Kabanata 40

1K 21 2
                                    


"Uuwi ako!" Hinigpitan ko ang hawak ko sa bag. Bumalik yung mga nangyari sa isip ko. Ang sakit ng lalamunan ko. Ayokong umiyak. Pigil-pigil ko ang luha ko. Then suddenly Zoey's voice keep playing in my head.

"Uuwi ako!" I was also surprised for screaming. Biglang napapreno si Morgan at itinabi muna sa gilid ang sasakyan.

"What's wrong? Nanginginig ka. May masakit ba sa'yo?" He leaned closer to me at kinapa ang noo ko. Namamawis na ako kahit ang lakas ng ac sa loob ng sasakyan niya.

"Addie, hey look at me." He held both of my hands pero iwinaksi ko yun. I tried to calm myself. Nang maging okay na ang pakiramdam ko ay binuksan ko ang sasakyan niya. Hindi ko siya inimikan.

Ganun lang ba sa tingin niya yun? You know why I reacted that way? Kasi nakita ko kanina yung lockscreen ng phone niya and that's him and Zoey. Kasi naguguluhan na ako! Kahit gusto ko siyang pakinggan, sarili ko na mismo ang umaayaw. Ayaw kong maloko ulit.

Paano kung naguilty lang siya dahil sa panloloko niya? Paano kung pagkatapos ko siyang patawarin babalik na uli sa dati na parang walang nagyari, at aasa nanaman ako ulit. Paano kung nagso-sorry lang siya to lessen the guilt for what he did to me? What if...tangina pagod na ang isip ko. Simula nung umalis ako sa bahay nila gabi-gabi akong umiiyak. Hindi ko halos magawa ng maayos ang mga homeworks ko.

Ngayong medyo umaayos na ako saka naman uli niya ginugulo ang isip ko. Oo mahal ko pa din siya pero takot na akong sumugal. Naloko na niya ako ng minsan, paano kung maulit?

Nagsimula na akong maglakad kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Madalim ang paligid, mahangin at tahimik. Ang ganda ng buwan, I smiled because seeing it's beauty somehow calm me. Tumingala ako para pigilan ang pabuhos ko ng luha.

Then suddenly nadapa ako. Napangiwi ako sa hapdi. Yung kaninang pinipigilan kong luha tumulo na. "Addie naman wag kasi tanga." Bulong ko sa sarili ko habang sumisinghot.

"Baby please balik na tayo sa kotse. It's not safe here." Tinulungan niya akong tumayo pero hinawi ko lang ang kamay niya.

Humakbang ako palayo kahit masakit ang paa ko sa pagkakadapa. Tuloy pa din ang pag-agos ng luha ko.

"Addie talk to me."

"Ikaw ang mahal ko."

Naglalakad lang ako habang sumusunod siya.

"M-morgan please h-hayaan mo muna ako." My voice cracked.

"Pero kailangan kita Addie. Please? Samahan mo naman ako kahit ngayon lang." He pleaded. Pero umiwas lang ako ng tingin. "I badly need you." Halos di ko na marinig dahil parang kahit siya pagod na din.

Hinila niya ako payakap sa kaniya saka ikinulong sa bisig niya. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Taas baba din ang balikat niya. "Okay, I'll give you space if that's what you want. Hushh now I'm sorry. I love you." Pinatakan niya ng halik ang noo ko bago niya ako iginaya sa sasakyan niya. He drive me home.

Bago ako bumaba ng sasakyan yan ay pinaharap niya ako sa kaniya.

"I know I'm a jerk for fooling you, but believe me Addie I fell in love with you. I just confused since matagal ko ding minahal si Zoey. She's my world back then. Ginawa ko ang lahat para layuan mo si Wallace kasi parang gusto kong pumatay kapag may iba kang kasamang lalaki. I'm selfish when it comes to you. I'm so sorry for everything. Sorry kung ganun ako kababaw. Kung gusto mong makipagkita kay Wallace I will let you even if it is killing me inside. Hindi na kita pagbabawalan. You are free Addie to decide on what makes you feel peace. Sana mapatawad mo ako. Always remember that I love you more than anything else. Please be happy."

"Morgan..."

"Shhhh it's okay. I'm fine. Kung ano man ang desisyon mo rerespetuhin ko yun. If you like Rain or Wallace instead of me? Go on." He brushed his tears away and laughed. "I know they care for you. So I don't see anything wrong para pigilan sila. Malay mo isa pala sa kanila ang makatuluyan mo at papakasalan mo?" Mas rumagasa ang luha niya pero tumatawa pa din siya. I find it weird. Ano bang mga pinagsasabi niya?

He's giving me freedom? Pinapalaya na ba niya ako? Pagod na rin ba siya?

"Please take care. Safe ka ba dyan? Let me know kung may kailangan ka." He kissed me in my forehead saka medyo ginulo ang buhok ko. "I love you."

He waved goodbye. Pain is visible in his eyes. Hindi siya marunong magpakita ng emosyon pero kitang-kita ko iyon ngayon sa kaniya. Namumula ang mata. He seems too tired. Ngayon ko lang din pansin ang dark circles sa ilalim ng mata niya.

Isang tingin lang ang iginawad ko sa kaniya bago isinarado ang pinto. I don't know if I'm mistaken pero kita ko ang pagbagsak ng luha niya bago uli siya kumaway at mamaalam. Tama ba yung nakita ko? May sugat siya bandang pala-pulsuhan. Baka namalik-mata lang ako.

I opened the door para tignan kung nakaalis na siya. Huminto siya at lumingon uli, then mouthed I love you. And for the last time he waved goodbye. Parang may mali, iba ang nararamdaman ko. Did I make the right decision na ipagtabuyan siya?

For the last time he smiled. A genuine smile. Kakaiba yung ngiti niya, there's something on it.

Kung alam ko lang na huli na yun sana tumakbo na lang ako payakap sa kaniya. Sana pinatawad ko na lang siya kahit durog na durog pa ako. Sana pinagbigyan ko na lang siya nung sinabi niyang kailangan niya ako. Sana pinakinggan ko na lang siya. Sana panaginip na lang ang lahat.

If this is a nightmare then wake me up.

"I know they care for you. So I don't see anything wrong para pigilan sila. Malay mo isa pala sa kanila ang makatuluyan mo at papakasalan mo?"

I find it weird yesterday kung bakit siya nagsalita ng ganun. Akala ko nagbibiro lang siya. Akala ko walang ibig sabihin iyon.

"Pero kailangan kita Addie. Please? Samahan mo naman ako kahit ngayon lang."

That's it. Bakit nga ba hindi ko napansin na may iba sa kaniya? Hindi ko naman lubos akalain na nagpaparamdam na siya kagabi. Na namamaalam na siya. Siguro sobrang hirap na hirap na siya kagabi. Pero what did I do? Pinagtabuyan ko siya!

He needs me pero hindi ko siya natulungan. He's begging for help pero I ignored him. Tangina ang sakit-sakit.

Napaluhod na lang ako sa harap ng kabaong niya. Napahagulgol ako kasi sobrang sakit. Halo-halo ang nararamdaman ko. I didn't expect na mawawala siya ng sobrang bilis sa akin.

Kung papatawarin ba kita tatayo ka na dyan galing sa pagkakahiga? Kasi kung oo! Morgan pinapatawad na kita kaya bumangon ka na dyan! Parang awa mo na!

Hindi na ako halos makahinga paghakbang ko palang sa labas ng gate ng bahay nila nanginginig ang bawat parte ng katawan ko. I felt guilty. Kasalanan ko.

Kung sana hindi ko siya pinagtabuyan kagabi baka hindi niya yun ginawa sa sarili niya. Sana nandito pa rin siya! Hindi ko maiwasang isisi sa sarili ko ang lahat.

Kung sana mas naging malawak ang pang-unawa ko. Kung sana pinatawad ko na lang siya. Yes he hurt me, pero mahal ko siya. Sana naging mahinahon ako sa mga desisyon ko. Nabigla din ako. Ni wala akong suot na tsinelas kanina sa pagkabigla ko sa nabalitaan ko. 

Napahawak ako sa salamin ng kabaong niya. He's there sleeping. Ang payapa ng mukha niya. Then suddenly I remember last night. Ibang iba yung ngiti niya.

His last goodbye and last smile. Mas napahagulgol ako dahil hindi ko man lang napansin na may pinagdadaanan pala siya. Naging makasarili ako.

Nasaktan din ako pero hindi ko naman akalain na hahantong sa ganito. Hahantong na...

Wawakasan niya ang buhay niya.






Dominant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon