Kabanata 2

3K 54 3
                                    


Naglalakad ako ngayon papuntang cafeteria ng school. Kanina pa ako gutom na gutom hindi na kasi ako nakapag almusal kanina dahil late na ako para sa una kong klase. Lunch na.

Nag-order ako ng rice, chicken adobo at pineapple juice. Pumwesto ako sa may gilid sa hindi gaanong pansin ng tao. Sinimulan ko ng kumain dahil kanina pa nagwawala ang tiyan ko. Kumain na kaya si Morgan?

Speaking of him. Kakapasok lang nila kasama ang apat niyang kaibigan with three girls beside them. Hindi ko alam kung girlfriends nila ang tatlo but with the looks of Morgan's friends halata namang hindi sila nagseseryoso. I think mga flings lang nila. Hindi uso sa kanila ang salitang seryoso pagdating sa mga babae.

Pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang kahawak kamay ni Morgan. Alon alon na buhok, balingkinitang katawan, matangkad at maputi rin short maganda. Nanikip ang dibdib ko lalo na nung hapitin niya ang bewang ng babae upang mas maging malapit sila saka siya may ibinulong.

Nakita ko ang pagsulyap ni Rhys dito sa gawi ko, one of Morgan's friend. Isang makahulugang ngiti ang binigay niya sa akin bago humarap sa mga kasama niya. What's with him?

Bago ako umalis sinulyapan ko pa ang pwesto nila Morgan pero wala na siya dun. Dumiretso na ako sa may pintuan ng makabili ako ng bottled water. May nakabunggo akong isang lalaki. Agad-agad naman akong humingi ng paumanhin.

"I'm sorry. "

"Addie? Is that you?"

Hinarap ko ng diretso ang lalaki at saka tinitigan. Isang pamilyar na tao ang nakita ko.

"Drake! "

Nabigla na lang ako ng niyakap niya ako ng sobrang higpit na halos kapusin na ako ng hininga. Baklang to! Balak ba niya akong patayin?

Hindi ako makapaniwala dito rin pala nag-aaral ang baklang to. Yes, bakla siya sa totoo lang pero hindi mapaghahalataan dahil sa ayos at porma niya. Damit panlalaki pa rin at boses lalaki. Crush ko to dati pero ng malaman kong bakla siya, siya na ang nagsabi na hindi kami talo. Infairness mas lalong nagmature ang pangangatawan niya. Sayang talaga ang baklang to.

"I miss you so much. Payakap pa ng isa---"

Pero bago pa niya ako mayakap ulit, isang matipunong katawan na ang humarang sa pagitan namin. Natulala si Drake.

Paglingon ko si Morgan.

"Oh Morgan may kailangan ka?" Sabay sulyap ko sa table nila kanina na pinapanood na pala kami. Nahiya ako kaya napaiwas ako ng tingin. Ngiting-ngiti nanaman si Rhys.

"Nothing. It's just... " Ginulo niya ang buhok niya ta saka bored na tinitigan ako.

"What?"

"You. " Tipid niyang sabi.

Humarap siya kay Drake na kanina pa nakanganga. Huwag niyang sabihin na dahil ito kay Morgan.

"You." Duro niya kay Drake.

"Me? " May pakislap pa ng mata ang baklang to.

"Yes, you sino pa ba?" Iritableng tinignan niya si Drake na ngayon ay nangingislap ang mata.

"Why?" Tumigas ang boses ni Drake na kani kanina lang nagiging malambot na.

"Will you please leave and just go with your way will you?"

Huh? Ano nanaman bang nakain nito at kung ano ano nanaman ang pinagsasabi? Bigla bigla na lang sumusulpot. Bakit kaya di na lang siya nag stay sa babae niya diba?

"Morgan, he's my friend ano ba? Nagkakamustahan lang kami. It's been a long time since nagkita kami. "

"I don't care. Just stay away from boys. No talks. No hugs."

And with that umalis na siya at bumalik sa table nila. Tinapik ni Rhys ang balikat nito sabay tawa nila sa kaniya. Nag-apiran ang mga kaibigan niya samantalang siya bugnot na bignot. Yung babaeng katabi niya kanina ang sama na ng tingin sakin. Problema ng mga to? Umalis na ako doon matapos kong humingi ng paumanhin kay Drake dahil sa nangyari.

Bumalik na ako sa panghuli kong klase. I'm a BS Psychology major. Si Morgan ay sa Business Ad. He's in 3rd year while 2nd year pa lang ako.

Palabas na ako ng gate ng makasalubong ko si Wallace. Nakaangat ang sulok ng labi nito na akala mo nasa isang action movie. Ngiting-ngiti na nakapamulsang sinalubong ako.

"Addie how are you? Pauwi ka na ba?"

Iniwasan ko na kasi siya nung sinabi ni Morgan dahil ayaw niya akong palapitin sa kaniya.

Namiss ko rin ang presensya niya sa totoo lang. Ang nag-iisang kaibigan ko sa buong campus. Kaya naiinis ako kay Morgan dahil sa mga kinikilos niya. He's selfish.

"Okay lang naman. Ikaw mas lalo ka yatang... " Pumogi sana ang idudugtong ko kaya lang baka masobrahan nanaman ito sa yabang. Ibang-iba kasi ang itsura at dating niya ngayon. Naka clean cut at bagong shave. Hindi gaya nung nakaraang linggo na halatang halata ang mga tumutubong balbas at gulo gulo ang buhok na mahaba.

Masasabi kong nagmukha siyang inosente at kagalang galang ngayon. Hindi na nagmumukhang gangster sa kanto.

"Laway mo tumutulo. Gwapo ko no?." Sabi niya sabay kindat at akbay sa akin.

May kung ano akong naramdaman sa haplos ng mga palad niya sa balikat ko kaya agad akong lumayo at tumalikod sa kaniya. Feeling ko namumula ako.

"Hey, are you okay? Oh bat namumula ka ata?"

Argh! Ngayon humahalakhak na siya. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao. Kilala pa naman sa buong campus ito. Sa status ng buhay nila at sa mukha nito na kinababaliwan ng mga babae sinong hindi makakakilala lalo na at anak siya ng gobernador dito sa amin diba?

"Uwi na ako. Bahala ka nga diyan." Dali-dali na akong naglakad palabas at sakto namang nandun na naghihintay si Morgan sa labas ng gate. Masamang nakatingin sa akin ngayon habang nakasandal sa harap ng sasakyan na akala mo nasa photoshoot. May nasulyapan pa akong grupo ng mga babae na pasimpleng kinukunan siya ng larawan.

"What took you so long miss?"
Kinabahan ako bigla at napalingon ako baka kasi mamaya sumunod sa akin si Wallace. Ayokong magkagulo nanaman.

"S-sorry nagcr pa kasi ako." Sumulyap ulit ako sa likod dahil kabado akong malaman niya na nagkausap kami ni Wallace. Baka magpakita na lang ito kung saan.

"Oh sinong hinahanap mo? Wallace again?" Naghumerantado agad ang puso ko at kanina ko pa pinipisil ang likod ng kamay ko dahil sa kaba.

"H-hindi. Akala ko kasi nakita ko si Kate."

"Oh is that so? So ano to ngayon?"

Don't tell me...

Pinakita niya ang phone niya na may larawan kami ni Wallace na magkausap at saktong nakangiti pa kaming dalawa. How come? Pinapasundan ba niya ako?

"Mukhang namiss niyo ang isa't isa. You look so happy in this photo." Ito na nga ba ang ayaw kong mangyari.

"H-hindi sa ganun nagkasalubong lang kami----

"Really? Addie nakalimutan mo na agad yung sinabi ko sa'yo?"

"Hindi naman kasi sa ganun Morgan. He's my only friend here! Normal lang na kausapin ko siya and I don't want to be rude."

"Rude? This is my last warning sweetie. Dont. Talk. To. That. Guy. Ever. Again." Talagang may diin bawat word.

"O-okay I'm s-sorry pero hindi naman kasi yata maka-------

At bago pa ako makapag-explain tinalikuran na niya ako at pumasok sa loob ng sasakyan.

Ugh! Nakakainis!

Dominant LoverWhere stories live. Discover now