Kabanata 19

804 19 0
                                    


He patted my head and I felt that he kissed my hair.

Goodness what am I doing? I don't want to make a mistake. Never again. Ayokong mag-away kami ulit ni Morgan dahil sa kaniya.

I don't want to hurt Morgan. Ayoko siyang makitang nasasaktan. Pero dahil sa mga ginagawa ko mukhang ngayon palang nagkakasala nanaman ako.

Alam niyo yun? Mahal ko si Morgan ramdam ko yun. Pero kapag nandiyan na si Wallace ay nag-iiba na ang emosyon ko. Parang meron din siyang puwang sa puso ko. Normal bang maramdaman sa kaibigan iyon? Geez. Nabobobo ako.

Pagiging magkaibigan lang ba talaga amg turing ng puso ko sa kaniya? O higit pa roon? Ni hindi ko na nga siya nakita ng matagal dapat pati yung pagkalito ko nun naalis na. Hindi naman nagkulang si Morgan. He always make me feel love.

I'm in a relationship pero heto ako at nalilito kapag nariyan ang isa. Normal lang lang ba tong nararamdaman ko? Dahil kung hindi, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Sorry Morgan. I feel bad for him.

"I miss you babe." Parang nagbalik yung dati. Yung samahan namin na puro lokohan at bangayan. Parati niya akong tinatawag na babe noon kahit di naman kami magjowa. Ang sasama tuloy ng mga tingin ng babae kapag naririnig nila yun na sinasabi niya sa akin. Naissue pa ako nun na nilalandi ko daw si Wallace para umangat ako.

Kaya magmula noon pinakiusapan ko siya na huwag na huwag na niya akong tatawagin ng ganun. Ngayon ko na lang ulit narinig. And I can't deny na it feels so good. Namiss ko ang dati.

Mga walang kwentang paratang. Naungkat din si Morgan. Basta magulo sobra. Ni wala nga akong naging kaibigan dahil tingin nila sa akin ay mang-aagaw at dakilang sipsip sa buhay nila.

"Namiss din kita." Pinalo ko siya sa balikat na agad naman niyang hinimas. Hindi naman ganun kalakas pero kung makapag-aray akala mo bato yung pinangpalo ko. Tumawa siya, ngayon ko lang ulit siya nakitang ganyan.

"Sino palang kasama mo? Where's uhmn w-where is Morgan?" Nag-aalangan niyang tanong na ikinatigil ko din sa pag ngiti.

A minute of silence...

"W-wala ano k-kasi...ang totoo niyan tumakas ako ng bahay. Ayaw kasi akong palabasin at ayun nagsusungit kaya gusto kong lumabas. Nakakainis pagkagising niya bigla-bigla na lang ganun. Okay na kami tapos bigla nanamang sinumpong. Hindi ko maintindihan ang ugali minsan. May mga natatanggap kasi akong letters kaya galit na galit si Morgan sa akin dahil sa mga sulat na yun. Ang creepy dahil hindi ko alam kung sino ba ang nasa likod ng mga sulat." Mahabang litantya ko. Ngayon nailabas ko na ang mga gusto kong sabihin. Walang preno talaga ang bibig ko. Pati yung about sa letters nasabi ko sa kaniya.

"Ako na lang kasi. Hindi kita pagbabawalan na magpunta dito at kahit saan mo pa gustuhin." Ngumiti siya na parang nanghihikayat na bumili ka ng paninda niya. Pinisil niya ang ilong ko kaya natampal ko ulit ang kamay niya.

"Kahit saan pa yan?"

"Of course kahit sa ibang bansa pa yan. For you I'll do anything just to make you happy. Because I l---- because you are special to me. My special friend." Sumeryoso ang mukha niya. Titig na titig siya sa akin ngayon.

Umiwas ako ng tingin dahil parang nahuhulog ako sa isang patibong kapag tumitig ako sa kaniya ay magkakasala ako.

"Congrats nga pala." Parehas kaming nakaharap sa may lawa ngayon. Nakaupo kami sa may nakatumbang puno.

"For what?"

"Sa engagement mo." Ramdam ko yung pait sa bawat pagbigkas ko.

Masaya kaya siya? Masaya kaya siya na magpapakasal siya balang araw sa babaeng yun?

"Sa totoo lang hindi ko naman gusto yung babae. Dad forced me on that engagement. Damn it."

Nabigla ako sa sinabi niya. So napilitan lang siya? So it means wala siyang nararamdaman dun sa girl?

"But you look good together. Mayaman, maganda at mukhang mabait. A perfect wife for you."

"Yes I won't deny it. Pero ayoko yung ganun. I want to marry the person I love." Tumingin siya sa akin. Kita ko ang lungkot at inis sa kaniya.

Halata ngang ayaw niya.

"Lagi ka ba rito?" Pag-iiba ko ng topic. Gusto kong gumaan kahit papaano yung atmosphere. Mukhang ayaw niyang kasing pag-usapan.

"Oo madalas ako rito tuwing may problema ako at gusto kong makapag-isip. To calm my mind. Last week almost every day na nandito ako. Ikaw?"

Mukhang marami nga siyang dinadalang problema. Parang nangangayat din siya.

"Pangalawang punta ko palang rito. Matagal na yung una. Nakakastress sa school kaya gusto ko din dito dahil payapa." Nakangiti kong sagot. Ngumiti siya pabalik.

Tahimik lang kami at dinadama ang katahimikan ng paligid. Wala ng nagtangkang magsalita.

Biglang nagring ang phone niya.

"Yes hello dad? No...okay." Yun lang at ibinaba na niya.

Malungkot siyang bumaling sa akin.

"Addie I'm sorry. I want to spend more time with you but something happened. I really need to go. Just be careful kapag umuwi ka na. Keep safe."

Isang damping halik sa noo ko bago siya nagmamadaling umalis.

Nanatili pa ako roon ng isang oras bago ko napagpasiyahan na umuwi. Hapon na at siguradong hahanapin na ako ni Morgan.

"Saan ka galing?"

Pagkapasok ko palang sa bahay ay sinalubong agad ako ni Morgan. Halos magkasalubong na ang dalawang kilay.

"Ah nagpahangin lang? Ano magpapalit lang ako." Ngiting-ngiti kong sabi at mabilis na hinalikan siya sa pisngi. Sana makatakas ako.

Nakakadalawang hakbang palang ako ay nahawakan na niya ang kaliwang braso ko. Ang higpit ng pagkakahawak niya.

"Follow me." Maawtoridad niyang sabi at agad akong hinatak paakyat ng hagdan. Kasi naman  gusto ko lang talaga magpunta ng lawa. Anong masama dun?

Pagkapasok namin sa kwarto niya ay agad niya akong binitiwan at hinagis sa kama niya. Oo hinagis talaga, sa payat kong to di na siya naawa.

Sumakit ata ang bewang ko. 

Tinignan ko siya at nagdidilim ang mukha niya.

"Uulitin ko ang tanong ko kanina. Saan ka galing!" Dumagundong ang sigaw niya sa buong kwarto. Nagulat ako sa pagsigaw niya kaya mas lalo akong napaatras hanggang sa makarating ako sa may headrest ng kama niya.

Sasabihin ko na ang totoo pero hindi ko sasabihin na nakita ko dun si Wallace para hindi na lumala ang sitwasyon. Di ko naman plinano na magkikita kami. Iyong lawa lang naman talaga ang pinunta ko.

"S-sa l-lawa. S-sorry Morgan. G-gusto ko lang talagang magpunta doon."

"Bakit hindi ka man lang nagpaalam? Alam mo bang kanina pa ako tumatawag ha!" Napakislot ulit ako at tumama ang braso ko kaya napasigaw ako sa sakit.

Tumalikod siya sa akin. Napapahilamos siya sa mukha at mukhang nagpipigil ng galit.

"Siguro may katagpo ka kaya pilit ka ng pilit na magpunta doon? Kaya hindi ka nagpaalam dahil may lalaki kang ikinatatagpo roon! Tama ba?"

Nakakatakot. Ni hindi ako makapagsalita dahil nanginginig ang mga labi ko.

Pipilitin kong magsalita baka kung anong isipin niya.

"H-hindi. W-wala. Gusto ko lang talagang magpunta."

"Damn it."

Pumunta siyang cr at padabog na sinarado iyon. Buti hindi niya ako napagbuhatan ng kamay. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

Napahawak ako sa braso kong tumama na ngayon ay namumula na. Masakit siya nung hawakan ko. Lalabas na ba ako? Baka kasi mamaya pagalitan ako kung basta basta na lamang ako aalis.

Pinilit kong tumayo at lumapit sa may pinto.

"Morgan lalabas na ako."




Dominant LoverWhere stories live. Discover now