Kabanata 30

804 20 1
                                    


Nakasalubong ko si Caliber sa paghahanap ko kay Morgan. Sinabi niyang hindi pa rin raw nakakabalik ng hotel at hindi matawagan kasi nga naiwan ang phone sa sobrang taranta kanina.

Mag-iisang oras na yata at mahigit ang nakalipas ng hanapin ko siya pero ni anino niya wala. Pinapabalik na niya ako sa hotel pero tumanggi ako at sinabing hahanapin ko siya. Tinignan niya lang ako ng may malungkot na mata at nagpaalam na. Nakailang pilit siya pero sa huli ay sumuko din kaya naglibot libot pa ako sa pwede niyang puntahan.

Napahinto lang ako ng may maaninag akong pamilyar na bulto ng tao na nakatayo sa may malapit sa isang b-bar? Nakatayo siya sa labas. Lalapitan ko sana siya pero biglang tumigil ang mundo ko ng may kasama pala siyang babae and worst they are kissing. Tangina bigla akong nanghina sa nakita ko. Pagod na pagod na ako kakahanap sa kaniya pero heto at may kalandian pala siya. Nanlamig ako sa kinatatayuan ko.

Pagod na pagod na rin ako. Hindi lang sa physical pero emotional na rin. Ang dami ko pang katanungan na walang sagot at ang dami ko pang hinanakit na gusto kong sabihin sa kaniya! Pero as of right now. I'm done.

Gusto ko silang sugurin at paghiwalayin pero sino nga ba ako? May karapatan nga ba ako sa kaniya? Oo! Meron pero parang wala dahil sa mga ginagawa niya.

Para akong tanga dito na hindi na halos maihakbang ang mga paa ko paalis. Natuod na ako sa pwesto ko. I'm here crying while watching my man kissing another woman.

Tumagal yun ng ilang minuto. Sa tagal ko ba namang nakatayo at pinapanood sila. Ang masakit pa niyan bakit hindi niya tinulak yung babae? Is she that good in kissing? Dati siya ang nagtanong niyan pero ako naman ngayon ang nagtatanong.

"Putangina."

I heard someone cursed behind me. I didn't bother to looked dahil sandali lamang ay may nangharang na sa harap ko. Kaya hindi ko na makita ang dalawa. I pushed that person dahil ni hindi ko matignan ang mukha niya dahil sa mga luhang nag-uunahan sa paglabas.

"Addie don't look. Ibabalik na kita sa hotel. You should rest alam kong pagod ka na rin." It's Rain kahit hindi ko tignan ang mukha niya alam kong siya ang nasa harap ko. Nag-aalala ang boses niya.

Mas bumuhos ang luha ko. Bakit? Dahil nakita ko na ang kaibigan niya? Pinagtatakpan lang ba nila? Kaya ba pinapauwi na nila ako kanina sa kakahanap sa kaniya at ayaw nila akong hanapin siya dahil may kakatagpuin pala siyang babae? And excuse lang niya ang paghahanap sa akin. Kasi in the first place he didn't cared at all, kaya bakit nga ba niya ako hahanapin?

Ako lang tong tanga na naghanap ng naghanap. Yung guilt ko kanina nawala na at napalitan ng galit. Nitong mga nakaraang araw kinimkim ko lahat-lahat. At mas lalo pang nadagdagan ngayon. Akala ko kahit papaano nirerespeto niya ako pero what he had done? He made it worst!

"Step aside."

"No. Tara na."

"Tumabi ka para makita ko lahat ng kagaguhang ginagawa ng kaibigan niyo."

"Don't make me force you na iuwi kita. Stop it. Kung nasasaktan ka sa mga nakikita mo then close your eyes. You don't have to see it. Kaibigan rin kita Addie. Nasasaktan rin ako."

Mukhang naiinis na rin siya based sa tono niya. Tiningala ko siya at kita ko ang pag-igting ng panga niya ng makita niya ang mukha ko. Wala akong mahanap sa mata niya pero kalaunan ay nakita ko ang sakit. Why? Nasasaktan rin ba siya para sa akin?

Nakakatawa mang isipin pero bakit? I'm aware na hindi kami ganoon kaclose. Pero bakit kung makaasta siya ganito. Bakit si Morgan hindi? Diba? Bakit ibang tao pa at hindi si Morgan?

Tumawa ako ng pagak at pinahid ang mga luha ko. I tried my best to smile.

"Rain ikaw ba yan?"

He looked away. Hinilot niya ang kaniyang sentido. Kita ko ang paglunok niya dahil sa adams apple niya. Pagkabalik niya ng tingin niya ay ang pamumungay ng mata niya.

Dominant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon