Kabanata 29

676 18 0
                                    


Natapos ang gabi na hindi pa rin kami nagkakaayos ni Morgan. Nagwalk out na siya pagkatapos niya akong pagsabihan kagabi.

Pinagising niya lang ako kay Aling Nena dahil aalis kami ngayon. Yung pinangako ni Rhys na one week vacation sa Hawaii. Dahil tulala lang ako buong magdamag ay hindi ko naayos ang mga gamit na dadalhin ko. Kaya ngayon madaling-madali ako sa pag eempake. Kung ano ang mahablot ko iyon na lang.

Nasa labas na kasi silang lahat at ako na lang ang inaantay. Nang handa na ako ay bumaba na ako. Saktong kumakain palang sila ng breakfast.

"Yo Addie tara kain!" Anyaya ni Kristoff ginantihan ko lang siya ng ngiti.

"Good morning Addie." It's Rain wearing his famous smirk again.

"Ad halika kainin kita ahh--aray ano ba!" Eto nanaman tayo sa lalaking to. Napahinto tuloy ako sa pag-upo.

"Putcha pre! Morgan ikaw na bahala dito." Asik ni Paul.

"Bilisan niyo." Sabi ni Morgan na hindi man lang ako sinulyapan. Galit siya, well galit din ako. Pero I'll try na makisama dahil nakakahiya sa mga kasama namin.

"Nagkamali lang ako ng sinabi. Subuan kita yun. Ito kasing si Ford kanina pa ako sinusundot sundot mangungutang nanaman yata ang gago. Talo ata sa sugal." Pagpapaliwanag ni Caliber na nakasimangot na.

Umupo na rin ako sa hapag at kumain ng konti. Kumpleto ang lahat. Si Sean nandito rin na kanina pa nangingiti sa akin. May iba sa kaniya. Maaliwalas ang mukha niya, siguro in love na ito sa babae.

"Ford iyong brief ko akin na nga iyan! Putek akin na sabi!"

Papunta na kaming airport pero heto at napakagulo nila sa loob ng sasakyan. Bale siyam kami na nasa loob ng van ngayon. May mga kasama raw kami pero sa airport na lang daw magkikita kita ang lahat. Mga babae siguro nila ang mga nandoon. Well boys will always be boys. Hindi nawawala ang babae.

"Pautangin mo na muna kasi ako. Babayaran ko rin naman. Si Mom kasi di ako binigyan ng allowance for this week."

"So kasalanan ko? Ayan sugal pa. Sinasabi ko sa'yo Ford magbagong buhay ka na. Alam mo namang nag-iiba na ang mundo. Nagkalat na diyan ang kasamaan. Hindi na natin alam kung bukas dadatnan pa ba tayong buhay o payapang naglalakad sa daan. Mamaya may bigla..." Nangangaral na si Caliber na ewan ko ba kung saan-saan na napunta. Taliwas na yata. Salita lang siya ng salita. Ewan ko kung may nakikinig. Biglang tumahimik ang loob ng van at siya nagpatuloy pa rin sa pagsasalita.

"Wooh Amen." Sabay-sabay na sambit nilang lahat pagkatapos ng mahaba niyang litantya.

Tapos naghagalpakan na ulit ng tawa. Pati ako nangiti na rin sa mga kalokohan nila. Sobrang ingay nila sa totoo lang.

"Hay bahala na nga kayo sa buhay niyo! Ang mahalaga ako pa rin ang pinakagwapo sa inyo." Dugtong pa ni Caliber saka ako nginitian ng pagkalawak-lawak. Iba rin level ng confidence nito.

Tahimik lang si Morgan sa harap katabi ng driver. Hindi siya nakitabi sa akin. Pero okay na rin iyong ganoon para walang ilangan. Hindi ko pa rin kasi alam kung paano ko ulit siya kakausapin. Ang mahalaga ngayon magrelax muna saka na ang mga problema.

Pagkarating namin sa airport sinalubong na kami ng mga babae. Nasa walo ang bilang nila. Malagkit ang tingin ng isa kay Morgan kaya napairap ako. Pinanood ko ang bawat kilos niya. Unti-unti niyang hinawakan ang braso ni Morgan na ngayon ay nakangiti na. Wow lang! Magsama kayong malalandi.

Nakipagkamustahan rin ako sa mga babaeng makakasama namin. Mababait naman sila kaya hindi ako nahiyang makipag-usap kanina. Except sa babaeng nakalingkis ngayon kay Morgan na hanggang ngayon ay nagpapabebe sa harap niya. Mukhang tuwang-tuwa sa mga sinasabi ng babae.

Dominant LoverWhere stories live. Discover now