Kabanata 38

920 20 0
                                    


Pagkauwi namin ng Pilipinas agad na akong nag-impake. Sean and Rain helped me. Morgan's pleading to me pero hindi pwedeng mag-stay pa ako. Nakapag-decide na ako na aalis. He's not even honest with me. He can't open up to me kung ano ang mga tumatakbo sa isip niya, kung ano ang plano niya. Lagi rin nakabuntot sa kanya si Zoey.

Dahil malapit na din mag-end ang finals ay magsstay muna ako dito saglit before transferring. 

"Addie are you sure okay ka dito? Looks like maraming daga at ipis kapag gabi? Don't you think so Sean?" Natawa ako sa sinabi ni Rain na parang diring-diri.

"Kita mong ang ayos-ayos ng kwarto at malawak. Gusto mo lang tumira sa bahay niyo si Faye eh! Ikaw ah?"

"Di ah! Sinasabi ko lang." Depensa naman ni Rain na kakamot-kamot sa ulo.

"Nakasampong ulit ka na sa ipis at daga. Isa pa sinasabi ko sa'yo." Pagsusungit ni Sean na busy sa panonood ng tv.

Naghanap ako ng studio type na pwedeng matirhan, pero dahil may ari sila Sean ng isang building ay dito na ako sa isang apartment nila. Maganda at maayos dito. Sabi niya siya na daw bahala, so sino ba naman ako para tumanggi. Isa pa naisip kong wala rin akong pera na pambayad. Babayaran ko na lang kapag nagkapera na ako.

"Oo na! Addie okay ka na dito ah? I need to leave, may klase pa ako ng 2pm. Sean bro may klase ka pa diba? Cutting ka nanaman. Bye Addie."

"Ingat Rain. Salamat."

"Oyy Sean may klase ka pa pala eh. Lumayas ka na at magpapahinga rin muna ako."

"Dito muna ako di ako mag-iingay promise."

Pumasok na ako ng kwarto at humiga sa kama. Dinalaw agad ako ng antok. Nagising na lang ako ng marinig ko ang sagutan sa labas.

"Morgan umalis ka na! Wala ka bang konsensya? Ginago nyo si Addie! Tanga ka ba? Sa tingin mo babalik pa siya sa gagong katulad mo?" Shit! It's Morgan. Ano pa bang ginagawa niya dito?

Lumabas ako ng kwarto.

"A-Addie... Addie please talk to me."

"Sean isara mo na ang pinto."

Nagpunta akong kusina at uminom ng tubig. Muntik ko ng mabitawan ang baso dahil nanginginig ang kamay ko. Namiss ko siya. Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero ayaw kong maging selfish. Nasaktan ako at ayaw kong pahirapan pa ng husto ang sarili ko. Hindi ito ang panahon para maging marupok.

"Addie hihintayin kita! Nandito lang ako sa labas!" Rinig ko pang sigaw ni Morgan bago isinara ni Sean ang pinto.

"Tanginang gago yun." Sean whispered na hindi nakatakas sa pandinig ko. Nagpapasalamat ako na nandito siya sa tabi ko ngayon, dalawa sila ni Rain. I know how sincere they are for me.

Caliber, Kristoff and the rest of them tried to talk to me pero umiwas ako. Ayaw ko ring nadadamay sila sa away namin pero masakit pa din na pinagkaisahan nila ako. Ni isa walang nagsabi, walang nakonsensya sa pinaggagawa nila.

Kinabukasan pumasok ako kasabay si Rain. Siya ang madalas na kasama ko papunta at pauwi dahil si Sean may work sa company nila minsan at madalas na ipatawag ito. Ayaw ko rin ng sitwasyon na naidulot namin ni Morgan. Nahati ang barkada dahil sakin. Hindi na sumasama si Sean at Rain kina Caliber.

"Addie sabay tayong mag-lunch later. See ya!"

Ngumiti lang ako and waved my goodbye to him. Dumiretso muna akong canteen para bumili ng sandwich. Di na ako nakapagluto kanina ng breakfast ko kasi puyat ako kagabi sa paggawa ng powerpoint ko dahil may reporting kami later.

"Bro yung crush mo. Balita ko wala na sila ni Morgan. Baka may pag-asa ka na." May narinig akong bulungan sa likod ko pero binalewala ko lang, baka ibang tao ang tinutukoy. I am a nobody here.

Dominant LoverWhere stories live. Discover now