Kabanata 22

712 22 0
                                    


Sabay kaming nagdidinner ni Morgan ngayon. Pagkauwi ko ay agad akong dumiretso ng kwarto at nagpalit baka kasi magtaka siya.

Kakausapin ko rin siya siguro kapag may oras about kay Sean.

"How's school?"

"Fine."

Mukhang pagod siya sa school. Mukhang masama ang timpla. Tahimik lang din siya kanina pagkapasok ko.

"May problema ba?"

Binitawan niya ang mga kobyertos sa kamay niya. Humalikipkip at matamang tumingin sa akin. He's freaking serious. Should I be scared?

The way he look at me, it looks like I have done something wrong. Umiling-iling siya then nagpatuloy na kumain.

"Morgan is everything okay?" Tanong ko dahil hindi ako mapakali. Tinignan niya lang ako saka umalis na sa hapag.

Okay what's wrong? May nasabi ba akong mali? Goodness ano bang problema nanaman niya?

Hindi kaya?

Binilisan ko ang pagkain saka ako sumunod sa taas. Kumatok ako sa kwarto niya. Walang nagsasalita. Binuksan ko ang pinto at buti na lang hindi ito sarado.

"Morgan?" Mahina kong tawag pagkapasok ko.

Wala ba siya dito? Walang sumasagot.

"Damn it! Okay...yeah just continue what I've said to you. Update me. Yes... Okay."

May narinig akong boses at galing yun sa veranda. Sumilip ako at hindi nga ako nagkamali. Hawak niya ang phone. Agad ding pinatay ang tawag. Napasabunot siya sa buhok niya, he look so frustrated.

Papasok na sana siya pero nagulat siya ng makita ako. Isang malungkot na tingin ang ipinukol niya sa akin na agad ding naglaho. Nakita ko kung paano kumuyom ang kamao niya.

"What are you doing here? I want to be alone. Please leave."

Nilagpasan niya ako at tuloy tuloy na pumasok sa loob. After that pumasok siya sa banyo. Narinig ko na lang ang agos ng tubig na nanggagaling sa shower.

Okay I'll just wait for him. I want us to talk. Mukhang may problema siya. Kasali ba ako dun? Ako nanaman ba ang problem niya?

Should I tell him about Sean now? Kanina pa ako nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba sa kaniya. But it looks like he's not in the mood right now. Bukas na lang siguro.

Napatingin ako sa wall clock and it's already 10 pm. But I need to talk with Morgan first.

After 20 minutes lumabas na din siya half naked. Ang baba lang ang natatakpan. Oh eyes here we go again.

Napaiwas ako ng tingin. Linagpasan niya lang ako at pumunta sa walk in closet niya. He's wearing a v-neck white shirt and a pair of gray short. Well he look so hot. And I can smell his after shave scent.

"I'm tired. I'm going to sleep now. Just lock the door and turn off the lights when you leave." He turned his cold eyes on me bago sumalampak sa kama niya. He's facing the other side kaya nakatalikod siya sa gawi ko.

Umupo ako sa kama niya.

Ilang minuto pa ang lumipas. Maybe he's just tired. I'm being paranoid again.

Hindi ako makakatulog kapag ganito nanaman siya. Feeling ko sobrang dami kong pagkukulang as a girlfriend. Sobrang dami ko ding kasalanan and I'm guilty. Marami akong bagay na hindi sinasabi sa kaniya. Like with Wallace and now si Sean. Baka malaman niya ang totoo at natatakot ako. Alam kong ayaw niyang lumalapit ako sa mga lalaki I can't blame him. Ganyan ang mga lalaki they are possessive with their girls. 

Dominant LoverWhere stories live. Discover now