Kabanata 32

787 19 0
                                    

Bumalik agad ako ng hotel dahil baka hanapin ako ni Morgan. Naglalakad ako ng makasalubong ko si Wallace. Anong ginagawa niya dito?

Hindi niya ako napansin dahil may kausap siyang lalaki. Tatawagin ko sana kaya lang, nag-aalangan ako. Baka makita pa kami ni Morgan. That's the least thing that I want to happen.

Bakit siya nandito? Coincidence lang? Maybe May business siyang inaatupag rito.

Nag-ring ang phone ko kaya agad ko iyong sinagot. Si Sean ang tumatawag.

"Oh panget bakit?"

"Punta kang hotel bilisan mo."

"Bakit?"

"Basta bilisan mo." Masungit niyang sabi saka ako binabaan ng phone. Luh? Attitude ka sis?

Mas binilisan ko ang paglalakad hanggang sa makarating akong lobby ng hotel.

"Hoy Addie bakit antagal mo? Saan ka nanaman nagsusuot?" Bungad sa akin ni Caliber at saka ako inakbayan. Anong meron?

"Bakit? Anong ganap?"

"Inom tayo. May bonfire sa labas ikaw na lang inaantay namin."

"Si Morgan?"

"Nasa labas na silang lahat. Pogi ko talaga Addie di ba?"Iiling-iling niyang sabi saka ako inakay palabas. Mahangin talaga 'to. Angat na angat ang sariling bangko.

May hawak-hawak siyang gitara sa kanang kamay. Mga tatlong minuto kaming naglakad bago kami makarating kung saan sila nagsindi ng bonfire. Nakabilog na silang lahat at busy na sa pagkukuwentuhan.

"Yow everybody! Let's get started!" Sigaw ni Caliber at hinila na ako palapit sa bonfire. Masaya ang lahat. Saktong tumungga ng alak si Morgan ng makaupo ako sa tabi niya.

Hinaplos niya ang pisngi ko saka ako hinila palapit sa kaniya. Hinalikan niya ang noo ko bago siya ulit uminom. Tinampal ko agad ang kamay niya. Baka masobrahan nanaman 'to. Pulang-pula na ang mata.

"Easy baby." Halakhak niya ng irapan ko siya.

Actually kanya-kanya na silang babae. Napapailing na lang ako kay Devie dahil hay Caliber pa siya napunta. Mukhang nag-eenjoy naman ang lahat. Dapat lang dahil maganda ang view at matagal ang biyahe namin makarating lang dito.

Ang nakakairita lang ay ang babaeng katabi ni Morgan sa kaliwa niya. Siya iyong kalandian niya nung isang araw na kung makakapit ayaw ng bumitaw pa. Inirapan ako nito ng hawakan ni Morgan ang kamay ko. Inggitera.

"Guys! Laro tayo. Truth or dare. Para May twist ang laro ganito ang mechanics. Wala nang truth, dare na lahat. At kapag hindi nagawa alam niyo na. Dalawang baso ang iinumin." Pahayag ni Rain saka iniwagayway ang isang litrong hindi ko alam kung anong laman. "Pinaghalong suka, toyo, paminta, bawang, sibuyas, ketchup at sili ang laman nito kaya goodluck na lang! Wuhoooo!"

"So let's begin!"

"Ampangit naman niyan!" Reklamo ni Ford. Sinamaan siya ng tingin ni Rain.

"Tinawag mo pang truth or dare kung wala naman palang truth bobo talaga neto." Kakamot ulong bulong ni Paul sa tabi ko.

"Mas pangit ka kamo! Ano bakit may isusuggest ka ba?" Hamon nito at lumapit kay Ford.

"Wala! Sige simulan mo na." Naiiling na sabi ni Ford at tumungga sa baso.

Nagsimula ng ipaikot ang bote kaya ang mga mata namin ay nakatutok dito. Nag-aabang kung sino ang tatapatan. Huwag ako please.

Naghiyawan ang lahat ng tumigil ito sa harap ni Morgan at ang nasa pwet ng bote ay na kay Caliber. Napapalakpak si Caliber at ngiting-ngiti kay Morgan na prente lang naman na nakaupo. Relax na relax ang loko.

Dominant LoverWhere stories live. Discover now