SIMULA

5.5K 98 0
                                    


Makulimlim ang kalangitan, nagbabadya ang isang malakas na ulan. Hawak hawak ko ang malaki kong bag na puno ng damit at mga gamit ko.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang alam ko lang ay gusto kong magpakalayo layo. I hate them! Paanong nagawa nila sa akin ito?

Ako ang tunay na anak pero ako ang pinalayas. Ang malditang Hannah ang kinampihan nila higit kaysa sa akin na sarili nilang anak at kadugo. Nagbago ang lahat nang dumating ang Hannah na iyon.

We are living happily but she ruined it!

Isang tinig ang pumukaw sa pandinig ko.

"Addie!"

Mas binilisan ko ang paglalakad. Tinatahak ko ngayon ang madilim na gubat sa likod ng bahay namin. Wala na akong pakialam kung anong kahinatnan ng paglalayas ko. Ang mahalaga ay makaalis na ako sa bahay na iyon.

Things are getting worst and worst.

Patuloy pa rin ang tumatawag sa pangalan ko. It's Vincent, my fiancé. Wala namang pagmamahalan ang nabuo sa amin dahil para sa business lang naman ang lahat. Ang Hannah na iyon ang kanilang ipakasal kung gusto nila!

Mas binilisan ko ang paglalakad ko hanggang sa naging takbo na ito. Nagsimula nang umulan kaya nahirapan na ako sa daan. Lalo na at masukal.

Sobrang dilim at basang basa na ako. Hawak ko ang aking phone para mailawan ang dinadaan ko. Nilalamig na din ako dulot ng ulan at hangin. Magdadalawang oras na simula nang maglakad ako at sobrang sakit na ng paa ko.

Hindi ko alam kung nasaan na ako pero isang daing ang narinig ko na humihingi ng tulong kung saan.

Nakaramdam ako ng takot. Matatayog na puno na ang nakikita ko sa tulong ng liwanag na nanggagaling sa isang sasakyan. Humina na rin sa wakas ang ulan.

Teka...

Dahan dahan akong humakbang patungo sa sasakyan kung saan may humihingi ng tulong.

Nang medyo malapit lapit na ako saka ko lang nakumpirma na nabangga nga ang isang sasakyan sa isang puno. Dali-dali dali akong lumapit.

Tumambad sa akin ang sasakyan na wasak ang harapan at basag na basag ang salamin nito. Sinilip ko ang loob at isang lalaki ang nakita ko. Duguan at pikit na ang mga mata.

Napasigaw ako sa pagkabigla. Anong gagawin ko? Paano kung mamatay ito?

Nagsimulang manginig ang mga kamay ko. Imposibleng may mahihingan kami ng tulong dahil walang mga kabahayan rito. Ngunit malapit na ata ito sa highway. Pero umuulan pa rin at madilim na. Mahihirapan akong humingi ng tulong lalo na at hindi ako pamilyar sa lugar na ito.

"Kuya..."

Tinatapik tapik ko ang pisngi ng lalaki baka sakaling buhay pa ito. Pero tanging ungol lang ang narinig ko.

Ano nang gagawin ko? Paano na?

Narinig kong may nagriring na phone. Sigurado akong hindi ko phone yun dahil iba naman ang ringtone ko. Ang weird ng ringtone ha?

"H-help..."

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan para makuha ang cellphone niya sakaling importante ito at makatulong para mailigtas ang lalaking ito.

Agad agad kong sinagot ang tawag. Muntikan ko pang mabitawan dahil sa panginginig ng kamay ko.

"Morgan! Where are you anak? I'm worried!"

"H-hello po?"

Mukhang nagkakagulo sa kabilang linya dahil may naririnig akong nagtatalo.

"Who's this? And where's Morgan?" Pahisterikal na sagot ng nasa kabilang linya na sa tingin ko ay mama niya?  W-wait...

"S-sino po sila?"

Ay boplaks! Pagtingin ko sa caller ID Mom ang nakalagay. Malamang mama niya.

"Kayo po ba ang mama niya? Naaksidente po kasi siya."

"What? Yes! Where? How? Oh Jesus! Tell me the location."

Mas lalo pang lumakas ang mga ingay sa kabilang linya.

"H-hindi ko po alam kung saan banda po ito eh."

Nag-aalangang tugon ko. Sobrang layo na nito at mukhang liblib ang lugar.

"Okay we'll just trace your location."

At naputol na ang tawag. Sinulyapan ko ang lalaking kaawa-awa ang itsura. Natatakot ako baka mamaya malagutan pa ito ng hininga.

Ibinalik ko ang phone niya sa bulsa ng jacket niya na pinagkuhanan ko kanina. Aalisin ko na sana ang kamay ko ng hawakan niya ito ng mahigpit.

Nanigas ako sa biglang paghawak niya. Ang init ng kanyang kamay

At dahil sa pangyayaring yun nagbago ang buhay ko. That night is the start of my new life, where my lovestory blooms.

Dominant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon