Kabanata 26

737 16 0
                                    


"Morgan?"

"What are you doing here Van?" Van pala ang pangalan niya. Nice name, sasakyan.

"Insan! Hindi mo ako namiss?" Tatawa-tawang sagot niya. Tumayo siya at umakbay kay Morgan. Magkakilala pala sila.

Nandidilim pa rin ang mga tingin ni Morgan. Mukhang masama nanaman ang timpla. Oh well kasalanan yan ni Van. Basta wala akong kasalanan. Siya ang lumapit.

Sana nga bugbugin niya yan. Naiinis na talaga ako sa isang yan. Makapal masiyado ang mukha. Napakaarogante.

"I want to hit you right now. You know that?" Mariing sabi niya sa asungot na 'to.

Napabitaw siya kay Morgan. Napangiti ako, ano ka ngayon? Wala akong pake kung isako pa siya. Arogante!

"Insan naman. Ngayon lang ulit tayo nagkita. Tapos susuntukin mo ako? Gandang bungad."

"I'm serious Van. Kaya kung gusto mo pang mag-asawa at magkaanak lumayo layo ka sa babaeng ito." Tinuro niya ako. Sabay irap sa akin. Bumaling siya kay Van na prente lang na nasalampak ang mga kamay sa bulsa.Yabang talaga.

"This stupid girl? Bakit sino ba to? One of your bed warmer? Fling?" Tinapunan ako ng isang nakakakilabot na ngisi ni Van. Kumagat pa siya sa labi niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Aba bastos to ah manyak! Kala mo asong ulol na naglalaway.

"Van! Shut that fvcking mouth of yours before I crack your neck. Right here, right now." Punong puno ng diin na sabi ni Morgan. Hinigit niya ako sa pagkakaupo at isiniksik sa tabi niya.

Nakakakuha na din kami ng atensyon dahil nasa bungad na bungad ang pwesto namin. Napapatingin ang mga pumapasok sa cafeteria. Nagkalat na naman ang mga bulungan na wala namang silbi. Mga tao talaga hindi na maalis ang pagiging usisera.

"Don't say words that you might regret after. I'm serious here. Don't ever talk that way to her. Never touch my girl." Inakay na niya ako paalis. Pero lumingon pa ako para asarin ang mukha niyang nanlalaki ang mata. Sarap dukutin. Nilabas ko ang dila ko saka ko siya inirapan. Napaismid naman ang loko. 

Pero maiba lang ha. Pinsan ba niya talaga yun? Bakit kung makapag-usap sila parang hindi. May hidwaan ba sa pagitan nila? O sadyang malakas lang ang topak nila?

"Ikaw naman babae bakit ka nakikipag-usap sa Van na yun?" Tumingin ako sa kaniya. Heto nanaman po tayo.

"Siya ang nauna. Akala mo kung sinong mayabang. Napakaarogante ng impakto mong pinsan. Sana sinuntok mo na. Kanina pa ako nagpipigil sa talas ng bibig niya." Singhal ko. Napairap ako sa kawalan ng maalala ko nanaman ang mga salitang binitiwan ng lalaking yun sa akin.

"Oh good to hear that."

"So mauna na ako Morgan baka malate pa ako. See ya later."

"Here. Kainin mo muna to."

Ibinigay niya sa akin ang isang milk tea at sandwich. Nagpasalamat ako bago umalis at dumiretso sa klase ko.

Wala namang bago. Puro report at quizzes lang ang naging flow ng klase. Hanggang alas otso ako ngayon ng gabi. Maaga ang uwi ni Gian kumpara sa akin. Mga alas sais tapos na yun.

Pagkauwi ko sa bahay ay nadatnan ko si Morgan kasama ang mga barkada niya. Si Daniel ang sumundo sa akin sa school.

Syempre hindi mawawala ang inuman. Nagpasalamat na lang ako at wala silang dala na mga babae ngayon. Himala.

"Addie, halika kwentuhan tayo." Si Ford agad ang nakapansin sa akin kaya sinuklian ko na lang siya ng ngiti.

"Ad tara shot?" Napailing na lang ako kay Caliber na mukhang malakas na ang tama. Ngigisi-ngisi na habang tumatagay.

Dominant LoverNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ