namin.

"Ma'am ay--- Ma'am Addie may naghahanap ho sa inyo sa labas." Pati ang katulong ay nagulat din sa nakita niya. Naputol lang ang titigan namin dahil doon. Taranta kong nabitawan ang hawak hawak kong kubyertos.

"Eat. I'll go first." Kung kanina walang emotion ang mababakas sa mukha niya, now he's cold and parang irritated siya. Nanlamig ako sa way ng pagkakasalita niya at kung paano siya tumitig. Tagos na tagos.

Sumubo lang ako ng dalawang kutsara dahil nawalan na ako ng gana. Masisigawan nanaman ba ako? I think he knows something last night. Parang may pandidiri pa kasi sa mukha niya. Last night okay pa naman kami. He told me a lot of jokes and stories and anong oras na din kami natapos kasi nagshare pa kami ng whereabouts namin.

Lumabas ako dahil muntik ko ng makalimutan na may naghahanap pa pala sa akin sa labas. Buti tinawag ulit ako ni Aling Aly para ipaalala.

Sino ba kaya ang bisita ko at gabing gabi na?

Bumungad sa akin si Wallace at taranta akong linapitan siya. Nandito si Morgan kaya kinabahan ako baka makita siya nito at gabi pa. Ayokong magkagulo at ayoko na...madagdagan ang galit o inis na nararamdaman ni Morgan sa akin.

Nairita tuloy ako bigla dahil nandito si Wallace. Gusto ko na sanang magpahinga dahil pagod din ako. Pero heto siya't mang iistorbo nanaman yata. Ewan ko pero first time kong ganito kairita sa kaniya. Ano nanaman kayang kailangan niya?

"Yow lady. I miss you." Aba't ang tukmol yinakap pa ako. Dahil nairita ako sa kaniya sa presensya niya at sa inaasta niya ngayon sinunggaban ko siya ng suntok sa tiyan dahilan para lumayo siya at umubo.

Hayssttt!

"Ano ba nanaman kasing ginagawa mo dito ha!? Umalis ka na. Please lang ayaw ko ng gulo." Bakas ang gulat sa mukha niya. Lumunok siya ng ilang beses habang nanlalaki ang mata.

Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako pero kita ko ang pagdaan ng takot sa mga mata niya na agad ding nawala at napalitan na ng seryosong mukha.

"Chill. I'm sorry okay? I just want to give you this." May kinuha siya sa bulsa niya. Isang maliit na box iyon na kulay puti.

Kinuha niya ang palad ko at nilagay ang box na iyon. Tinignan niya lang ako sa mata at walang kaimik-imik na umalis na siya sa harap ko.

Galit ba siya? Haysss! Di ko tuloy alam kung susundan ko pa ba siya.

Lalabas pa sana ako ng gate kaya lang narinig ko na ang malakas na pagharurot ng isang sasakyan. Naguilty tuloy ako sa pagtulak at pagsigaw sa kaniya.

Pumasok na ako sa loob at pumunta sa sala. Nadatnan ko dun si Morgan na kunot noong nanonood hawak hawak ng sobrang higpit ang remote control. May balak ata siyang sirain.

Magkasalubong ang kilay at nag-isang linya na ang labi.

Naramdaman niya ang presensya ko at bumaling sa gawi ko. Napatalon ako sa pagkabigla sa galit niyang mukha dahilan para mabitawan ko ang maliit na box na binigay ni Wallace.

Napunta ang titig niya sa hawak hawak kong kahon. He swallowed hard, clenching jaw and grinding teeth. He's ma. Kitang kita ang ugat sa leeg niya. He saw us?

Ang sexy at hot niya pala kapag umiigting ang panga. Kinurot ko ang sarili ko.

Shut up Addie! Nasa bingit ka na ng kamatayan nagawa mo pang gumanyan!

Napakurap kurap ako dahil hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya.

"I warned you already Addie. I'm tired of reminding you. I thought you've been listening to me but I'm wrong. Am I a joke to you? I'm very disappointed in you. Go on hindi na kita papakialaman magmula ngayon. Gawin mo ang lahat ng gusto mo." Parang bato akong naestatwa sa kinatatayuan ko at ni paglunok hindi ko magawa pagkatapos niyang bigkasin ang mga katagang iyon.

Gusto kong magsalita pero walang nagkusang lumabas na salita sa bibig ko. He's disappointed in me. Alam ko naman na may pagkakamali ako pero ang hirap lang kasi. Ang hirap kasi wala akong karapatan na tanungin siya kung ano ba ang totoong nararamdaman niya sa akin. Dahil kung meron then I have the reason to avoid every guy specially Wallace na kinaiinisan niya. Ang hirap kasi hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman niya sa akin at ganito na lamang siya umasta.

I can't find reason para pagbawalan niya ako. I can't find reason!

Magkaiba kami ng buhay. Marami siyang kaibigan. Ako? Naisip niya bang ni wala man lang akong kaibigan sa school? Si Wallace nga lang ang kakilala ko dun bukod sa kaniya at sa mga barkada niya.

Mahirap pakitunguhan ang mga tao at studyante sa school dahil masyado silang matapobre at matataas ang tingin sa sarili. Hindi niyo ako masisisi kung hirap din akong iwasan si Wallace dahil tanging siya lamang ang nagbibigay ng atensyon at effort para kausapin ako. He's only the friend I have.

Bawat paghakbang at pagtapak sa loob ng school ay nandiyan ang mga tingin nila na hindi ko mawari kung awa ba o inis. Galit ang karamihan sa akin dahil kina Morgan ako tumitira knowing na sikat si Morgan sa mga babae and mataas ang reputasyon ng pamilya niya. And then boom bigla na lang akong sumulpot bigla sa buhay nila na hindi naman nila kaano-ano. I'm just a stranger here.

Morgan is mad. Si Wallace baka nagtatampo rin yun. Nagkulong lang ako sa kwarto ko pagkatapos ng pag-uusap namin ni Morgan. Gusto ko siyang katukin kagabi kaya lang baka mas lalo pa siyang magalit kapag nangulit ako. He feel disgusted in me just the reflection on his eyes. Masakit yun sa akin. Ayokong dagdagan pa.

Naglalakad ako sa hallway ngayon ng building ng mga Business Ad. No choice kasi talagang lagi kong nadadaanan ito para makapunta ako sa building namin.

At dahil ito ang building nina Morgan kabado ako baka makasalubong o makita ko siya dito. Napaparanoid na yata ako. Syempre may klase yun.

Speaking of him he's walking towards my direction and hindi lang siya. He's with a girl and they are whispering something na siyang nagpangiti sa babae na halatang kilig na kilig.

The girl looked at me with a glimpse but Morgan just passed me na para akong hangin.

Dominant LoverWhere stories live. Discover now