Kabanata 24

729 19 0
                                    


Inalis ng maid ang bedsheet na may dugo. Gulat na gulat pa ang mukha niya pagkakita sa dugo. Binalewala ko na lang at saka pinapalitan ng bago. Kulay puti rin ang ipinalit. Baka magtaka kasi si Morgan na naibahan. Lakas pa naman topak.

Nagpasalamat ako sa maid. At nang matapos akong magshower ay bumaba na ako para kumain ng dinner. Naabutan ko si Morgan na paakyat ng hagdan.

Nginitian ko siya pero parang hindi niya ako nakita. Naalis ang ngiti sa labi ko. Tuloy-tuloy lang siya sa pag-akyat. Bumaba na lang ako para kumain kahit wala akong gana.

Naabutan ko ang dalawang maid na nag-uusap.

"Seryoso ka ba? As in dugo?"

"Oo ako nga ang nagpalit. Dugo talaga. Baka may ano, alam mo na." Humahagikgik na tugon ng isang maid.

"Tama na nga baka may makarinig."

Their dirty mind. For petes sake walang nangyari sa amin ni Morgan kung yun ang iniisip nila. Hinayaan ko na lang at dumiretso sa dining table.

Tinapos ko din agad ang pagkain. Gusto kong magpunta sa hardin.

Humaplos sa akin ang presko at malamig na simoy ng hangin. Narelax ako sa lamyos na dala ng hangin.

Umupo ako sa may bench. Ngayon na lang ulit ako nakapunta dito. Wala namang nagbago. Marami pa ding bulaklak kahit gabi na kitang kita pa rin dahil sa mga lamp post.

Nanatili ako roon ng isang oras bago ko napagpasyahan na umakyat na sa kwarto ko. Sumakit na naman kasi ang puson ko.

Medyo okay na kanina pero heto't parang pinipiga nanaman.

Hindi ko namalayan na sa kwarto pala ni Morgan ang tungo ng mga paa ko. How come na dito ako dinala ng mga paa ko?

Kumatok ako ng limang beses bago ako pagbuksan ni Morgan ng pinto.

He look surprised. He look at me with a bored face.

"Do you need anything?"

Umiling lang ako at dumiretso sa kama niya at sumalampak doon. Napadaing ako.

Bakit ganun? Yung iba naman hindi ganito pero ako heto at namimilipit na sa sakit. Parang pinaghihiwalay ang puson ko.

Dapat kasi sa room na ako dumiretso bakit kasi dito ako dinala ng mga paa ko. Medyo malayo pa naman kwarto ko dito. Kainis.

Pero okay na din at nandito ako. Hindi ako mag-isa. His scent calm me. Yung amoy niyang naiwan sa unan niya.

Bakit ang hirap maging babae? Namimilipit pa rin ako sa sakit ng maramdaman ko ang paglubog ng kama.

Hinawakan niya ang braso ko at marahang hinaplos ito.

"Hey you are in pain. Anong nangyayari sa'yo?" Natataranta niyang tanong at agad akong ibinalikwas para humarap sa kaniya.

"Morgan." Nag-umpisa ng tumulo ang mga luha ko.

"What's wrong? Anong masakit?" He asked with a concerned face.

"Puson ko."

"I will bring you to hospital." Tarant na sabi niya. He face palmed. Natatawa ako sa sinabi niya. He's so cute. Hospital? Oh come on baby.

"N-no just get me a medicine please?"

Umalis siya agad at rinig na rinig ko ang sigaw niya sa mga maids. Hindi niya sinarado ang pinto kaya nakaawang ito.

Alam kaya niya ang kukunin niyang gamot? Hindi naman kasi siya nagtanong muna bago umalis.

"Nakalimutan kong tanungin. What medicine?"

"Gamot para sa puson."

"Huh? I don't know." Magkasalubong na ang kilay niya ngayon. Nakapameywang sa harap ko at pawis na pawis. Damn he look so hot. Napalunok ako.

"Just tell the maids na ano..."

"W-what?" Ay galit nanaman ang lolo niyo.

"M-meron ako. You know? Girl menstruation." Nag-init ang pisngi ko sa sinabi ko. Bakit ba ako nahihiya. Normal lang naman sa babae yun. Ewan ko pero hirap na hirap akong sabihin sa kaniya.

"Alright." Saka siya umalis nanaman.

After 20 years bumalik na din siya. Yeah years dahil ang tagal niyang bumalik. Mamamatay na ata ako sa sakit pero wala pa din siya. And now here he is.

Napasimangot ako.

"Sorry natagalan ako. I have a visitor downstairs a while ago. Here's your medicine." He's sweating and look nervous. Anong nangyari dito?

Inabot niya ang tubig at ang gamot. Ininom ko agad at saka umupo.

"Salamat."

Pumunta siyang veranda ng kwarto niya. After 20 minutes sumunod ako. Gusto kong humiga na lang pero gusto kong magkaayos na kami. Di ko kaya kung tatagal pa ang away namin.

Yumakap ako mula sa likod at ipinatong ang ulo ko sa matigas niyang likod. Galit siya sa akin. Pero kahit galit siya ramdam ko pa rin yung pag-aalala niya kanina. Hindi man niya sabihin pero alam kong mahal niya ako kaya ganun na lamang ang hinanakit niya nung malaman niya ang tungkol sa amin ni Wallace. Guilty took over me.

He's a family for me nang mapunta ako dito. I'm grateful kasi sinuklian niya ang nararamdaman ko. At sapat na iyon sa akin. Sobra pa nga kung tutuusin.

"I'm so sorry Morgan. For always making you mad. I keep lying and keeping secrets kasi ayokong nagagalit ka dahil natatakot ako. Morgan please believe me. Masakit din sa akin yung nakita ko kanina. Kissing another girl. Gusto kong magalit sa'yo pero pinigilan ko kasi baka may rason ka din. Sawa ka na ba sa akin kaya mas gusto mong kasama si Jamilla?" I'm sobbing. He let out a heavy sigh.

Iwinaksi ko lang sa isip ko kanina iyong nakita ko. Nagpanggap na walang nakita pero masakit talaga. Magkahalikan sila nung pupuntahan ko sana siya sa room nila at yun ang nadatnan ko.

Basa na ang shirt niya sa mga luha ko. Wala pa din siyang imik pagkatapos kong sabihin ang lahat ng iyon. Nagsimula na akong kabahan.

All my confidence and my hopes fades away.

Humarap siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko. Patuloy lang din ang pag-agos ng luha ko.

"I'm sorry." Mas lalo niyang isinubsob ang mukha niya sa leeg ko.

Kasalanan ko to kaya pareho kaming nasasaktan.

"Tahan na. I'm just hurt. Ayaw din kitang iwasan. Natatakot lang din ako. What if ipagpalit mo ako? I know there's something between you and Wallace. I'm afraid. I'm selfish Addie you know that. Just tell me everything. Your feelings. Even if it hurts tell me, okay? I love you."

Mas lalo akong humagulgol sa sinabi niya.

Dominant LoverWhere stories live. Discover now